Chapter 49: Video

108 6 1
                                    

Ayesha's Pov

"Seryoso? Para sakin 'to?" Maluha luha kong tanong kay gio. Hindi ako makapaniwala, ang daming pagkain, ang daming bisita at ang ganda ng lugar.

"Ayaw mo ba?" Sinimangutan nya ako. Bigla akong napangisi dahil sa ginawa nyang 'yon, ang cute nya. Nakakainis!

"Kaylan ko ba hindi nagustuhan lahat ng mga surprises na ginawa mo sa akin?" Napangiti sya ng malapad. Napaisip tuloy ako, paano ko kaya mapapalitan lahat ng bagay na nagawa nya para sa akin?

"Happy Birthday dear" sabay kaming napatingin ni gio sa taong nagsalita. Wait, sya ata yung buntis na sumampal sa akin nung nasa resort kami at kinakasal ni jd.

Nagkatitigan kami ni gio, hindi ko alam kung ano bang dapat kong ireact. Tumango nalang sya na para bang nagsasabing 'okay lang yan'.

"S-salamat" medyo may pagkaplastic kong sagot sa kanya at saka ngumiti ng pilit.

"Laley.." jd?

Tinignan ko si gio na para bang nagtataka kung bakit nandito si jd. Hindi ba't may alitan silang dalawa? Pano nangyaring nandito sya.. naguguluhan nako

"J-jd?" Mahinang sambit ko pero narinig parin nya dahilan para mapatingin sya sakin.

"H-happy Birthday Ayesha" hindi ko magawang ngumiti dahil sa tensyon na nararamdaman ko ngayon. Napansin ko din na parang ang sama ng tingin ni gio kay jd.

"Ahmm ayesha.. sorry for slapping you nung kasal nyo ni jd ha? I'm jealous kasi talaga that night eh. Pero don't worry girl! I got you a gift, peace offering na din. Here oh!" Iniabot nya sakin ang isang paper bag. Hindi nako nagabala na tignan yun dahil may agad na kumuha nito at saka inilagay sa lamesa na puno ng regalo.

"O-okay lang. Wala na yun" medyo gumaan naman ang pakiramdam ko sa kanya dahil sa ginawa nyang yun pero hindi padin ako komportable sa kanya..

"By the way, I'm Hailey pala. Wife ni jakie-err jd! 8 months preggy nako. Sana maging friends na tayo ha? Kukunin kitang ninang ng baby namin ni jd!" Pumalupot sya sa braso ni jd na halos hindi makatingin sa akin. Hindi ko alam na ganito pala kadaldal ang isang 'to. Tsaka hindi ba sya naaawkward sa mga sinasabi nya? Ang weird lang

"S-sure" nginitian ko sya ng malapad, ayoko namang ipakita na natetense ako sa pagitan naming apat.

"So how's you relationship with gio? Is he sweet? I heard sya yung nagprepare ng lahat ng 'to. You're so lucky naman, ako kaya kaylan makakatanggap ng ganito kay jd?" Nagkatinginan kami ni gio, gusto kong sabihin sa kanya na ilayo nya na ako dito dahil hindi na talaga maganda ang paguusap namin ni hailey.

Tinignan ko si jd, nakatingin sya sakin na para bang naghihintay din sya sa isasagot ko.

"O-okay naman" pinipilit ko paring ngumiti kahit sa totoo lang nanginginig na yung mga panga ko dahil pwersahan ko na silang piniflex.

"Ooh, talaga? Aaargh! Naiingit tuloy ako!" Nagpapapadyak sya na parang bata, sa tingin ko hindi na normal to dahil ang childish nya kung umasta. Parang wala lang sa kanya yun..

"Excuse us, we need to go. May naghihintay pa kasi sa amin" hinatak na ako ni gio palayo sa kanila, narinig ko pa si hailey na tinawag ako pero hindi ko na sya nilingon. Hayss buti naman naramdaman na ni gio yung pagkaweird ng babae na yun.

"Are you okay?" Tanong sa akin ni gio. Tumango nalang ako bilang sagot

"P-pano sila nakapunta dito?"

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon