Chapter 39: I'll trust you

197 7 1
                                    



Ayesha's Pov

"Do you vow, in the presence of God to love and cherish Ayesha, to respect and support her dreams, to laugh with her, to trust and always believe in her, to shelter her when times are difficult, to grow with her, to have faith in your journey together through all the changes that will come, and to faithfully love her forever, with all of your heart?" Ganito naba ang pakiramdam kapag kinakasal kana. Wala nang pumapasok sa isip mo. Hindi mo na alam gagawin mo. Paano na to?

"Yes, I do" sagot ni jd sa pari. May naintindihan sya dun? Ako kasi wala eh, lutang na lutang talaga utak ko ngayon. Humarap naman ang pari sa akin at saka na nagsimulang magsalita

"Do you vow, in the presence of God to love and cherish Jake David, to respect and support his dreams, to laugh with him, to trust and always believe in him, to shelter him when times are difficult, to grow with him, to have faith in your journey together through all the changes that will come, and to faithfully love him forever, with all of your heart?" Bakit nakatingin kayong lahat sakin? Maganda ba talaga ako sa suot ko ngayon? Oo naman alam ko yun, nakakailang naman kasi.

Nilingon ko si jd at titig na titig din sya sakin. Kinunot ko ang noo ko na para bang nagtatanong kung bakit pero napaface palm nalang sya. Lumapit sya sa akin at may ibinulong sa tenga ko

"Are you really that stupid? Seriously ayesha?" Napanganga nalang ako sa kanya dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko. "The officiant is asking you" t-tanong? Anong tanong?

"Hehe ano po ulit yun father?" Mahina kong bulong sa pari. Syempre nakakahiya naman no. Ang daming tao sa likod namin. Baka sabihin tatanga tanga ako at hindi ko maintindihan yung english.

"Again, do you vow, in the presence of God to love and cherish Jake David, to respect and support his dreams, to laugh with him, to trust and always believe in him, to shelter him when times are difficult, to grow with him, to have faith in your journey together through all the changes that will come, and to faithfully love him forever, with all of your heart?" Maririin ang pagbanggit ni father sa bawat letra. Yung totoo? Galit ka father? Galit ka? Lamig lamig dito sa tabing dagat pero pinagpapawisan ako. Chill lang tayo, kalma!

"I..." Huminga muna ako ng malalim at saka na sumagot "Do father" parang may kung anong tinik naman ang bumaon sa dibdib ko nang banggitin ko ang salitang iyon. Hindi ko alam, hindi talaga ako masaya sa nangyayari. Paano nga naman ako magiging masaya ee kinakasal ako ngayon sa taong hindi ko naman mahal at ang masama pa doon. Kontrata lang ang lahat kung bakit nandito ako. Aaargh!!!

Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si mama na masaya. Ma, kung alam mo lang. Kung alam mo lang talaga kung ano ang totoong nangyayari. Pero kasalanan ko naman 'to, ito ang pinasok ko. Problema ko 'to at ako ang dahilan ng lahat ng ito.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at nakita ko silang lahat na masaya, nakangiti at kinikilig. Kung alam nyo lang talaga.

"G-gio?" Mahinang bulong ko sa sarili ko dahil sa pagbabakasakaling ako lang ang makakarinig pero napalingon din si jd sa akin at saka tumingin kung saan nakatuon ang mata ko. S-sino yung kasama ni gio? At bakit buntis? Biglang kumirot ang puso ko, ano ba talaga? Sabihin nyo nga sakin ano ba talaga 'tong nangyayari?!

"Laley?" Mahinang bulong din ni jd. Kilala nya yung babae? Teka nga teka nga. Parang lokohan nalang 'tong nangyayari.

Dahan dahang lumapit sa amin yung babaeng buntis at saka ako sinampal ng malakas, narinig ko pang nagsigawan ang mga tao. Aba teka lang talaga ha?! Hindi ko na matake yung nangyayari dahil ngayon sinampal naman ako ng babaeng buntis na 'to.

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon