"Oh Helen maupo ka ,mabuti naman sumunod kana dito . Alam mo ba itong kaibigan mo, sobrang nakakatuwa ang daming alam na kalokohan.""Nako po, Aling Rosa masanay na po kayo dyan , sadyang ganyan po yan."
Halos mapatalon ako nang may biglang nag salita sa likod ko na aparato.
"Manang, padalhan naman po ako dito ng almusal sa taas."
Saglit na tumigil si Aling Rosa sa pagtawa.
"Sandali lang ha,kapag kuway sinabi nito.Kapwa kami tumigil ni Lina at tumingin kung anong gagawin nito.At lumapit ito sa aparato na nasa likod ko at nagsalita.
"Hoy, bata ka ikaw na ang bumaba dito at nang makilala mo ang kasama ko dito.'Sige na, isa pa tanghali na."
Kapag kasabi no'y wala kaming narinig na respond sa kausap nito.Pero teka lang ha , kung hindi ako nagkakamali yon yung lalake kanina.
"Maiba nga pala ako , hindi nyo ba nabalitaan yong hiring ng restaurant nong minsan ."
Ang tinutukoy nito ang Dela Vega Restaurant , na kakabukas lamang."Nag aplay po kami kaso kc. 'Sinadya kung putulin ang sasabihin ko para patamaan itong magaling kong kaibigan na si Helen.
"Ah, opo Aling Rosa nag try po kami ang kaso medyo minalas lang."
"Harooo, nalate po sya Aling Ros , at ako naman nadamay kakaantay sa kanya hmmp !"
"Nako ganun ba , hayae na marami pa namang trabaho, sa susunod magseryoso kayo sa pag aaplay ng sa ganun makapasok kayo."
"Opo , Aling Ros sa susunod iwan ang dapat iwan diba Helen."
"Nag sorry naman ako diba."
Napukaw ang tingin namin lahat ng pumasok ang lalake sa kitchen.
"Oh Reid anak , kumain kana.Kanina pa kita inaantay na bumaba."
Humarap ang lalake sa gawi namin na kasalukuyang umiinon ng tubig galing fridge.
Tumingin ito nang nagtatanong na tingin."Ah sya nga pala ito si Lina at Helen,sila yong nabanggit ko sayo kahapon."
Tumingin lang sya sa dako namin at huminto sakin at ngumiti.
"Hi ."
Napansin kong hindi nagsasalita si Lina at titig na titig lang .
Kinikilig nanaman tong bruhang to.Buti nalang at di sya nakahubad may damit na kung hindi baka mamatay tong si Lina sa kilig.Kilalang kilala ko pa naman ang taong to.
Ngayon pa nga lang kulang nalang tunawin nya tong isa sa tingin eh.Natawa ako ng lihim.
Hanggang sa magsalita ulit ito."Ah manang damihan mo nga pala ang lulutuin mamaya , dadating sila Marvin at Nick.Dito sila magdidiner."
Tahimik lang kaming nakikinig sa naguusap.
"Oh ay sige ."si Aling Rosa
"Aalis nga po pala ako.Paantay nalang po sila mamaya."
Pagkasabi nito ay, mabilis itong lumabas ng kusina.
"aahhhhhh. Grabe grabe grabe ang gwapo nya ..Aling Rosa !!!Kapag kasabi noon ay nagtatalon ito."
"Nakong bata ka, marami pa yan sila .Pag na kilala mo ang tatlo nya pang kapatid baka hindi ka lang mapatalon."
"Talaga po Aling Ros. Lahat po sila super gwapo at macho."
Tumawa lang si Aling Rosa sa tanong nito na wari koy naaaliw at sumagot.
" Oo naman .Hayaan mo ipapakilala ko pa sa inyo yong iba. Sabay tawa ulit.
Loko din tong si Aling Rosa.""Hala grabe .. Sige manang totoo yan ha."
" Yong kaninang lalake na yon, yon si Reid Pangalawa yon sa panganay na si Troy , sumunod kay Reid si Sum at ang bunso si Mallcomn."
" Wow , wala na po kung masabi Aling Ros. Naeexcite na po kung makita sila lahat."
"Oo naman . Oh Helen kanina ka pa dyan di nagsasalita may problema ba ?"
"Nako wala po."
" Nako Aling Ros , siguro po di pa yan nakaka recover sa kagwapuhan ni kuya Reid."
Gaga talaga tong si Lina. Naiinis lang ako na ewan, dba kasi nag papatimpla sakin yong Reid na yon ng kape kanina nong nagkita kami , tapos kani kanina lang "Hi ' lang yon sinabi nya parang ngayon lang ulit kami nagkita at diba nag pakilala ako kanina sa kanya. Hmmp weird na ewan , siguro nakalimutan nya .Grabe naman agad agad .Dagdag pa ng isip ko
"Hindi naman, 'maeksi kung sagot.
"Hmmp kilala kita eh no. '
Tumawa lang si Aling Ros sa tinuran nito at nagsalita.
"Hay nako, mamaya na yan simulan na nating ang ating gagawin at may bisita pala mamaya ang isang yon.'
Agad naman kaming tumalima at sinimulan ang gagawin. Nagpalit lang naman kami ng mga kurtina sa buong bahay , kunting punas at kung ano anu pa.
May anim na kwarto sa taas . Ang Lima doon napalitan namin ng bedsheet , kurtina at kung ano pang kailangan palitan.
Pwera don sa kwarto nong Reid na yon kasi nakalock iyon.Nakakamangha ang buong bahay ang laki kasi nito dagdag pa ang mga mamahaling gamit na nakakasilaw sa mata na halos lahat dito ko lang nakita.At ang masasabi ko lang din nakakapagod promise.Pero okay lang marami akong nalaman tungkol sa magkakapatid .Pero syempre din yong tungkol ako kay Reid nag pokus haha.
Ito ang kasalukuyang nag mamanage ng family business nila dito sa pinas , at ito pala ang owner ng bagong restaurant dito samin .Ito ang pang apat na restaurant na ipinatayo nya sa ngalan nila.
BINABASA MO ANG
Fall
Romance"Bakit naman ako titigil ? At sino ka para utusan ako ?" "Aba teka lang ha ! Dapat talaga hindi na kami nag kita kung ganito lang din naman sya."sa loob loob ko pa. Mag sasalita na sana ako ng mabilis ako nitong halikan sa labi ko kaya natigilan ako...