Chapter 47

65 8 1
                                    

"Sya ang pinili ko kasi sya yong matimbang at kasi sya yong mahal ko ang akala ko...
Pero Hel sa bawat pag lipas ng araw nahihirapan ako ,ikaw ang hinahanap hanap ko, ang hinahanap hanap nito."

Turo nito sa parting dibdib.

"At kapag kasama ko sya ikaw ang laman nitong isip ko .Alam kong komplikado na lahat at kasalanan ko yon.. at ayaw kong masaktan si Yra ng dahil lang sa katangahan ko ."

"Ayaw nyang masaktan ! Eh ako pano naman ako !?"

"Ayaw mo pala syang masaktan bat mo pa sinasabi lahat ng to ? Para san,para ba ipamukha mo saking sya yong mahal mo at pinili mo ?"

"Hindi .Hindi Hel aayusin ko to , pangako."
Sabi nitong hinawakan ang kamay ko.

"Ayaw kong umasa Reid ."sagot kong nailing.

"Hayaan mo kong ayusin to,at mangako ka sakin na akin ka lang.Hel sabihin mo please ?"

"Reid , alam mo namang hindi ko magagawang lokohin ka o ang ipagpalit ka sa iba diba ?"

"I love you Hel , i love you so much at hindi ko kakayaning mapunta ka sa iba ."sabi nitong masuyo akong tiningnan.

Wala sa lugar na napangiti ako sa sinabi nya.

"Talaga ?"

"Oo at wala tong halong biro .Pag okay na lahat ikaw ang papakasalan ko ."

Muling pumatak ang luha ko.Masaya ako , sobrang saya ko.
Niyakap ko sya ng mahigpit, yong parang wala nang bukas.
Muli kong inalis ang pagkakayakap ko.

"Pero kailangan mo muna akong iuwi sa bahay ."

"Hmmp, hindi ba pweding dito kana muna ?"

"Reid !"

Bumuntong hininga itong hinalikan ako sa labi.

"Opo, iuuwi muna kita sa ngayon ."

Ngumiti lang akong muli syang niyakap.

"Sobrang namiss kita , ang daya mo kasi !"

"Gusto mo nang umuwi diba ? Babawi pa naman sana ako ."makahulugang sabi nito.

"Ikaw ha ang pilyo mo talaga .Sige na ihatid mo muna ako ."

"Oo, habang nasa matino pa kong pag iisip."

"Eeeeyyyh ."

Masaya kami parehong tinungo ang daan pauwi samin lulan ng sasakyan nya habang hawak nito ang isang kamay kong ilang ulit nyang hinahalik halikan.Walang pag lagyan ang saya ko..
Nag kwento ito tungkol sa pag alis nya ng bansa isang araw palang nag nakakaraan.
Ang mga ginawa nya ng mga araw na hindi kami nag kikita.
Hindi naman ako nag tatanong patungkol don sa mga bagay na hindi naman dapat pag usapan pa, basta ang pag kakaintindi ko halos hindi rin naman sila mag kita ng fiance nya sana.At katulad nga ngayon ay nasa paris nga ito bagay na hindi ako nahiyang itanong kung nasan ito.

Hanggang sa makarating kami samin ay napuno ang sasakyan nito ng tawa naming dalawa.

"Oh sige dito nalang , huwag kanang bumaba ."

"Ihahatid na kita hanggang don kaya huwag kanang makulit ."

Sabay kaming nag lakad sa dilim ng mag ka holding hands ang kamay.

"Opps wait ."hila nito sakin nang akmang bubuksan ko ang pinto.

Muling nag lapat ang labi naming buong puso kong tinugon .

"Reid i love you ng maraming marami ."sabi kong hinawakan ang kabilang pisge nito.

"I love you more and goodnight .Basta hintay ka lang ng konti ha , aayusin ko to promise ko yan sayo ."

Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon