Sobrang lapit ng mukha nito sa mukha ko bahagya akong umurong sa pagkakaupo.
"Konti lang naman, isa pa ngayon lang to "
Sabi ko pang nakangitiNapansin ko ang isa nitong kasama na sa pag kakaalam ko ay Cloude ang pangalan na nakatingin ito sa gawi ko na curious tuloy ako sa sarili ko ng mag tama ang mata ko sa kanya para kunin ang tagay ni Rose at inumin ito, oo inagalaw ko ang para sa kanya.
At speaking sa magaling kung bff, ayon kausap nya lang naman si Steve .Panay ang tawa nila siguro puro kalokohan ang pinag uusapan ng dalawa, napangiti ako .
"Okay , sige pag bibigyan kita.Patagalan tayo kung sino ang maunang malasing maiiwan dito "
Sabi pa nito. Mahina ko syang pinalo sa braso na sya namang ikinatawa nya.
"Sige lang pag ako iniwan mo yare ka sakin hmp !" Pananakot ko pa
"At ano namang gagawin mo aber ?"
"Basta , ako nang bahala don "
Yon lang at nag tuloy tuloy ang inuman.Beer lang ang alak na pinili kung inumin instead don sa una kong natikman na vodka ata yon. Okay na to hindi masyadong masakit sa bangs .
Nakadalawang bote ako ng maramdaman ko ang pagkahilo kaya sumandal ako sa pag kakaupo.
"Nako talo na, nakadalawang bote ka tapos ako apat na, naman diba masyadong unfair yan na nauna kapa ata dyan malasing "
Siniko ko sya . Titig na titig ito sa mukha ko.
"Hmp ! Hindi pa ko lasing no !" Pag tanggi ko pa
"Okay sige isang bote pa "
Agad kong kinuha ang isang bote ng beer na nakapatong sa mesang kahoy at agad na ininom iyon.
Malalim na ang gabi at halos kaming lahat ay pare pareho nang lasing .
Nagsasayaw na din ang iba at ito namang si Mandy at jowabels nya ayon nag hahalikan sa harap namin natatawa akong nakatingin lang sa kanila."Bes mukhang lasing kana aaah "pukaw sakin ni Lina na namumungay ang mata na lumapit sa likod ko
Humarap ako sa kanya ng maige
"Hindi aah "
"Pero teka lang ha , san ka ba nalasing sa katabi mo na halos tunawin ka ng titig o sa alak hindi ko kasi talaga alam "
"Tse ! Don kana sa lover mo !"
"Hahaha , selos ?"
"Hindi no ! Eh kasi naman nang makita mo sya , sya nalang kinausap mo hinayaan muna ko " tinig kong nag tatampo kono
"Sus tigilan mo nga ako sa banat mo ! Gusto ko rin naman mag ka jowa na no!"
Sabi nito na sinabayan ng tawa."Ewan ko sayo "
Wala nakong ganang makipag usap.Pakiramdam ko umiikot ang buong paligid , nanlalambot ako parang nasusuka na hindi naman."Maiba ako , diba kina Mandy ka naman matutulog ?' Gusto ko sanang mauna na , alam mo naman yong kapatid ko baka hindi pa nakakain yon ngayon anong oras na"
Tinutukoy nito ang kapatid nitong si Jeff na bunso.
"Oo , sigurado ka ba ? Ang ibig kong sabihin kaya mo ba ?"
"Oo naman no ! Ako pa !"
Nag paalam ito na aalis na.
"Sige ingat ka ha "
"Oo gaga "
"Wait hatid na kaya kita " sabi ko pa
"Sa lagay mong yan ? Huwag na uy !! Okay lang ako besty no !"
BINABASA MO ANG
Fall
Romance"Bakit naman ako titigil ? At sino ka para utusan ako ?" "Aba teka lang ha ! Dapat talaga hindi na kami nag kita kung ganito lang din naman sya."sa loob loob ko pa. Mag sasalita na sana ako ng mabilis ako nitong halikan sa labi ko kaya natigilan ako...