Chapter 3

158 8 0
                                    

"Oh ano na , asan nang pera ?!

" Lina !" Saway ko pa. Saglit namang bumalik ang lalake sa kotse nya.Wala naman akong nakitang pag kainis sa mukha nito bagkus ay nakangiti nga ito na tila naaaliw sa kasama ko.

"Grabe ka naman bes, hindi naman tatakbo yong tao oh. "

"Ano ka ba , anong malay mo may sasakyan sya oh. Mamaya eh pagkakuha nya ng pangalan ko at cp number ko eh, takbohan nya tayo."

Napatawa naman ako sa sinabi nya ng lihim.Lokoloko talaga tong best friend ko.

"Pwede pala yon ?'

"Oo, tsaka ano kaba pangdagdag kain na rin yon, wait huwag ka maingay andyan sya."

Tumingin kami sa gawi na nya kasalukuyang malapit na sa kinaroroonan namin.

"Here ."

Si Lina na ang kumuha ng pera, na sya namang ikinatuwa nya.
Lokaloka talaga masyadong obvious.Tahimik lang kami nang muling magsalita ang lalake.

"Uhm , anyway I'm Summer Mondragon.'

"Wow, as in summer ?"

Tahimik padin ako mataman kung tiningnan ang lalake na nag pakilalang Summer daw ang pangalan nya.

"Yea ."

"Lina nga pala ,at ito ang friend ko si Helena ."

Sira talaga , pagkatapos manghinge ng pera makikipag kilala pa. Nako! Nako ! tsk !

"Wow, so you both live here ?"

Pagpatuloy pa nito , na agad naman kami sumang ayon.

" Wait ! Hindi dito sa kalsada ha ? don pa, malayo nang konte dito."

Napansin kong biglang ngumiti ang lalake.Buti di sya pikonin , dahil kong hindi malamang uuwi tong may pasa.

" Ah , mauna na kami. May gagawin pa kasi kami eh."paalam ko pa.Ayaw konang pahabaan nakakahiya eh.

"Sandali ! Pwede bang hinatid kona kayo ?"

"Nako huwag na. Sige mauna na kami."

Pilit ko pang paalam. Para matigil nang bumanganga nitong kasama ko. Baka san pa mapunta.
Agad naman sumang ayon si Lina ganun din ang lalake .Nang makatalikod na ay hindi nako nag abala pang lumingon pa.

Ilang araw nang nakakaraan simula nang mangayare ang muntik na kaming mabangga ni Lina. Lagi nyang mukhang bibig yong guy keso daw ang pogi daw talaga at bagay sila at kung ano anu pa.
Ako naman oo lang parating tugon na ikinaiinis nya.

"Nay , okay lang po kayo ?'Pansin kung bahagya itong naupo at humawak sa sentido.

"Okay lang ako anak, may ipapakisuyo sana ako sayo anak."

"Ano po yon Nay ?'Agad kung tanong nang hindi maalis pag alala .

"Dalhin mo yang mga labada don sa subdivision , ihatid mo at ito ang address.'

"Po ! Nay kailan pa po kayo naglalabada, ano bayan Nay. Ang tigas nanaman po ng ulo nyo, san nyo naman po gagamitin yang pera ?

Hindi ito sumagot na tiningnan lang ako mata.

"Pang bayad utang po ba ?  sana sinabi nyo nalang sakin Nay, hindi ho yang nanapagod kayo ng sobra."
Kinuha ko ang iniabot yang address sa papel.

"Kahapon lang yan , kailangan ni Sammy ng pera para sa field trip nya.Gusto kung pasamahin ang kapatid mo."

"Nay naman eh, dapat ho sinabi nyo nalang po sakin para po ako nalang gumawa ng paraan.'

Kaya pala halos buong araw syang wala sa palengke dahil sa mga labahin na to. Hindi ko naman napansing may nkasampay sa likod bahay kc halos kakadating ko lang at padilim na.

"Anak hayaan muna, isa pa ngayon lang naman to.Kaya huwag kana magalit sige na ihatid muna yan at magpasama kay Sammy.'

Ang Nanay ko talaga.

"Huwag na ho, kay Lina nalang po , isa mag gagabi na.'

"Oh ay , sige na .. mag ingat kayo ha'.

"Opo nay, pahinga na po kayo dyan ah.Ako na po bahala dyan sa mga kalat.'

Kapag kuwa'y umupo na ito at uminom ng tubig.

" Sige na'

Akmang tatalikod nako nang magsalita ulit si Nanay.

"Anak, Helen .. Kay Aling Rosa mo ibigay yan ha, huwag mong kalimutan mag pasalamat ha.'

"Opo.' Lumabas nakong bahay at pumunta kina Lina.Malapit lang ang bahay nya dito samin walking distance lang kaya, kung magliliwaliw kami madali lang.

"Len, uy !!

Napalingon ako nang may tumawag sakin.

"Uy ka din , at ngumiti . Si Marlon pala.

"San ka naman pupunta ? Gabi na aah.

Lumapit ito at tiningnan ang dala ko, akmang kukunin nya.

"Ah ito labada , huwag munang kunin kaya ko naman isa pa magaan lang.'

"Nako naman ano pa't naging lalake ako kung di kita kayang pagselbihan diba.'

Patuloy pa nito.

"Huwag nanga , hinahanap ko lang si Lina at mag papasama ako sa kanya.'

"Ikaw talaga, grabe ka sakin ang lupit mo.'

"Nako tigilan mo nga ako sa drama mo dyan.Para ito lang eh.Sige na kaya kona to.

"Sige, ingat ka ha.. ikakasal pa tayo.At umalis na ito.

Masugid kong manliligaw si Marlon since first year high school palang at masasabi ko naman mabait sya makulit sobrang kulit.Pero nga dahil sa hindi ko sya gusto hanggang ngayon manliligaw padin ang status nya sakin. Sa apat na taon na panliligaw nya , oo hindi ko sya magustohan kahit pa anong bait nya sakin.Kahit pa anong kasipagan ang ipakita nya wala talaga eh, mahal ko naman sya yon nga lang bilang kaibigan lang at hanggang don lang yon.

Wala pa kong nagiging boyfriend. Marami namang nangligaw sakin at ni isa wala akong sinagot.May nagustohan naman ako nong asa fourth year high school ang kaso taken na.
Ayaw ko rin naman pumasok sa isang relasyon bata pa ko para don yon ang sabi ni Nanay.

Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon