"Isa pa alam ko nayan matagal na , kaya huwag muna akong bolahin pa ha. 'Sabay kaladkad sakin.Tumatawa naman akong sumunod sa kanya.
" Oh san mo naman ako dadalhin ?"
" San pa edi , don sa tindahan nila Aling Susan. Ilibre mo ako ngayon kasi mainit ang ulo ko at dahil yon sayo!"
Ang tinutukoy nito ang tindahan ng mga street foods dito samin. Maraming pag pipilian at lahat masarap.Don kami madalas mag tambay kapag tapos nakong tumulong sa pagtitinda kay Nanay sa palengke.
"Oo na, basta kailangan ubusin mo ha, papasakitin ko yang tyan mo sa katakawan mo sinasabi ko sayo."natatawa ko pang sabi.
Agad naman itong sumang ayon at nag liwanag ang mukha at ngumiti ng nakakaloko.Alam kona ang ngiting to hmp !
Madali namang pawiin ang pagtatampo nito, konting lambing lang at libre eh okay na kami.
"Kung hindi lang kita kaibigan ,hindi ako magpapauto sayo ano."
Sabi nito sa paglalakad namin.
"Nako Lina , huwag ako kilala kita basta pagdating sa pagkain hindi ka marunong humindi no. " Biro ko pa sa kanya.
"Grabe ka naman , sayo lang naman ako ganito. Kasi nga bestfriend tayo ! Uulitin ko bff po ".
"Sus, hmmp. !! Bolera mo."
Akmang tatawid na kami nang biglang may mabilis na sasakyan ang papalapit samin .
"Bullsh**!' Mabilis pa sa alas dose kung inihinto ang sasakyan.
Ano bang problema ng mga tao dito at hindi marunong manlang tumawid ng kalsada ! At kung mag lakad pa akala mo nag wiwindow shoping .Agad akong bumababa para tingnan kong nabangga konga.
"Bwesit ! ang sakit ."
Kapwa kami natumba sa di naman kalayuan ni Lina , para makaiwas sa pagbangga ng kotse na ngayon ay nakahinto sa di kalayuan samin.
Buti nalang talaga at nag turn left sya kung hindi baka kung ano nang nangyare samin. At bakit naman kasi may mga ganun mag maneho no ? Alam na makipot na ang daan tapos akala mo may karera sya mag maneho sa bilis nyang mag patakbo.
Agad akong bumangon sa pagkakadapa para alalayan sya. Hindi kona pinansin ang gasgas kong natamo para mapatayo sya.Kasalukuyan itong napaupo at hinahagod ang tuhod nyang bahid ng dugo.
"Bes okay ka lang ? Napansin kong medyo malalim ang sugat nito sa bandang tuhod.
"Baliw itayo muna ko."
Sambit nito na natawa sa tanong ko.
Mas lumapit ako para alalayan sya."Hey !'
Napabaling kaming pareho ng may lumapit na lalake na wari kong driver ng kotseng muntik nang bumangga samin.
Kapwa kaming natigilang tiningnan ito na ganito din naman ito."Matangkad , maputi at guwapo dagdag pa na macho din ito.Wow sa isip ko."
"Bes , nasa langit na ba ko ? Bakit may angel dito , shimay ang pogi nya."
Sambit ni Lina nang diba pa gaanong nakakalapit ang lalake na agad ko namang sinaway kasi alam kong kinikilig sya. Nakalimutan nya ata yong sugat nya.
"Susme !"
" Huwag kang maingay." At pinagpagan ko ang mga dumi sa damit nya.
Nilapitan ko ang dalawang babae na muntik konang mabangga.
At hindi ko maalis na di humanga sa isang babae na kasalukuyang nagpapagpag ng kung ano sa damit ng kasama nya.Maganda sya , kahit saglit lang na nasilayan ko ang mukha nya, na-amaze padin ako.
Beautiful face, long messy hair siguro dahil sa muntikan kona silang mabangga kaya naging ganon. Maputi din ito pansin ko.
Tuluyan nakong nakalapit."Are you okay ?"Tanong ko sa pagkahawak ko sa braso nya. Napabaling sya sakin at saktong tapos naman ng ginagawa nito.
"Ah, okay lang kami."
"Oo dalawa kami, bat sya lang tinatanong mo ?! Eh heto nga ako at muntik mo nang mapatay !"
Nako umiral nanaman .Nagkatinginan kami ng lalake. Mata sa mata , at agad din naman akong umiwas.
Napansin ko ang kasama nito parang gusto ko tuloy tumawa. Bat nga ba sya lang tinanong ko.
"Uh , sorry i mean kayo pala .May masakit ba or may sugat ba ?"
Hindi ko alam kung paano ako mag tatanong.
"Ah, gusto nyo ba samahan ko kayo sa hospital or clinic na malapit dito to check you , kung okay ba talaga kayo o kung ---- "
Di kona naituloy ang sasabihin ko nang biglang nagsalita ang babae na tila galit na ata.
"Hmp. Huwag na no okay lang kami !" Sabi pa nito at tumayo ng maayos.
"Oo okay na kami, gasgas lang naman , kayang kaya na tong gamutin sa bahay."
"Oo, bigyan mo nalang kami ng pambile ng gamot.
"Lina !"
"Oh bakit ? Tama naman ah, dapat nya tayong bigyan na pambile ng gamot no ! Ano sya nasa lucky store para pag praktisan tayong banggain tapos wala lang. Aba magaling!"
Naputol ang pagtitig ko sa babae ,na nag pakalma sa sakin ngayong araw nang magsalita ang kasama na galit pa din siguro dahil sa di ko pagpansin sa kanya.
Badtrip ako nagmamadaling makauwi sa masyon para sana kunin ang ilang gamit ko na gagamitin ko para sa photo shoot namin ngayon na hindi naman natuloy. Galing pakong manila at natraffic pa na nag padagdag ng pagkainis ko."Pero parang hindi nga eh, kasi worth it naman pala ang pag balik ko. Kung ganito kaganda ang mababangga ko , aaraw- arawin kona.Ang ganda nya ! Simple lang ang ganda nya pero ang lakas ng dating ."
Natawa nalang ako sa komento ng isip ko.
BINABASA MO ANG
Fall
Romance"Bakit naman ako titigil ? At sino ka para utusan ako ?" "Aba teka lang ha ! Dapat talaga hindi na kami nag kita kung ganito lang din naman sya."sa loob loob ko pa. Mag sasalita na sana ako ng mabilis ako nitong halikan sa labi ko kaya natigilan ako...