Chapter 20: Reason

346 5 2
                                    



Ayesha's Pov

Pangatlong araw na namin dito sa Japan. Sobrang saya ng experience ko, sinulit ko bawat oras at lugar. Ang ganda kasi talaga ng mga tanawin. Breath taking ika nga nila.

Nagprotesta pa nga si Gio sa akin dahil memory full na daw sya eh panay pa daw ako picture kaya napilitan syang burahin ang mga Games nya dahil panigurado mas dadami pa daw ang picture ko sa lugar na pupuntahan namin. Nagtaka naman ako kung saan yun, pinipilit ko syang sabihin kung saan pero ayaw nya talagang sabihin. Maghintay nalang daw ako.

Lately parang napapansin ko sobrang malapit na sa akin ni Gio. I mean parang nagiging protective na sya sa akin, hindi naman sya ganyan sa akin nung mga nakaraang araw. Oo malapait kami sa isa't isa pero hindi kami umabot sa point na daig pa namin ang magjowa. Pero ngayon akala mo asawa ko sya kung makadikit sakin.

Pero siguro praning lang ako at binibigyan ko lang ng kahulugan yung mga bagay bagay sa aming dalawa. Ayokong isipin na may gusto sya sa akin dahil imposible namang mangyari yun kasi alam nyang ikakasal na kami ni Jd ano mang oras.

"Ms. Ayesha tara na po" papunta kami ngayon sa bilihan ng mga pasalubong at souvenirs. Ito daw kasi ang ginagawa ng mga pinoy bago sila umuwi.

"Diba sabi ko sayo wag ka ng mag po" pagsuway ko sa kanya. Ang weird lang kasi sa pakiramdam. Parang magkaibigan na nga ang turingan namin sa isa't isa tapos may 'po' pa bawat salita nya kapag kinakausap nya ako.

"Hehe pasensya na. Hindi kasi talaga ako sanay" banggit nya habang nagkakamot pa ng ulo.

"Masasanay ka din" pagkukumbinsi ko at saka sya hinawakan sa balikat.

"Ayesha" napalingon naman ako kay jd nang bigla nyang tawagin ang pangalan ko.

"Bakit?" Tanong ko at saka humarap sa kanya.

"Come on lets go home" uuwi na agad kami? Hindi pa ako nakakabili ng pasalubong para kila mama eh.

"Pwedeng wait lang. 30 minutes! Bibili lang ako ng pasalubong nila mama" nagkunwari pa ako na parang nagmamakaawa at pinagdikit ko ang mga palad ko.

"Tsss" yan lang ang sinabe nya at saka tumalikod at naglakad papasok sa sasakyan. Ang kill joy talaga ng taong yun. Hindi nya ba alam ang salitang 'pakikisama'? Wala kasi sya nun eh

Naglakad na ako papunta sa bilihan ng mga souvenirs. Binilan ko ng tigitig isang tshirt sila mama at peypey na may tatak na I love Japan. Sigurado akong matutuwa sila kapag binigay ko yun. Ang cute kasi ng design.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ako nagkaroon ng pambili. Inabutan kasi ako ni Gio ng credit card nya. Ayoko nga sanang kunin nung una kasi sobra sobra na ang mga kabaitang pinapakita nya sa akin kaso sinabi nya sa akin na para din naman yun kila mama kaya wala na akong ginawa kundi tanggapin yun.

Nakaka 30 minutes na akong nagiikot para makabili ng mga pasalubong ko pero sa tingin ko bitin na bitin yun dahil sa dami pa ng mga booth na pwedeng ikutan dito.

"Gio salamat ha?" Bitbit nya lahat ng mga pinamili ko. Ngayon lang ako nakaranas magshopping ng walang limitasyon sa pera. Kasi kapag namimili ako sa mall isang damit lang ang nabibili ko, isang bwang ipon ko pa yun dahil ang hirap talagang kumita ng pera.

"Ms. Ayesha masanay ka na din haha" pagbibiro nya.

"Tara na nga. Kanina pa naghihintay yung masungit dun oh" turo ko sa sasakyan. Nandun naman si Jd sa loob at kita mong para syang busy sa ginagawa nya.

Nang makasakay kami ni Gio ay agad nang umandar ang sasakyan. Si Jd ang nagdadrive at nasa tabi naman nya ako. Ang bilis nanaman nyang magpatakbo.

"Jd, dahan dahan naman. Kakaopera ko lang nung nakaraan at hindi pa magaling. Please ayoko ng maulit" ang higpit nanaman kasi ng kapit ko sa upuan ko. Para akong nasa isang roller coaster na deretso lang ang daan. Hindi lumiliko o umiikot. Hindi tumataas o bumababa.

Hindi na sya nagsalita at buti naman sinunod nya ako. Hindi pa ba sya nadadala sa nangyareng aksidente sa amin? Ayoko nang maulit yun kasi sobrang hirap at sakit ang dinanas ko nun.

Tumingin ako sa labas ng sasakyan para magmuni muni. Binuksan ko din ang isa sa mga pasalubong kong pagkain para kila mama. Hindi naman siguro masama kung bawasan ko ng isa? Madami naman eh.

"Where do you want to go?" Lumingon ako kay jd ng bigla syang magsalita. Ako ba kausap nya? Tinignan ko naman si Gio na abalang nagkakalikot sa cellphone nya.

Nilingon nya naman ako para makita kung nakikinig ba talaga ako sa kanya. Totoo nga ako nga ang kinakausap nya. Bakit kasi hindi nya lagyan ng ayesha. Parang 'Ayesha where do you want to go?' Like that.

"H-ha? Diba uuwi na tayo?" Kakasabi nya lang nyan kanina eh. Makakalimutin ata sya.

"No. I remember, may 2 days pa tayo para magbakasyon" anong lugar naman kaya ang pupuntahan namin? Sa sobrang dami ng lugar na iba't ibang bansa ang pumapasok sa isip ko feeling ko impossible naming mapuntahan yun ng 2 days lang.

"Palawan" yan ang lumabas sa bibig ko. Ang dami kong dahilan para pumunta dyan at ang dami ko di'ng dahilan para hindi tumuloy. Ewan ko ba.

"Palawan?" Paguulit nya sa sinabe ko. "Ayaw mo ba sa Thailand, Korea or Hongkong?" Ang seryoso nyang nagdadrive. Ang bait bait nya ngayon sa akin. Siguro nga literal talagang bipolar tong si Jd.

"Palawan ang gusto ko" kumuha ako ng pagkain at saka ko iyon isinubo. Tumango naman sya at saka nagpatuloy sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa private plane ni jd.

_______________________

Wala na akong masabi sobrang frustrated ako ngayon. ;(

         VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon