Prologue

856 21 1
                                    

Nakaupo ako sa isa sa mga bench dito sa dagat. Kami lang dalawa ang nandirito ngayon, tanging simoy ng hangin at alon ng dagat lamang ang tanging ingay na naririnig ko. Ang liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw upang sapat na para masilayan ko ang mukha nya.

"Alam kong darating ang araw na iiwan mo din ako, mahahanap mo rin ang taong magpapasaya sayo, ang taong bubuo sayo at ang taong magmamahal sayo ng higit pa sa pinaparamdam ko" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanya. Napakaswerte ng babaeng mamahalin mo.

"Ayesha?"

"Hmm..?"

"Let's end this."

"Ha?" Eto na nga ata ang iniisip ko kanina.

"I said let's end this"

Napatungo nalang ako sa sinabi nya. Ang sakit na marinig ko sa kanya yung mga ganung salita. Siguro nga tama sila, walang permanente sa mundo. Ayoko mang iwan ka pero wala akong magagawa dahil alam kong ako lang naman ang nagmamahal sa ating dalawa. Unti unting pumatak ang mga luha ko. Hindi ko kaya..

"I can't deal with this goddamn shit anymore. Ayesha let's make this serious. Ayesha i do fucking love you. Mahal kita and damn hindi ko na kayang mawala ka pa. You taught me how to appreciate things. You taught me how to value life, and you taught me how to be happy without those fucking money. Your all i ever need Ayesha Marcelo. Will you marry me.. Again?"

Huminto ang oras ng banggitin nya ang mga salitang yun. Hindi madigest ng utak ko yung mga sinabe nya, basta ang alam ko mahal nya din ako.

"Oo jd, mahal din kita. Mahal na mahal!"
Niyakap ko sya ng sobrang higpit. Napahagulgol nalang ako ng iyak dahil sa tuwang nararamdaman ko.

Sobrang sarap sa pakiramdam na mamahalin mo din ako...

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon