Chapter 17: Salamat

327 6 0
                                    



Ayesha's Pov

"Ms. Ayesha hindi pa po kayo pwedeng maglublob sa tubig. Hindi pa po magaling ang tahi nyo" nakakainis naman kasi si young. Ayaw akong payagan. Eh sya nga tong nagprisinta na dalhin ako dito para makapagrelax tapos hindi naman ako hinahayaang ienjoy yun.

"Para saan pa na nagpunta ako dito?" Sinimangutan ko sya. Ano sinama nila ako dito para panuorin sila habang nageenjoy? Ang unfair naman.

Nakita kong bumulong si Gio kay Jd. Sana naman payagan na nila akong maexperience ang Hot Spring. Napansin kong tumango si Jd kaya nagliwanag ang mga mata ko. Siguro pumapayag na sya.

"Ms. Ayesha tara po?" Pagaaya ni Gio. Maglalakad na sana ako papasok sa pinto ng bigla nyang iharang ang mga kamay nya. "Hindi po dyan"

Hindi na ako nakapagsalita dahil bigla nya akong hinatak papasok ng sasakyan. Ang hilig talaga ako hatakin nito sa braso. Hindi naman ako aso na pwedeng kaladkarin lang anytime. Ang sakit kaya.

"Uuwi na ba tayo ng Pilipinas?" Tanong ko. Bigla namang tumawa si Gio at saka humarap sa akin.

"Kakain lang po tayo" hindi na ako sumagot at tumingin nalang ako sa labas. Bigla ko nanamang naalala sila mama. Ilang araw na din ang nakakalipas pero hanggang ngayon hindi ko pa sila nakakausap.

"Miss na miss ko na sila mama" bulong ko sa sarili ko at saka ako nagpakawala ng isang malalim ng buntong hininga.

Hindi ko alam kung makikita ko pa ba sila dahil sa kalagayan ko ngayon. Hindi ako makaalis nalang basta basta dahil oras oras may nakabantay na tauhan ni Jd sa akin.

Hindi kaya ng konsensya ko na magpakasaya ngayon dito sa Japan habang yung pamilyang naiwan ko sa Pilipinas ay nahihirapan naman dahil wala ako.

Ni hindi ko nga alam kung kumakain ba sila sa tamang oras, kung naaalagaan naman ba si mama ng tama at kung safe naman bang nakakapasok si kelly at peypey sa school nila.

Nagulat ako ng biglang may humarang na kamay na may hawak na panyo sa mukha ko. Tinignan ko si Gio na parang nagtataka. Tumango naman sya at saka inabot sa kamay ko ang panyong hawak nya.

"You're crying" halata mo sa boses nyang nagaalala sya. Hindi ko naman napansin na may mga luha na palang pumapatak galing sa mga mata ko. Kinuha ko naman ang panyo at saka dali daling pinunas sa pisngi ko.

"Haha sorry" napapahiya kong sagot at saka nagkunwareng okay na ako pero ang totoo gusto ko talagang umiyak ng umiyak dahil miss na miss ko na sila mama.

"May problema ba?" Tanong nya. Lumilingon lingon naman sya sa akin paminsan minsan kahit na nagdadrive sya.

"Ah wala" sagot ko at saka nagpakita ng isang pilit at mapagkunwaring ngiti.

"Oh come on Ms. Ayesha. Sige na makikinig ako" sagot nya at saka hininto ang sasakyan. Lumabas naman sya at saka ako pinagbuksan ng pinto. So nandito kami ngayon sa mahabang tulay na kitang kita mo yung ganda ng ilog. Sobrang linis.

"Miss ko na kasi sila mama" yumuko ako para hindi nya mahalata ang naguunahang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

Sumandal sya sa sasakyan at saka nagcross arm. Ang cool cool nya talaga kahit anong gawin nya.

"Edi tawagan natin" masigla nyang sagot. Kinuha nya naman ang cellphone nya at saka may tinype na kung ano sa cellphone nya.

Sobrang laki talaga ng pasasalamat ko kay Gio. Ang dami nya nang mabubuting nagawa sa akin. Feeling ko nga nandyan na sya para pasayahin ako. Sya yung matuturing kong bestfriend na kahit kaylan hindi ako nagkaron bukod kay mama at sa mga kapatid ko.

"Hello Fatima? Uh yes! Nandyan ba si Nanay Elissa? Kamusta sya? Mabuti naman. Pakibigay naman yung phone sa kanya. May gusto kamong kumausap sa kanya" naghintay pa sandali si Gio bago ulit nagsalita.

"Hello po nanay Elissa" pagkabanggit iyon ni Gio ay agad akong humarap at tumingin sa kanya. Nagaabang sa cellphone nya para makausap si mama. "Kamusta na ho kayo? Mabuti naman ho at okay na. May gusto po kasing kumausap sa inyo. Ay basta po eto na po oh" inabot sa akin ni Gio ang phone nya. Nanginginig pa akong abutin yun dahil may nagbabadya nanamang luhang posibleng tumulo galing sa mga mata ko.

"Hello ma?" Masigla pero halata mong garalgal ang boses ko.

[Ayesha anak?] Napakagat ako ng labi dahil pinipigilan ko ang mapaiyak.

"Opo ma ako po ito" tumingin ako kay Gio na nakangiting nakatingin sa akin pero makikita mo sa kanya ang pagaalala.

[Ayesha jusko po anak ko nasaan ka ba?]

"Ma sorry" napatakip ako ng bibig ko dahil sa pagkakataong ito hindi ko na talaga napigilang mapaiyak. Bigla namang umalis sa tabi ko si Gio at saka pumasok sa loob ng sasakyan.

[peypey! Kelly! Ang ate ayeha nyo]

"Pey, kelly"

[Ate aye!] magkasabay nilang banggit sa pangalan ko. Napangiti naman ako dahil sa tuwa na nararamdaman ko. Kahit sa kabilang linya ko lang naririnig ang mga boses nila sobrang saya ko parin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

[Ate aye. Uwi ka na po miss na miss ka na po namin nila mama] mas lalong bumuhos ang luha sa mga mata ko dahil sa narinig ko. Umiiyak si kelly at para namang kinukurot ang puso.

Bumalik naman si Gio sa tabi ko at saka may inabot na tubig at panyo. Ngitian ko sya at saka ko kinuha ang panyo.

"Oo uuwi si ate dyan. Magpakabait ka kay mama at ate peypey ha? Miss na miss na din kayo ni ate" bigla namang naputol ang linya dahil lowbat na ang cellphone ni Gio. Inabot ko sa kanya yun at saka ko sya niyakap.

"Salamat Gio" wika ko at saka ulit umiyak. Basang basa na ngayon ang coat nya ng luha at sipon ko. Nako nakakahiya naman.

"Wala po yun Ms. Ayesha" kumalas ako sa pagkakayap sa kanya. Inabot nya naman sa akin ang isang bote ng tubig at saka ko iyon ininom.

"Mapasaya ko lang ho kayo masaya na din ako" ngitian nya ako ng napakalapad.

Napaka down to earth talaga ng lalaking to. Kabaligtaran ng ugali nya ang ugali ni Jd. Ang swerte siguro ng babaeng papakasalanan ni Gio.

__________________________

3 days nalang pasukan na. Wala pa tayo sa gitna. Pano ba naman kasi to? Huhu nakakaiyak. Sana wag kayong magalit sa akin. Gagawin ko parin lahat ng makakaya ko.

Salamat sa pag vote mga momsh. Mahal ko kayo!!

          VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon