Ngiti lang naging tugon ko.Parang gusto kong tumakbo na ewan hayst.
Napapaso ako sa tingin nya.
Galit ba sya ? Bakit ganun sya makatingin kahit hindi ako nakatingin sa gawi nya ramdam ko , ramdam na ramdam ko kung paano nya ko tingnan."Sabi ko naman sayo manang eh , magugustohan nyo po sya "
"Aba'y oo naman , kung sinabi mo agad sakin ang pangalan nya di oo agad ang sagot ko "
Nakinig lang ako sa usapan nila.Ayoko mag salita hayst parang biglang nasira yong mood ko.
"Sandali lang ah !"
Pukaw samin ng babaeng katabi ni Aling Rosa.
"Kuya Sum , hindi mo manlang ba ko ipapakilala sa kanya ?!"
Nagtawanan sila Aling Rosa at Summer
Tumingin ako sa gawi ng nasa dulo na busy sa pag kain.
Tumingin din ito sakin , matalim na tingin.
Mabilis kung ibalik sa nag uusap ang tingin."Hel , si Aily nga pala pinsan ko"
Tumango lang ako at ngumiti
"At si Reid sya yong kuya ni Summer "
Si manang na ang nagsalita.Parang gusto kong masuka .
Magkapatid nga sila ! Ang bobo ko si Sum at Summer ay iisa hayst . Pero bakit kasi wala sya dito nong andito kami at bakit baby picture as in puro baby picture nila ang naka display diba.
Hindi naman ako manghuhula para masabi kung sino sya don sila diba.Natapos ang hapunan ng hindi ko alam kung kumain ba ko o hindi.Si aling Rosa , Aily at Sum lang ang halos nag uusap at ang bugok na yon ganun na lang sya kabilis mawala hindi ko manlang namamalayan.
Nasa sala na kami nang mag paalam ako na uuwi na.Kasalukuyang namang asa taas si Summer para mag palit ng damit.
"Mauna na ho ako ''
"Oh ay sige , nako napasarap ang kwentohan natin sa susunod ulit ha at ikamusta mo ako sa nanay mo "
"Opo, sige po "
Sabay kaming nag lakad papuntang pinto ng makita ko na pababa narin si Summer.
"Tara ?"
Pagyaya nito na sumang ayon naman ako.
Sabay kaming naglakad na apat."Ingat kayo "- Halos sabay na sabi nila Aling Rosa at Aily
"Sige salamat "
Wala sa anong nabuntong hininga ako sa pag sakay ko.
"Okay ka lang ? Napagod ka ba ?"
"Hindi naman antok lang ako.Tsaka ok lang "sabj ko pang nakangiti
"Nakakatuwa , yong babaeng pinagtatalunan namin ni manang iisa pala.Anyway I'm sure pag nagkita kayo ni Mama , magugustohan ka rin nya baka next month umuwi sya "
"Aah ganun ba "wala kung ganang sagot
"Yea , at gusto ko na makilala ka nya"
"Hmmp, ako din" sabi ko nalang ayoko na talagang mag salita , tinatamad ako pakiramdam ko pagod na pagod ako hayst.
Hindi ko namalayan na kanto na pala kami na kung san ako baba.Hangang sa mag salita ito .
"Hel ?" untag nito sa pananahimik ko
"Hmmm ?"
"Gusto mo ba ihatid na kita hanggang sa inyo ?"
"Nako huwag na dyan lang naman , sige na mauna nako.Huwag ka nang bumaba dito ka lang "
Mabilis akong bumaba at ito namay nanatiling nakasilip sa bintana.
"Babye" pagkasabi ay agad akong tumalikod at humakbang palayo.
BINABASA MO ANG
Fall
عاطفية"Bakit naman ako titigil ? At sino ka para utusan ako ?" "Aba teka lang ha ! Dapat talaga hindi na kami nag kita kung ganito lang din naman sya."sa loob loob ko pa. Mag sasalita na sana ako ng mabilis ako nitong halikan sa labi ko kaya natigilan ako...