Chapter 48: Birthday

91 3 0
                                    

Ayesha's Pov

"Happy Birthday ayesha ko" napangiti ako ng malapad dahil sa kilig. May bitbit kasi syang cake na may kandilang naka sindi tapos naka boxer short lang sya at may party hat na nakakabit sa ulo nya. Hahaha! Ayokong tumawa pero hindi ko mapigilan, ang sexy nya kasi ngayon.

"Hala! Nakalimutan ko!" Seryoso, sa dami kasi ng sunod sunod na problemang dumating sakin pati ang sarili kong kaarawan ay nakalimutan ko na din.

"Hahaha! Nasurprise kaba?" Tumango ako bilang sagot, hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko. First time ko 'to.

"Pano mo nalaman?" Hindi talaga pumapalya si gio sa pagpapangiti sakin. Alam na alam nya kung paano ako pasiyahin, napakaswerte ko talaga sayo gio.

"Syempre tinanong ko kay nanay Elissa" pinalo ko sya sa braso, kinikilig talaga ako. "Oh blow mo na" yumuko ako ng konti para hipan ang kandila pero inilayo nya sa akin yung cake..

"Ooopss! Wish muna" sinamaan ko sya ng tingin at saka na tahimik na nagumpisang humiling. Nakapikit pa ako dahil feel na feel ko talaga yung cake na bigay ni gio. "Parinig naman ako" maarte nitong sabi sa akin.

"Kaylangan paba yun?" Tumango sya bilang sagot.. umayos ako ng pagkakatayo at saka inayos ang buhok ko.

"Ang hiling ko lang naman ngayong birthday ko eh maging okay na ang lahat, gumaling na si mama at sana laging ligtas ang mga kapatid ko.." nakatitig lang si gio sa akin na para bang may hinihintay syang dapat kong sabihin
"At syempre.. sana hindi mawala yung taong mahal ko. Sana hindi ka mawala gio" ngumiti sya ng malapad at saka inilapit sa akin ang cake. Hinipan ko ang kandila ng nakapikit. Hinalikan nya ako sa labi at saka nya ako niyakap.

"Hindi ako mawawala" ang saya saya ko ngayon. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko. Biglang may pumatak na luha galing sa mga mata ko.

"Umiiyak ka ba?" Hinawakan nya ang baba ko at saka nya itiningala.

"Tears of joy.." pinunasan ko ang nagkalat na luha sa mga mata ko "thankyou.." bigla ko syang niyakap dahilan para tumapon ang cake sa mga binti nya.

Bigla akong nalungkot dahil sa pagiging careless ko hindi ko tuloy natikman yung cake, sayang. Mukhang masarap pa naman..

"Sorry" dali dali akong kumuha ng tissue at saka pinunasan ang nagkalat na cake sa binti nya. Sayang talaga.

Nagulat ako ng bigla nyang ipahid sa mukha ko ang natirang cake sa kama. Loko ka gio, ang lagkit!

Tawa sya ng tawa dahil sa ekspresyon ng mukha ko, kumuha din ako ng cake at saka iyon ipinahid sa mukha nya. Ngayon parehas na kaming tawa ng tawa na parang mga baliw.

Naghabulan kami sa loob ng kwarto, nagkalat na ang cake kung saan saan kaya ako na mismos ang umawat.

"San mo gustong kumain?" Tanong nya sakin. Nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko naman talaga alam kung saan kami kakain.

"Gusto mo?" Itinuro ng nguso nya ang kama at saka nya kinagat ang ilalim ng labi nya.

"Ang manyak mo!" Hinampas ko sya sa dibdib dahil sa biro nyang iyon. Bigla tuloy akong kinilabutan, parang tumindig lahat ng balahibo sa katawan ko at naalala ko yung nangyari kanina.

"Joke lang naman hahaha!" Niyakap nya ako mula sa likuran at ramdam na ramdam ko yung matigas sa parteng pwetan ko.

"Gio?"

"Hmm.. yesang ko?"

"Salamat ah?" Hinalikan nya ang buhok ko, nakiliti ako sa ginawa nyang yun kaya medyo lumayo ako sa kanya

"Magdadrama nanaman ba tayo?" Hinarap ko sya at saka nya ako nginitian. Niyakap ko nalang sya ng mahigpit, amoy na amoy ko yung signature scent nya. Yung parang lalaking laki yung amoy pero may halong vanila. "Bihis ka, aalis tayo" nagtaka ako at saka sya tinignan sa mata.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko

"Basta..." Nginusuan nya ako na para bang naghihintay syang idikit ko ang mga labi ko sa labi nya. Nilapat ko nalang ang index finger ko sa nguso nya at saka para syang bata na nagmaktol na tumalikod sakin.

Dumeretyo na ako sa cr para maligo, laking gulat ko dahil paglabas ko may nakahanda na agad na red dress sa kama at black heels. 2 inches lang siguro yung taas nya, inilibot ko ang paningin ko sa buong room nitong hotel at wala na si Gio. Lumabas ata sya

Habang nagbibihis ay may napansin akong note sa ibabaw ng side table.

Sorry kung hindi nako nakapagpaalam. May emergency kasi sa bahay baby. Naghihintay sa labas ng hotel yung driver na maghahatid sayo. See you later yesang ko  -Gio

Bigla akong nalungkot dahil sa nabasa ko. Gaano ba kaemergency yun para hindi sya makapag paalam sakin kahit saglit lang hayss.

Bumaba na ako ng hotel at totoo ngang may naghihintay sa akin sa labas. May magarang itim na kotse ang nakapark, may lumabas na lalaking nakasuit at gloves na white na pinagbuksan ako ng pintuan. Wow! Ang sosyal naman..

Tahimik naming binaybay ang daan patungo sa lugar na pagkikitaan namin ni gio. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa isang magarang convention hall. May red carpet na nakalatag sa hagdan at may mga petals ng red roses na nakalat doon.

"Kuya sure ka bang dito yun?" Tanong ko sa driver. Tumango lang sya at hindi nagsasalita, pipi ata sya.

Naglakad na ako paakyat at hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng labas ng convention hall. Ano naman kayang gagawin namin dito?

Pagkarating ko sa tapat ng pintuan ay may dalawang lalaking nakasuit din at nakasuot ng white gloves. Huminga pa ako ng malalim at saka nila ako pinagbuksan ng pinto

"Happy Birthdaaay!" Sabay sabay na sigaw ng mga tao sa loob, laking gulat ko dahil sa dami ng tao at ganda ng ayos ng event. Para sa akin ba ito?

Inilibot ko ang paningin ko at nakita kong kumpleto ang lahat ng taong importante sa buhay ko.

_________________________________________

Lapit na din kasi birthday ko hahaha! Happy birthday din sakin :">

                 VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon