"Uh, Reid kasi --- ."
Pag putol ko sa sasabihin ko.Ewan ko ba pakiramdam ko ang hirap sabihin.Hindi ko pa alam kung anong nangyare kung bakit andito sya... pano nya ako nahanap , asan na si Yra .Basta ang dami kung gustong itanong."Ano ba yon ? sabihin muna, kanina mo pa ko binibitin ."nakangiting pahayag nito.
"Aah, si Yra kamusta na sya , kayo ?"naiilang kung tanong.
"Hmmp, kami? wala namang kami at hindi ko alam kung san mo hinugot yang tanong na yan at hindi ko rin alam at bakit yan ang naisipan mong itanong hindi ba dapat sinasabi mo ngayon sakin kung bakit bigla bigla ka nalang nawala ? Umalis ng walang pasabi nang hindi ko malaman kung bakit !"sabi nito sa halatang pag babago ng mood nito.
"Nag tatanong lang naman ako ,kaya huwag kang magalit pwede ! Gusto ko lang malaman kung naging okay ba kayo kasi diba buntis sya at ang sabi nya ikaw ang ama ng dinadala nya !"
Sabi ko naman sa galit na tono."What sinabi nya yon ? Yon ba ang dahilan kung bakit ka umalis ?"
Tumango lang ako.Ito naman ay natawa ng bahagya na saglit lang at nag salitang muli.
"Pano ko naman sya mabubuntis ? At bakit ko sya bubuntisin aber ?"
"Bakit sakin mo tinatanong yan ! Malay ko ba kung sadyang hindi ka lang makuntento dyan !"
Sagot ko sa pasigaw na paraan .Sya namang pagtawa nya na lalong ikinainis ko.Gago ba sya seryoso ako tapos sya makatawa lang ng ganito akala nya nag jojoke ako.
"Huwag mo kung tinatawan ha ! Kasi hindi ako nag bibiro dito !"
Pagsabi ko ay mabilis naman itong tumigil at tumingin ng diretso sa mata ko.
Ako naman ay umiwas na naupo sa sofa na syang pag sunod nya."Hel,kung ano man ang sinabi nya walang katotohanan ang lahat ng mga iyon .Sinabi ko lahat sa kanya ang tungkol satin , pinutol ko kung anomang ugnayan meron kami, kasi diba sabi ko sayo ikaw ang gusto ko.Ikaw ang mahal ko , at kung meron man akong gustong maging ina ng magiging mga anak ko ikaw at ikaw ang pipiliin ko Hel."
Kikiligin na ba ko ? So ibig sabihin ba nito nag sinongaling si Yra.Gawa gawa nya lang lahat ng sinabi nya sakin, at sinabi nya lang yon para masira kami at ako naman na padalos dalos na umalis para sa kanila.
Bat ba ang tanga ko !Hindi ako ang salita at pinag masdan lang sya na nakaupo sa tabi ko.
Sa liwang ng paligid kitang kita kung gaano sya kaseryoso sa lahat ng sinabi nya."Siguro man nag kamali ako nong una na niloko kita, pero walang nangyare samin and trust me kung meron man akong gustong mabuntis dito ikaw yon."makahulugang sabi nito.
Nanatili akong tikom.Kasalanan ko din pala kung bakit kami nag kalayo hindi ako nag tiwala sa kanya o tamang sabi na nag kulang ako ng pagtitiwala sa kanya na sapat lang para mapaniwala ako ng ex nya.
"Hel ."pukaw nito sa pananahimik ko.
Sasabihin kona ba na buntis ako at teka lang bat ba ko nangangamba !
Huminga ako ng malalim"Reid ."
"Ano ba yan at parang hirap na hirap kang sabihin sakin."
"Reid buntis ako."
"Ha ? I mean since when ?"takang tanong nito.Halata man ang gulat sa mukha nya ay mabilis din naman iyong napawi.
"At ----" hindi ko naituloy ang sasabihin ko pagkat nag salita narin ito.
"Hindi ako ang ama ? How come na hindi ako. As i remember , wait ! Kailan pa ba kasi yan !"
"Pwede ba makinig ka muna kasi ! Reid ikaw ang ama at wala nang iba !"
BINABASA MO ANG
Fall
Romance"Bakit naman ako titigil ? At sino ka para utusan ako ?" "Aba teka lang ha ! Dapat talaga hindi na kami nag kita kung ganito lang din naman sya."sa loob loob ko pa. Mag sasalita na sana ako ng mabilis ako nitong halikan sa labi ko kaya natigilan ako...