Chapter 29

84 7 0
                                    

"Ok lang siguro kung umabot ng taon".wala sa anong nasabi ko sa isip ko

"Lagi kang mag iingat pwede ba ? Uh wait ! What if doon ka nalang muna sa bahay ko ?"

Hmm , magandang idea pero ayaw ko.

"Nako huwag na , at salamat pero kina Mandy muna kasi ako pansamantala alam mo naman yon diba ?"balik kong tanong

"Hmmm , okay basta lagi kang mag iingat , huwag kang makikipag usap kahit kanino or sasama "

"Oo na po kasi , sige na baka malate ka pa " pagtataboy ko pa

Ngumiti ito kapag yumakap sakin.

"Ang lalaking to hayst "pagbibigyan kita ngayon , pero ito na ang huli '.

Umalis ako sa pagkakayakap at umayos ng upo.

"Sige na , balik nako sa trabaho "
Yon lang at mabilis akong bumaba ng sasakyan.Pagkababa ay ngumiti lang ako dito.

"Ingat ok, babye "

"Ikaw din ha , huwag kang pasaway " pag sabi nun ay agad itong umalis.

Mabilis natapos ang buong mag hapon at nakakabagot promise , wala masyadong customer .

Nang makauwi wala pa din akong natanggap na text kay Reid o kung ano pa man.
Bakit nga ba sa tuwing nag eexpect ako mas malabong mangyare or tamang sabihin na hindi nangyayare.
Ano pa bang inaasahan ko sa unggoy na yon.

Lumipas ang ilang araw na hindi pa din ito nag paparamdam.Hindi ko sinubukang etext ito o tawagan ayaw kong mag tanong kung okay ba sya o ano.

Pero alam ng nasa taas kung gaano ko kagusto na gawin yon.
Ayaw kung mag assume, na akala ko kami pero hindi naman pala.
Hayst sino ba naman ako para bigyan nya ng importansya ,ni hindi nya nga nasabi na gusto nya ko o ano diba .

Matapos ang ilang araw at dumaan na din pati ang linggo , hanggang sa mga lahati ang buwan ay ganun padin.

Maging si Summer ay dumalang ang pag paparamdam nito , ang pagtext nitong dating halos oras oras ay nauwi nalang sa isa o dalawang beses sa isang araw pati narin ang pag tawag nito ay nahinto.
Pero okay lang wala namang hindi nito pinapaalam kung anong ginagawa nya kung nagkataon man dagdag pa ang pag papaalam nito kung nasan sya.

Ang mga paalala nito sa araw na mag tetext sya o kung tumawag man sya.
Pero wala akong pake don , madalas nga na pag tumatawag ito ay hindi ko sinasagot ang mga iyon pati ang text nito na tamang sabi na basa bura ang gawa ko.

Hayst ... bakit kasi sya ang gumagawa nun at hindi ang taong gusto ko ?
Tuloy nasasayang ang effort nya.

"Ate !"bungad nito pagkabukas ng pinto

"Oh bat gising ka pa ?"

"Wala lang , wala pa din si kuya Summer ate ?"

Pumasok ako at nagtungo sa kwarto para mag bihis.
Nanatili itong nakabuntot sa likod ko.

"Wala pa po, kaya matulog kana, kasi gabi na ha "

Nagkamot ito ng ulo bago lumabas.

Biglang nag vibrate ang phone ko na nakapatong sa tukador.
Mabilis ko itong kinuha at bago ko pa man ito sagutin ay naka end na ang call nito.

1 missed call received ( unknown )

Hmmm , sino naman kaya to.Ibinalik ko ang phone ko sa pagkakapatong.

---

Muli kong tinungga ang bote ng alak na hawak ko.

Hindi ko alam kung nakakarma ba ako o ano .Parang baliktad, ako ang nahuhulog sa sarili kong patibong.

Gusto ko syang kamustahin na ayaw ko.Hindi dapat ako mahulog sa kanya.

"May bago ba ?"-Marvin
pasok nitong umupo sa sofa di kalayuan sa kinatatayuan ko .

Sa halip na sumagot ay inubos ko lahat ng laman ng alak.

"Meron nga . Anyway back to reality I'm here dahil nabalitaan ko na nasunog daw ang isa sa bagong restaurant na kakabukas mo lang ?"

"Yea , that's true " walang ganang sagot ko

"Ok lang sayo ?" Kapag kuwa'y tumawa ito ng payak.

"Sabihin na nating oo ".Sa totoo lang wala akong pake .Kaya kong ipatayo ulit yon ng paulit ulit sa gusto kong paraan .At ang isang to kung makatawa parang nakakatulong sya sa ganoong paraan.

"Okay sabi mo eh.Then about the new one, mind to tell ?"

Tiningnan ko lang ito ng nagtatanong.Ano nanaman nag pinagsasabi nya.
Ibinalin ko ang tingin sa ibang gawi na nilagok ang bagong bukas na alak.

Narinig ko nanaman ang pagtawa nitong nakakaloko.

"Oh parang inlove ka ata ".
Lumapit ito sa table na may nakapatong na alak at nag tagis doon na ininom kapag kuwa'y.

Dahil sa sinabi ay ngumisi ako.

"Oh tamang sabihing inlove ka nga talaga.Good news ! At last nakamove on kana ".

Ang daming alam.

"Wala namang nag bago at lalong hindi ako inlove ". Sagot kung nakatingin dito.

"Aww denial !oh man , parang hindi kita kilala para mag deny ka ".

Sya ata ang nalalasing o tamang sabihing lasing na sa kakulitan nya.

"Maybe yes but that's no no ".sabi kung nakatinging seryoso.

Marvin was friend of mine since elementary.Nag aral ng parehong kurso about sa business ng mag college kami.

We grow up in the same place in quezon province at halos mag kasing edad lang kami.Katulad ko single din ang bugok na to.
Single na kasi kakabreak lang nila.Poor man.
At hindi naman kawalan yon sa kanya.Ang excuse nya "marami pa dyang iba ".
Itong taong to ay may business ding pinag kakaabalahan tulad ko at yon ang club house nito sa tagaytay.Successfully anim na to ngayon at pagkakaalam ko hindi lang yon , also owning 2 restaurant na katulad ng sakin.

"Oh come on, trying to convince me ?"

"Could you stop asking me like that.Its none of your monkey business okay."sabi ko pang nakangisi.

"Then fine ."sagot nitong nakatingin na parang nanghuhula ng nasa isip ko.

--

"Ate , sabi ni nanay mag hatid ka daw ng pakain sa kanya sa palengke".

Kakatapos ko lang maligo at good thing sunday ngayon hayst sa wakas day off kona.

"Opo ". Sabi ko pang umupo sa tabi nito na kumakain ng almusal.

Pagkatapos mag almusal ay nag babad ako ng mga labahin.Mamaya nako mag lalaba, mag lilinis muna ako.

Hindi naman masyadong makalat o madumi ang bahay kaya ang tanging nagawa ko lang ay mag punas ng kaunti, walis dito kung saan pa kailangan.Pagkatapos ay nag salang na ako ng sinaing para sa tanghalian na binantayan naman ni Sammy.

Sinimulan ko nang labhan ang mga labahin ko at agad namang natapos ang mga puti.At agad ni isinunod ang mga di color kasama ang mga uniform ko.
Mamaya nako mag babanlaw ng mga iyon kailangan ko pang magluto ng ulam.

Nang matapos ay inayos kona ang pagkain na dadalhin ko kay nanay.

"Sam , aalis muna ako.Ikaw muna dito ha".sabi ko pang inayos ang sarili

"Eeehh . Sama nako ".nakangusong sunod nito

"Nako ang kulit mo talaga.Sige na mag bihis ka muna at ang dumi nang damit mo".sabi ko pa.Agad naman itong sumunod

Naglakad lang kami total di naman masyadong malayo at para na din makapag exercise ako kahit sa ganitong paraan lang .

Habang naglalakad ay may sasakyang sumunod samin na pinagtaka ko.Kaya tumabi kaming maayos sa daan.

"Pssst ! ".narinig ko pang sabi ng tinig ng babae

Hindi ko yon pinansin at nag patuloy kami sa pag lalakad.

"Pssst ! Sandali lang ".

Tuluyan kaming huminto sa paglalakad.


Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon