Para syang bata .
"Hayst may boyfriend nako ! "Sabi ko pang medyo napalakas.
"So what ?"
"Anong so what ka dyan !"
"Wala akong pake kung meron na .Hindi kayo kasal,boyfriend mo lang sya diba ?"
"Basta . Hindi na pweding niyayakap mo ko at yang paghalik mo sakin lalong hindi pwede Sum .Kaya pwede ba tigilan muna ko ". Sabi ko pang naiinis na
"Titigil ako kung kailan ko gusto". Yon lang bigla nitong hinila ang kamay ko palabas ng kwarto
"San tayo pupunta tanong ko pa ".
"Let's enjoy the night ".
Bumalik kami sa cottage .
Ang kaninang lalake sa tabi ko ay wala na.Wala nang nakaupo roon.
"Hayst asan nanaman sya ".
"Oh Sum, kain na kayo ". Bungad samin ni Aling Rosa na nakangiti
Umupo na kami at nag simulang kumain.
Parang nawalan ata ako ng gana hayst."Kain kana , alin ang gusto mo ditong ulam ?"tanong sakin ni Sum
Ako na kumuha ng ulam .
Nag simula kaming kumain hanggang sa makatapos kami.
"Tagay na muna ". Alok ni Steve sakin na inabot ang basong may alak.
Bago ko pa man makuha iyon ay naagaw na ito ni Summer na syang ininom iyon.
"Bawal kang mag inom okay ?"
Sabi nito sakin na hindi nakangiti"At bakit naman aber ?"tanong ko pa
"Basta !"sabi nitong kinuha pa ang alak na para sakin .
"Bawal uminom ang isang to ".kapag kuway sabi nito sa mga kaharap namin.
Tumingin naman ang lahat sakin.
"Anong bawal .Grabe naman kahit isang shot lang ".si Aily
Walang nagawa si Sum nang iniabot ni Aily sakin ang alak para inumin ko.
Tumagal ang inuman na halos ang lahat ay banggag na maliban na sakin na nakailang tagay lang .Ni hindi kona din nakita si Reid na bumalik pa samin .Hindi ako mag papakalasing , kailangan ko syang makita.
Nang matapos ang inuman ay nag kanya kanya na ang lahat sa pag lusob sa tubig dagat tanging kami lang ni Aily ang natira doon, si Summer naman ay nakisabay sa pag ligo ng iba. Si Aling Rosa naman ay kanina pa tulog.
"Kaya mo pa bang mag lakad ?" Tanong ko pa kay Aily na nakasusub na ang mukha sa mesa.
Hindi ito sumgot kaya nag pasya akong kunin ang kamay nito para itayo.
"Aily , tatayo ka ha. Pupunta na tayo don sa kwarto para makatulog ka ng maayos ". Sabi ko pang malumanay.
Hilo na din ako pero kaya ko pa. Huwag lang sana kami matumba.
Nag angat ito ng mukha .
"Huwag na dito nalang ako ".
"Malamig dito . Sige na tara na, alalayan kita ha ".
Inalalayan ko sya para makatayo na sya namang ginawa nya.
Nag simula kaming humakbang .
"Ako na ".
Sabi ng boses na pamilyar sa likod ko.
Tumingin ako sa gawi nitong lumapit samin.Hinayaan ko lang syang binuhat nito nito si Aily .Sumunod lang ako.
Nang makarating ay dahan dahan nitong inihiga si Aily sa kama na nahimbing na.
BINABASA MO ANG
Fall
Romance"Bakit naman ako titigil ? At sino ka para utusan ako ?" "Aba teka lang ha ! Dapat talaga hindi na kami nag kita kung ganito lang din naman sya."sa loob loob ko pa. Mag sasalita na sana ako ng mabilis ako nitong halikan sa labi ko kaya natigilan ako...