Chapter 9: Bayaran Again

362 7 0
                                    



Ayesha's Pov

"Michelle natatakot ako" natatakot ako sa posibleng mangyare sakin. Malay ba natin na pagkatapos pala nitong operasyon eh hindi nako magising? Pano kung hindi successful yung operasyon? Ayoko pang mamatay.

"Kaya mo yan aye" pagpapakalma sakin ni michelle habang hinihimas himas ang likod ko. Lord kayo na pong bahala sa akin.

Napatingin kaming dalawa ni michelle sa pinto dahil biglang itong bumukas, naghintay pa kami ng ilang segundo bago may pumasok na dalawang nurse, isang babae na may hawak na parang gamit na pang check up at isang lalaki na may tulak tulak na wheel chair.

"Mam Ayesha Marcelo. Dadalin na po namin kayo sa OR" wika ng babaeng nurse. Tumingin muna ako kay michelle, nakita ko naman itong tumango na para bang nagsasabing 'kaya mo yan'.

*Operating Room

"Ayesha" may isang lalaking tumawag sa pangalan ko, napapalibutan ito ng liwanag. Parang boses yun ni papa. Kilalang kilala ko ang boses ni papa.

Nilibot ko ang paningin ko. Nasa isa akong madilim na silid. Pakiramdam ko hindi lang ako nagiisa madami akong kasama pero hindi ko nakikita.

"Papa!" Sigaw ko habang may mga luhang pumapatak galing sa mga mata ko.

"Ayesha anak" ulit nito sa pangalan ko pero sa pagkakataong ito mas lumakas ang boses nya na nuon ko lang napagtanto na mas malapit na sya sakin ngayon. Inaabot nya ang mga kamay ko.

"Anak wag! Kaylangan kapa namin" boses yun ni mama. Pinipigilan nya akong sumama kay papa. Pero bakit? Bakit hindi pwede?

"Ate aye!" Napalingon naman ako sa kanan ko. Si kelly umiiyak sya. Anong nangyayare bakit parang hindi tama. Pinipigilan sya ni mama, alam kong gustong tumakbo papalapit sakin ni kelly pero hindi sya hinahayaan ni mama.

"Ate ayesha" narinig ko naman ang boses ni peypey na parang nasa likod ko. Nilingon ko sya, nakita ko syang nakangiti sakin pero may mga luha sa mga mata nya.

"Anak" napalingon ako kay papa. "Sumama kana kay papa" nakalahad parin ang mga kamay nya.  Akma ko na sanang aabutin ang kamay nya ng biglang bumalik sakin ang nakaraan. Yung mga panahong iniwan kami ni papa. Yung araw na sinira nya ang pamilya namin. Humakbang ako paatras at saka umiling iling. Hindi! Hindi 'to pwede.

"S-Sorry papa" naiiyak kong sagot at saka ako tumakbo papunta kila mama. Niyakap ko sila ng mahigpit na mahigpit.

Jd's Pov

"Sir nasa operating room po si Ms. Ayesha Marcelo" bigla akong napalingon kay young.

"W-what?! Why?"

"Hindi ko po alam sir. Hindi po ako makakuha ng information dahil yung doctor na nagcheck sakanya nung oras na dinala kayo dito sa hospital eh sya po yung nagoopera kay Ms. Ayesha ngayon" lumabas ito ng hindi man lang nagpapaalam. Tss

"Fuck!" Yan nalang ang nasabi ko. Bakit inooperahan si ayesha? W-what's the reason.  Ang alam ko okay sya ah.

Nang bumalik si young ay may kasama na itong babae. A low class girl wearing a short shorts and a sleeveless shirt tapos naka tsinelas lang.

"Sir this is michelle" turo nya sa babaeng kasama nya. What now? "She is ayesha's friend" dugtong nito. Hindi nako nagtaka pa kung pano naging kaybigan ni ayesha ang isang to. Of course parehas sila ng pinapasukang trabaho.

"How's ayesha" i ask

"H-ha?" Sagot nito. Tss idiot

"Tinatanong kita kung kamusta si ayesha"

"Ah eh hindi ko po alam" tumingin ako kay young at saka isinenyas ko ang kamay ko na para bang naguutos na lumapit sya sakin.

Nang makalapit sya ay itinapat nya ang tenga nya sa mukha ko. "Where's my check" medyo may kalakasan kong tanong. Iniabot naman iyun ni young sa akin at saka umalis sa harap ko.

"Name your price" tanong ko sa babae.

"S-sir" don't act like an innocent one you gold digger. I know how you wanted to have this.

"Magkano kaylangan mo?" mahinahon kong tanong. Bahagya naman syang nagulat na kitang kita mo ito sa kanyang mga mata.

"S-sir hindi ko ho kaylangan ng pera" maawtoridad nyang sagot.

"Talaga? Hindi ba at ito ang dahilan nyo ng kaybigan nyo kung bakit pati ang sarili nyo halos ibigay nyo na makuha lang ang bagay na to?" Iwinagayway ko ang cheke sa kanya. You can't fool me.

"S-sir hindi po ganung babae si ayesha!" Medyo galit na sya. Ha! Who cares!

"Oh come on! Sa bar nakuha ni Mr. Chan si ayesha. Ano pa bang gusto mong isipin ko?" Pinandilatan ko sya ng mata. "Na birhen yang kaybigan mo?" Nakita ko syang inirapan ako bago sya lumabas ng kwarto. Maglilinis linisan sila ng kaybigan nya sakin? Wala kayong maloloko.

___________________________

Basahin nyo din po yung isa ko pang story!!! #lyttg

LOVE 'YOU TILL TRAGEDY GONE!!!

#lyttg #lyttg #lyttg #lyttg #lyttg #lyttg

          VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon