Chapter 12

102 6 0
                                    

Ang tanging sagot nya naman may panahon pa naman kasi nga bata pa ko .

Nasabi ko rin na isa sa mga dahilan ko kaya ako nag trabaho kasi para makaipon at makapag aral ulit na sya namang ikinatuwa nya.

Sa sobrang dami naming napag usapan masasabi ko na mabait sya , sobrang bait.

Hanggaang sa makarating kami samin ay panay ang tawa namin.Nakakatuwa syang kausap.
Nakahinto na sasakyan nang muli itong mag salita.

"So bukas ulit ?'

"Sige ba, 'sagot ko na nakangiti

"Ahmm. Sandali lang ,hindi kona papatagalin pa -- '

"Ha ?'Ang labo nang isang to, laging nasa huli ang banat.

"Alam kong masyadong mabilis , pero kasi"

"Ano yon ?"

"Gusto kita , i like you at gusto ko na ligawan ka if okay lang."

"Ah - eh , aaah."

"Pwede mo pa namang pag isipan , hindi mo kailangang sumagot ngayon."

"Aah. Sige pag iisipan ko.Mauna na ko salamat sa pag hatid at sa kwento mo nag enjoy ako."

Ngumiti ito.

"Mas lalo ako, anyway bukas ulit ha."

"Oo, sige na mauna nako".
Mabilis itong bumaba nang sasakyan at pinag buksan ako.

"Salamat ng marami ".

"Salamat din at ingat ".

Ngiti lang ang naging ganti ko, naglakad na ako papalayo.

---
Napag pasyahan kona sa mansyon nalang ulit tumuloy katulad nang nakagawian ko nang nakaraang gabi.

"Hi manang , 'bati ko pag bukas ng pinto nito.

"Oh ginabi ka ata , hmmm san ka galing ha ? Bat ganyan ang mga ngiti mo, nako."

"Masama na bang ngumiti ngayon ."sabi kung makahulugan.

At kapwa kami nagtungo sa kusina

"Magtapat ka nga sakin may nililigawan ka ba ha , bata ka ?'

"Hindi ko pa masasabi na ganon manang, pero malapit na '.at ngumiti ako nang makahulugan.'

"Oh baka naman kayo na .'

"Hindi po , manang , halos kakikilala lang po namin."

"Hmmm ganun ba .. sige mag nga kwento kanga , anong pangalan nya at taga san sya ?"

"Secret muna manang , gusto ko po kayo ang kumilala sa kanya kapag dinala ko sya dito.'

"Nako ! nako ! .. kaiiba nga yan.Oh ay kailan mo naman sya dito dadalhin ganun aber ?"

"Malapit na po, basta po sasabihan ko nalang po kayo manang.'
Kayo lang po ba ang tao dito ? Pag iiba ko.

" Ay ,oo kakaalis lang nang kuya mo.Alam mo naman yon ."

Ang tinutukoy nito ay ang kuya Reid ko.Hindi kami close nun simula nang nagkaron kami ng issue. Issue na nailove kami sa parehong babae.Anyway matagal na yon 2 years ago.

Para kaming apoy at tubig kung mag iwasan at hindi ko naman sya masisi kasalan ko rin naman kung bakit nawala ang pareho naming gustong babae.

"Aahh. Eh si kuya Troy po tumawag na po ba kung kailan ang tuloy nang uwi nya'

Si kuya Troy naman ang pinaka matanda asa states to ngayon as always.Don na to naglagi nang maging successful ang business nito don.

"Ay hindi pa naman, sa pagkakaalam ko marami pa syang inaasekaso kaya.Pero ang sabi nang kuya Reid mo ay hindi daw matutuloy ang pag uwi non, aba eh mayroon daw ngayong bagong girlfriend doon."

"Ganun po ba ."

"Aba'y oo ."

Lahat busy na , at halos di na magkita nang magkaroon ng kanya kanyang pagkakakitaan.Ganun din ang bunso naming kapatid na si Mallcomn.Kung san lupalop na ata nakarating yon dahil sa pagiging hilig nitong pumunta sa kung saan saan para lang mamasyal.

"Ay teka gusto mo ba ng kape ?"

"Sige po manang."

Pagkasabi noon nagtimpa na ito ng kape.

Naging gabi gabi ang pag sundo sakin ni Summer sa trabaho , na ikinatuwa ko mas lalo ko syang nakilala.Sundo lang ang usapan namin ayaw kong maging driver sya nakakahiya. :)

Halos mag dadalawang linggo na kaming ganun, kilalang kilala na sya sa trabaho ko.

Pumayag ako na ligawan nya katulad nang gusto nyang mangyare.
Sa totoo lang kinikilig ako sa mga ginagawa mas madalas ang pag bibigay ng flowers with matching chocolates pa.

Sa totoo lang ayoko mag paligaw , pero ewan ko ba kung bakit pumayag ako.Isa pa wala naman sigurong mawawala sakin diba ligaw lang naman yon kung magustuhan ko sya di ok at kung hindi di babye ! Salamat sa chocolates at flowers.

At kaya din nag pasya akong ipakilala na sya sa bahay.Sa hindi ko inaasahan nagustuhan sya nang nanay, na akala ko papagalitan ako nang nanay katulad ng sabi nya na "bawal bf" daw muna.

"Hel ! '

"Hmmm ?'

"Anong hmmm , ka dyan ang aga aga tulala ka ,ano bayan te !! Alam namin na sobrang gwapo ni Summer pero hindi ka naman dapat mag paapekto dyan ng ganyan.
Tandaan mo dalagang filipina ka "

Umupo ito sa tabi ko at inilapag ang dala nyang kape at tinapay.
Oo nga naman maaga pa. 7:00 am , hmmp nasanay nakong dito nag aalmusal sa shop.At nasanay narin akong nahawaan ko ng pagiging maaga ang isang to, para sirain ang araw ko.

"Ano na ang level nyo ngayon ?'

"Level ? '

Walang gana kung sagot.

"Gaga , kailan mo sasagutin yong tao !'

"Ha ? Ano ka ba almost 2 weeks palang syang nanliligaw '.

"Oh eh , kailangan ba 2 years !'Ang sira mo huwag munang patagalin ! Baka mag bago isip non. Ikaw din , sayang lahi non. '

"Hayst , hindi naman porke nanliligaw sya eh gusto kona sya "

"Aayy yon ang sabihin mo ! Hindi mo sya gusto! IH MIY GID !! Ang gwapo gwapo non at isa pa mayaman ! May kotse , lahat lahat ano ka ba !"

" Malay natin , trip nya lang pala ako ".
Diba alam muna ang daming magagandang babae sa manila na pwede sa kanya at babagay sa kanya .'

"Ang dami mong sinasabi ang tanging point don hindi mo sya gusto.. tuldok ! At isa ano kaba kung hindi ka nun gusto hindi mag tsatsagang ligawan ka nun, kung marami naman don no.Isa pa mabait sya at sa tingin ko bagay kayo , bagay na bagay !"

Sabay kindat sakin .Nangalumbaba lang ako at kunyare nag isip kono.

Oo nga naman. May punto din ang isang to.Gusto ko naman si Summer pero , ewan ang labo siguro nagugulohan lang ako.
Hindi naman sya nag mamadaling sagutin ko . Yong ang pakiramdam ko, walang pag mamadali sa kanya.

Napansin kung tumayo na si Rose at nag tungo sa cr kaya nag pasya akong tumingin sa direksyon kung nasan ang isang fast-food na may iilang taong kumakain.

"Malapit na po ko manang "

"Ay ganun ba , kasama mo na ba ang mga kaibigan mo ?"

Nagpasya akong lumabas nang kotse at bibile muna na makakain sa kasalukuyang fast food nasa tapat ko , kung san nakapark ang sasakyan ko na kakatapos ko lang magpa gasolina.. saglit akong sumandal sa pinto ng kotse nagsalita.

"Aah, susunod po sila.Manang tumawag po ba dyan si Aily ?"



Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon