Chapter 8: Vacation

387 6 0
                                    



Ayesha's Pov

"Michelle sabihin mo na kasi sakin yung dahilan kung bakit kaylangan akong operahan" hanggang ngayon kinukulit ko padin sya, hindi ko kasi talaga alam kung bakit at anong dahilan.

"Kumain ka muna aye tapos magpahinga ka, kaylangan mo ng lakas ng loob para mamaya" pangungulit nya habang pilit na sinusubo sakin ang lugaw.

"Naman eh! Michelle nakikiusap ako sayo"

"Isipin mo nalang sila tita elissa at mga kapatid mo" gusto ko parin talaga malaman.

"Michelle please" naiiyak nako. Natatakot ako.

"Sasabihin nalang nang doctor sayo pagkatapos ng operasyon" mukhang wala nakong magagawa kundi ang makinig nalang kay michelle.

"Eh sila mama kamusta daw?"

"Nasa first floor yung kuwarto ni tita elissa. Kanina ko lang nalaman na nasa iisang hospital pala kayo kasi nakita ko yung nurse na pogi na pumasok sa kwarto nung asawa mo" nasa BMH din ako? Nilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng kwarto. Oo nga kakulay ito ng kwarto ni mama sa baba pero mas malaki ito at may tv at ref pa.

"Puntahan natin sila mama. Gusto ko silang makita" pagmamakaawa ko. Sana naman sa pagkakataong ito mapagbigyan nako ni michelle.

"Sige pero 30 minutes lang ha? Kaylangan mo kasi talagang matulog" para namang pumalakpak ang tenga ko sa mga narinig ko.

"S-sige salamat!" Dali dali akong tumayo at saka patakbong lumabas ng pintuan. Pakiramdam ko isang bwan kaming hindi nagkita nila mama, kelly at pey pey. Miss na miss ko na sila.

Habang nakasakay kami sa elevator my nakasabay kaming isang babaeng maganda. Mukhang mayaman dahil sa itsura ng pananamit nya at sa mga alahas na nakakabit sa katawan nya. Medyo bumubulong bulong pa ito na akala mo'y may mabigat na dinadala.

"Sorry jd. Sorry" bulong nya sa sarili nya at saka nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Nang pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay lumabas na ako agad, ganun din naman ang ginawa ng babae kaya nagkagitgitan kami sa pintuan.

"Ano ba?!" Sigaw nito. Hindi ako sumagot at saka ako dali daling umalis. Hinabol naman nya ako at saka hinawakan sa balikat para mapaharap sa kanya. "So hindi ka magsosorry?" Hindi padin ako sumasagot at nakatingin lang ako sa kanya. "Are you dumb?!" Galit na tanong nito. Tumalikod nako at saka naglakad palayo at salamat naman at hindi nya na ako hinabol pa. "You'll pay for this, bitch!" Sigaw nito.

"Ayesha okay ka lang?" Tanong ni michelle sakin. "Kaloka! Natulala nalang ako sa nangyare. Akalain mo sa ganda at amo ng mukha nyang yun may kaimpokritahan palang tinatago sa katawan" dugtong nya. Kumikirot ang likod ko. Hindi ako makapagsalita dahil pinipigalan kong mapaaray. Baka hindi ko madalaw sila mama kapag sinabe ko kay michelle yung nararamdaman ko ngayon.

Nagderederetyo lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa harap ng kwarto ni mama. Room 12. Nang buksan ko iyon nagulat nalang ako dahil walang katao tao. Ang linis ng kwarto. Lumabas naman ako at may nakita akong nurse na padaan na may hawak na papel.

"Nurse nasan po yung nanay ko?" Tanong ko sa nurse

"Sino pong nanay nyo mam?"

"Yung pasyente po dito" turo ko sa kwarto ni mama "si Elissa Marcelo po"

"Ah nadischarge na po kanikanina lang mam" sagot nito. Discharge? Pano madidischarge eh hindi pa bayad ang mga bill ni mama. Tumingin ako kay michelle.

"Binayaran mo?" Tanong ko.

"Hindi ah. Wala akong alam dyan" sabi nya. Tumingin naman ako sa nurse

"Sino daw hong nagbayad?" Binuklat naman nito ang hawak nyang papel at saka agad na isinara.

"Si Mr. Gio Young po mam" Gio Young? Sino yun?

"Sino yun?" Tanong ko. Sinong gio young naman yun at sinong gio young ang pasasalamatan ko?

"Ay hindi ko po alam mam eh. Basta po binayaran nya yung bill ng mother nyo through credit card. After nun umalis na po sya"

"Gwapo ba? Anong itsura nya?" Tanong ni michelle habang ngiting ngiti pa. 'Tong babae talaga na to.

"Naka black suit po tapos matangkad na maputi tapos medyo wavey yung hair" pagdidiscribe nya. Sino kaya yung Gio Young na yun at ano ang dahilan nya para bayaran ang bill ni mama. "Sige po una na ako. Excuse me po" sinundan ko ng tingin yung nurse.

"Sino kaya yung Gio Young na yun beh! Mukhang may secret admirer ka ha" pangaasar sakin ni michelle. Pano na to hindi ko naabutan sila mama. Hayss! Hindi ko sila nakita.

Jd's Pov

"Sir okay na po ang bill ni Ms. Elissa Marcelo. Nadischarge na po sya kanina at pinahatid ko na din po sa driver nyo pauwi sa bahay nila" inutusan ko talaga si Young para bayaran ang bill ng nanay ni ayesha. Sinabe ko din sa kanya na bigyan sya ng pera para ipang bili ng maintenance na gamot.

"Si ayesha kamusta sya?" Tanong ko.

"Hindi ko po alam sir. Wala po kasi sya kanina sa kwarto nya" bakit wala? Hindi pwedeng umalis ng kwarto nya yun baka takasan ako.

"Then find her!" Sigaw ko

"Areglado sir!" Sagot nya at saka yumuko at dali daling lumabas ng kwarto. Hindi pwedeng mawala si ayesha. Kaylangan ko sya para makaganti kay carmela.

Sinubukan kong tumayo para magpunta sana sa cr kaso biglang kumirot ang ulo ko. Sobrang sakit. Pinili ko nalang na humiga at magmuni muni. Nang mainip ako ay kinuha ko ang cellphone ko sa side table na katabi nitong kama. Tinignan ko ang mga schedule ko para sa next week. Puro meeting at appointment. Bakante naman ang araw ng sabado. Wala akong gagawin? Tinagilid ko ang ulo ko para tumingin sa calendar na nakadikit sa wall nitong kwarto. It's Monday may 6days akong bakante.

"Vacation" bigla nalang itong lumabas sa bibig ko. Yeah! Maybe I should go to Japan for 3 days and Singapore for 2 days....

________________________

Oha! 3 chapter agad! Hahahaha! Pambawi ko talaga to hehe!

Sama tayo sa japan at sg mga momsh! Tapos yung mga busy at di makakasama papasalubungan nalang natin hahaha!

         VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon