"Please naman oh kausapin mo ko.Sabihin mo sakin kung bakit ganyan ka sakin oh , alam mo sobrang miss na miss na kita tapos ganyan ka pa sakin ."
Hindi kona napigilan ang luha ko.
Naramdaman ko ang pag hinto ng sasakyan.Ngunit wala padin akong narinig na salita mula rito.
"May problema ka ba ? May problema ba tayo ? Sabihin mo naman hindi yong nanghuhula ako.May nagawa ba ko ?"
Halos pabulong kung tanong."Reid mag salita ka naman oh ."
Tiningnan ko syang hindi nakatingin sakin.Narinig ko ang pag buntong hininga nito.
"Okay fine, sinundo kita just because i wanna end this ."
Wala sa anong natutup ko ang bibig ko.
"Nakikipag break ba sya ?"
"Anong ibig mong sabihin ?"
Tanong ko sa pag iyak ko."Gusto kona tong tapusin Hel, i like you but it doesn't mean na mahal kita ."
"Hindi nya pala ako mahal ,hindi nya ko minahal ."
Napasakit walang kasing sakit.Pakiramdam ko durog na durog ako.
Tumigil ako sa pag hikbi at nag salita."Ganun ?Sigurado ka ba dyan ? Baka naman nag bibiro ka lang ?"
"Narinig mo lahat ng sinabi ko at hindi kona uulitin yon."
Muli akong napaiyak hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakasubsob sa palad ko.
Muli nitong simulang ang pag mamaneho.
Natitiis nya kong umiyak, katunayan na wala syang pakialam."Wala syang pakialam sakin ." Ulit ng isip kona nag palalim sa pag iyak ko.
Ang sama nya, ganun nalang yon !
Ganun nalang kabilis at kadaling sabihin nyang hindi nya ko minahal !
Naririnig nya ba ang sarili nya ?
Hindi nya ba alam na masasaktan ako kapag sinabi nya yon ?!Naramdam ko nalang ang pag hinto ng sasakyan.Mabilis akong bumaba roon halos magkandadapa ako sa ginawa ko.
Pakiramdam ko nanghihina ako.Nanginginig ang buo kung katawan .Nanghihina ako sa sakit, sa sakit na nararamdaman ko.
Saglit akomg huminto sa tapat ng pinto.Pinakiramdaman ko kung gising pa ang nasa loob.
Hindi nila ako pweding makitang ganito.Nanginginig akong binuksan ang pinto.
Dali dali ko ding isinara iyon at mabilis na nagtungo sa kwarto.
Naupo ako roon at ipinag patuloy ang pag iyak."Reid bakit ? ano bang nagawa ko sayo para saktan mo ko ng ganito ?
At hindi mo ba talaga ako minahal ?"Oo nga naman kung mahal mo ko hindi mo ko sasaktan ng ganito.
Hindi ko alam kung ilang oras akong umiiyak basta narinig ko nalang pag tilaok ng mga manok kasabay ng pag pikit nang pagod kung mga mata.Tanghali nakong nagising , at hindi nga ako nakapasok sa trabaho.
Maging sa pag kain ko ay hindi ko napigilang umiyak .
Lumipas ang ilang oras na nanatili akong ganun.Naramdaman ko ang tila may nakatingin sakin.. kaya itinaas ko ang tingin sa pag kakasubsob sa mesa at tiningnan kung sino iyon.
"Anak ?"
Wala sa anong napatakbo akong yumakap dito.
"Tahan na , ano bang nangyare ?"
Hindi ako nag salita at nag patuloy sa pag iyak .
BINABASA MO ANG
Fall
Romance"Bakit naman ako titigil ? At sino ka para utusan ako ?" "Aba teka lang ha ! Dapat talaga hindi na kami nag kita kung ganito lang din naman sya."sa loob loob ko pa. Mag sasalita na sana ako ng mabilis ako nitong halikan sa labi ko kaya natigilan ako...