"Sandali mag papaalam muna ko ."sabi kong bumalik ang tingin sa dalawang babae.
Pareho namang wari may itinataboy ang dalawa palayo na nakatingin sa gawi namin.
Lumabas kami ng shop at tinungo ang parking lot.
Iniabot nito ang isang bouquet ng pulang rosas sakin ng makaupo na kami.
"Para san to ?"tanong kong inamoy pa iyon.
"Gusto kong maging formal ang lahat.Hel gusto kong ligawan ka.Nakakatawa man pero , tumawa kana hanggang gusto mo ."
Napangiti ako.
"Hindi muna naman na kailangang gawin yon. "
"Hayaan mo lang ako, hayaan mo kong gawin to.Pagkatapos ng lahat gusto kong bumawi sayo, this time seryoso na to ."
Tiningnan ko lang sya sa mata na syang pagtitig nya.
"Pangako aayusin ko to ."
"Wala naman akong sinabi.Isa pa okay na, napatawad na kita ang aantayin ko nalang na maging okay ang lahat."
Lumapit ito para dampian ako ng halik sa noo.
"Kailangan ko nang bumalik sa loob.Mamaya nalang tayo mag usap."paalam ko
Ayaw ko man pero baka naman matanggal na ko sa trabaho sa ginagawa ko .Wala man madalas ang boss ko ay kailangan ko paring ayusin ang pag tatrabaho ko.
"Sige ."
Pagkasabi noon ay mabilis nitong hinawakan ang tig kabilang pisnge ko para halikan sa labi.
"Oh akala ko ba manliligaw ka palang ?"
Sabi ko ng nakangiti ng matapos ang halik nito."Friendly kiss yon."
Sabay kaming tumawa at niyakap ang isa't isa.
Matapos ang mag paalam ulit ay bumaba na ako para bumalik ulit sa loob ito naman ay umalis na din.
Matapos ang hapon at sumapit ang gabi ay nag handa na kami para umuwi.Maging ako ay excited na , hindi man ako sigurado kung masundo man nya ako ngayon ay okay lang ang mahalaga okay kami.
"Ba-bye na ."paalam ko sa tatlo na nag haharutan pa sa kitchen.Si kuya Felix naman ay nandon din at nakikigulo sa tatlo.
"Ingat ka !"
Halos sabay na sabi nila ng makalabas na ako.Dali dali akong nag lakad at tinungo ang kung san ako pweding makasakay pauwi.
Mabilis ang naging byahe na katulad ng karaniwang nangyayare sa araw araw.
Narinig ko ang tila nag tatawanan sa loob ng bahay kaya mabilis ang naging pag katok ko roon hanggang sa pihitin ko iyon.
Gabi na kasi bat gising pa sila.Bumukas ang pinto at mula roon ay tanaw ko ang tatlong taong nakaupo sa hapag na may kung anong kinakain doon.
Nagulat ako ng makita ko kung sino ang isa."Anak andyan kana pala ."
Lumapit akong nanatiling nakatingin sa lalake.
"Aah nay bakit po sya ---- "
"Ano ka ba ,pumunta sya dito para mag ayos kayo at okay lang sakin nag kausap naman na kami ."
Tiningnan ko si Reid na kumindat pa saking may ngiti sa labi.
"Ang mokong na to ! Kaya ba hindi sya nag abalang sunduin ako para ligawan ang nanay ko."
At okay na pala sila .Bakit ba ako nag tataka eh mana ako sa nanay ko,kung ako nga na hindi nagawang magalit sa kanya ang nanay ko pa kaya.
Hindi nya ba sinabi lahat ?
Ang akala ng nanay di pa kami nag uusap oh kung ano.
Wala sa anong napangiti ako.
BINABASA MO ANG
Fall
Romance"Bakit naman ako titigil ? At sino ka para utusan ako ?" "Aba teka lang ha ! Dapat talaga hindi na kami nag kita kung ganito lang din naman sya."sa loob loob ko pa. Mag sasalita na sana ako ng mabilis ako nitong halikan sa labi ko kaya natigilan ako...