Chapter 51: Save You

87 1 0
                                    

Ayesha's Pov

Nagising ako dahil sa pagtapik sa pisngi ko. Palakas iyon ng palakas kaya nararamdaman ko na ang sakit. Iminulat ko ang mata ko at nakitang maraming nakapalibot na lalaking nakaitim sa gilid ko. May isang babaeng maganda sa harapan ko ngayon, may hawak syang mahabang tali na parang latigo sa kanan ng kamay at isang baril naman sa kaliwa.

"At talagang gumising ka pa? Gusto mo pabang mahirapan bago mamatay?" Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi nyang iyon.. mamatay? Biglang pumatak ang mga luha galing sa mata ko

"Alam mo ba ng dahil sayo hindi na bumalik sakin si jd!" Inihampas nya ang latigo sa sahig. Patuloy parin ang pagiyak ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko na alam kung paano pa ako makakawala dito dahil sa sobrang higpit ng pagkakatali sa kamay ko. Ang dami ding lalaking nakapaligid sa akin.

Hindi ko alam kung papaano kami nakarating dito dahil pagkagising ko nakatali nako dito at pinagpepyestahan na sa tingin ng mga lalaki dito sa loob. Ang huling naaalala ko lang naman ay matapos magflash ng mga video na yun ay may nagtakip na sa bibig at ilong ko dahilan para mawalan ako ng malay.

"Isa ka lang namang babaeng napulot sa bar! Ewan ko ba kung anong meron ka at bakit mas pinili ka ni jd kesa sa akin" lumapit sya sa akin ng bahagya, akma nyang ihahampas sa akin ang latigo pero hindi nya ito itinuloy. Nanghihina na ako, wala na akong lakas para lumaban.

"Si jd, si gio and now si angelo? Alam mo bilib din naman ako sayo eh, tatlong lalaki ang napapaikot mo. Wow!" Itinaas nya ang dalawa nyang mga kamay.. teka. Tatlong lalaki ang napapaikot ko? Tyaka paanong kilala nya yung mga yun

"Siguro wala naman ng masama kung sabihin ko sayo 'to dahil ito naman na ang last day mo sa mundo" nagpalakad lakad sya sa harap ko. Gusto ko syang patirin pero hindi ko magawa dahil nawawalan na talaga ako ng lakas

"Alam mo ba na ginamit ko lang si hailey para mapalayo si jd sayo? Pinalabas namin na nabuntis sya ni jd well in fact hindi naman talaga sya ang tatay nung bata. How ironic right? Pero ang pinagtataka ko lang bakit nagawa parin ni jd na magpakasal sayo. Ano bang meron kang babae ka at bakit habol ng habol sayo ang lalaking mahal ko!? Siguro magaling ka sa kama kaya baliw na baliw sayo si jd at gio?" Naalala ko yung nangyari samin ni gio kanina. Biglang kumirot ang puso ko.. ito naba ang huli? Sinabunutan nya ang buhok ko at saka itiningala ang ulo ko..

"Di hamak naman na mas maganda ako, mas sexy, mas makinis at mas may class kesa sayo. Diba?" Tanong nya sa mga lalaking nakapaligid sakin, nagsitanguan naman sila na para bang sumasangayon sa sinabi ng bruhang to. Mga uto uto! Mga hipokrito!

"Hinding hindi na babalik si jd sayo dahil sa ugali mo" nanlaki ang mga mata nya na para bang hindi sya makapaniwala sa mga sinabi ko.

"How dare you!? Hindi mo ako kilala!!" Halos mabingi ako dahil sa sigaw nya. Sinampal nya ako na parang halos makakalas ang mga panga ko dahil sa lakas nito.

"Makikita mo ayesha!" Ikinasa nya ang baril na hawak nya at saka iyon itinutok sa akin.

Pumikit ako at saka dinama ang iilang hangin dito sa loob ng silid. Ito naba ang katapusan ko? Diyos ko, kayo na pong bahala sa pamilya ko huwag nyo po silang pababayaan.

"Carmela!" Napadilat ako dahil sa boses na narinig ko. Si jd at si gio, kasama ang dalawa nyang kapatid?

"Jd?" Nanginginig na tawag ni carmela. May kanya kanya silang hawak na baril, natatakot nako.

"Pakawalan mo si ayesha" maawtoridad na utos ni gio kay carmela pero ngumisi lang si carmela at saka itinutok ulit sa akin ang baril. Halos hindi ako makalunok dahil sa kaba, napuputol na din ang paghinga ko dahil para akong babawian ng buhay dahil sa bilis ng tibok ng puso ko..

"Giooo.." bulong ko. Sunod sunod na ang pagpatak ng pawis at luha ko.

"Bitch" usal ng babaeng nasa gilid ni gio..

"Wow riya! Nandito pala ang babaeng dahilan kung bakit naghiwalay kami ni charles" humalakhak si carmela na parang bruha.. "it's a reunion!" hindi na sya normal..

"Look, walang masasaktan kung pakakawalan mo si ayesha" naluluha akong tumingin kay gio.

"Why would I? To steal jd again? To steal you? To steal angelo? To steal all my boys? No way!?" Nagpapapadyak sya na parang bata. Jusko, nakatutok parin sa akin ang baril. Feeling ko isang kalabit nya lang nito ay mabubura nako sa mundo.

"They're not your boys. Kasal kana for gods sake! Stop this carmela!" Singit nung riya. Dahan dahang lumalapit si gio sa kanya. Hindi ito napapansin ni carmela dahil tuloy parin ang pagdaldal nya

"Aaaarghhh!!! Nooooo!" Itinutok ni carmela sa bubong ang baril at saka ipinaputok. Agad naman syang tinalon ni gio para pigilan at agawin ang baril. Nagsimula na ding kumilos ang mga lalaking alagad ni carmela para pigilan si gio ngunit hinarang sila ni jd at isa pang lalaking kasama nila na sa tingin ko ay nakababatang kapatid ni gio.

Tumakbo si riya papalapit sa akin at saka kinalag ang pagkakatali sa kamay ko.

"Ohmygod are you okay?" Tanong nya.. tumango naman ako bilang sagot at saka tinadyakan ang lalaking papalapit sa amin.

Para akong nasa action movie dahil lahat ng tao sa paligid ko ay nagkakasakitan na. Nagpuputukan na ang mga baril at dumadami na din ang mga nakahandusay sa sahig, mga duguan at walang malay.

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin, sa buong buhay ko ay ngayon ko lang naranasan ang ganitong pangyayari.

"Ayeshaaa!" Ibinato sa akin ni jd ang isang baril, nangingig pa ang mga kamay ko ng masapo ko ito. Hindi ko ito alam gamitin..

Inalala ko lahat ang mga napanuod kong action movie, dinala ko ang utak ko kung saan may scene na ginagamit ang baril. Kinakasa ito para gumana at pumutok.

Tumingin ako sa likuran ko at agad na pinaputok ang baril sa lalaking sumusugod, may hawak kasi syang kutsilyo at isasaksak nya ito sa akin. Naluha ako ng humandusay ang lalaking iyon sa harapan ko, hindi ako mamamatay tao!

Tumakbo ako sa isang poste na pwede kong pagtaguan. Pero may humawak sa likod ko at saka ako sinabunutan. Iniharap nya ako sa kanya at saka ako sinuntok sa sikmura dahilan para mamilipit ako sa sakit. Tauhan sya ni carmela at puro tattoo ang braso nya. Itinutok ko ang baril sa tiyan nya at saka iyon kinalabit, tumambad sa harap ko ang nakahilatang lalaking duguan.

Lumingon ako sa gawi nila gio at patuloy parin ang pagaagawan nila sa baril. Sinipa sya sa parteng ibaba ni carmela dahilan para mapatumba sya at mamilipit sa sakit. Itinutok ni carmela ang baril kay gio..

"Nothing beats Carmela Andrade" usal nito. Alam ko na ang mga susunod na mangyayari, nakita ko na 'to sa mga teleserye..

"Giooo.." mabilis akong tumakbo sa gawi nila at sinalag ang balang dapat ay kay gio tatama. Malakas ang pagalingaw ngaw ng baril at pagtama ng bala nito sa aking katawan.

"Ayeshaaa!!!" Sigaw ni gio at jd.. hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil naging madilim na ang lahat.

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon