Chapter 29: Runaway

381 3 1
                                    


Jd's Pov

"Jd!" Masiglang bati sakin ni laley nang makapasok ako sa pinto ng condo unit ko. Ganyan naman sya lagi kapag nakakauwi ako ng condo. Niyayakap ako at kukuhanin ang kamay ko para ihawak sa tyan nya. Masaya naman ako kapag ganun, sa una nakakairita kasi nakakapanibago talaga dahil usually kapag umuuwi ako sa condo walang tao. Pero ngayon may magulong laley na sumasalubong sakin kapag umuuwi ako.

"Hey!" I greeted her back. Hinalikan ko sya sa buhok nya and this time ako na ang nagkusang humawak sa tyan nya, natutuwa naman ako kahit wala naman akong nararamdaman na kahit ano.

"Talk to baby, honey!" napatingin ako sa kanya. Wala nalang akong nagawa kundi ang lumuhod at kausapin ang anak namin.

"Hi baby, its me daddy. I am so excited to see you na. Dalian mo na ang paglabas sa tummy ni mommy ha? Tapos magp-play tayo sa park, pupunta tayo sa disney land and bibili tayo ng maraming toys. Gusto mo ba yun?" Pagsasalita ko habang hinihimas pa ang tyan ni laley.

"How about me?" Napatingala naman ako dahil sa sinabe nyang iyon.

"What?" Tanong ko dahil naguluhan din ako sa sinabe nya na "how about me?" Ano bang ibig nyang sabihin?

"I mean kayo lang ang maglalaro? Am I not belong?" Pagtataka nya.

"Of course not! Kasali ka syempre" masigla kong pangungumbinsi sa kanya. Hayss! Isip bata -_-!

"Yehey! Yehey! Yeheeeey!!" Nagtatatalon pa ito na animoy parang bata. "Ouch!" Pagangal nito at saka nya hinawakan ang tyan nya.

"Aissh! Be careful" inalalayan ko syang makaupo sa sofa. Medyo malaki na din ang pagkakaumbok ng tyan nya dahil 6 months na din ito.

"Uhm babe, i want apple" hindi nako umangal at saka na tumayo para magpunta sa kusina at kumuha ng apple. Binalatan ko iyon at saka nilagay sa bowl.

"Here" abot ko sa kanya. Tinakpan nya ang ilong nya at inilayo sa harap nya ang apple na bit bit ko. Akala ko ba gusto ng apple nito.

"Gusto ko yung green. I don't like that, it's yucky!"

"Fine" kalmado kong sagot at saka kinuha ang susi ng kotse ko. This always happens. Lagi syang naghahanap ng mga pagkaing hindi available sa condo. Gusto nya pa yung nahihirapan ako. Ganyan ba talaga ang mga buntis? Masyadong moody, maraming hinihingi at maarte.

Nagdrive pa ako papunta sa isang market. Naghanap ako ng apple green at wala na daw silang stock at naubos agad, ganun din sa isa pang market na pinuntahan ko at sa mga sumunod pa. Seriously? Nananadya ba talaga yung panahon? Ngayon talaga?

Pumunta ako sa isang public market, nagbakasakali na baka meron ng apple green. Ayoko talagang pumupunta sa ganitong lugar dahil sa bukod sa maputik na, ang baho pa at madami pang kawatan.

Luckily nakabili ako ng hinahanap ko at agad na bumalik sa condo.

"Laley" tahimik ang buong kwarto na animoy walang tao. Nilibot ko ang buong paningin ko sa buong sala pero wala sya, pumunta ako sa kusina at nakita kong kinakain nya yung apple na binalatan ko kanina. I thought she didn't like it?

"J-jd" gulat na tugon nya. Nabitawan naman nya ang bowl na hawak nya at saka ito nabasag. "Omg!" Mabilis akong lumapit sa kanya at saka ko sya inilayo sa lugar na yun.

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon