Chapter 1 : Who's that guy?

847 19 0
                                    

Ayesha's Pov

"Ma, yan lang po nakayanan ng powers ko e. Alam ko pong kulang pa yan sa mga gastusin natin dito sa bahay. Wag kayong magalala ma. Maghahanap pa po ako ng ibang raket"

"Nak salamat ha? Kahit iniwan na tayo ng papa mo andyan ka padin para alagaan kami ng mga kapatid mo. Hayaan mo pag gumaling ako magtatrabaho na din ako para maging maayos na ang pagaaral mo"

"Ma naman! Hayaan mo na si papa. Masaya na sya sa iba nyang pamilya. Basta tayo sama sama at tsaka okay lang ho ako. Si aye mo paba?

"Napaka swerte ko aye at ikaw ang naging anak ko.."

"Nako ma! Mas maswerte ako dahil nagkaroon ako ng nanay na kasing ganda nyo. Ayan oh kitang kita diba?"

Ako si Ayesha Marcelo. 18 years old at 2nd year college. Working student ako at umaasa lang ako sa tuition na ibinibigay ni mayor para sa pagaaral ko. Esudyante sa umaga, raketera sa hapon at dakilang anak at ate sa gabi. Yan ang araw araw na gawain ko. May dalawa akong kapatid. Si peypey at kelly. Sila ang kasabay kong pumasok tuwing umaga. Minsan hinahatid ko pa sila sa mga school nila. Kaylangan naming magaral para kay mama. Simula kasi ng iwanan kami ni papa nagkasakit na si mama. Hindi ko naman maipagamot dahil kulang pa ang sinasahod ko sa mga raket ko.

"Peeey!! Kellyyy!! Kakain na tayoo!" Sigaw ko sa mga kapatid ko habang inaayos ang mga pagkaing inihain ko sa mesa.

"Wow ate! Mukhang masarap ang ulam natin ngayon ah! Ano yan?" Turo ni kelly sa ulam na niluto ko. Oo! Ako ang nagluto. Ako din ang gumagawa ng mga gawaing bahay, minsan naman tinutulungan ako nila peypey at kelly.

"Iyan? Yan ang fried round scad fish with sauteed tomato, and topped with beaten egg, in short! Sarciadong galunggong" paliwanag ko habang sinasalinan ng kanin ang mga plato nila. "Sige na kain na. Sarap yan!"

"Ma bakit po?" Kunot noong tanong ni peypey kay mama, nagulat nalang kasi kami ng biglang bumagsak ang hawak nyang kutsara.

"Ma-mga anak, hindi ak-ko ma-kahinga ng ma-maayos" nagulat nalang kami ng utal utal na magsalita si mama. Halos maiyak iyak na sya habang hinahabol nya ang kanyang paghinga.

"Ma teka dadalin ka namin sa hospital!" Tarantang sabi ko at saka naghugas ng kamay at umakyat sa taas para kumuha ng jacket. Ngayon lang namin nakita si mama na nagkaganun kaya hindi ko alam ang gagawin.

******

"Dok kamusta po si mama?"

"Your mom was suffering to Ischemic Heart Disease, also known as Coronary Artery Disease, it affects the supply of blood to the heart. That's why the blood vessels are narrowed or blocked due to the deposition of cholesterol on her walls."

"May gamot pa po ba sa sakit nya?"

"Yes, may treatment naman sa mga ganung sakit. Just simply lower her blood pressure. Prevent blood clots, which can lead to heart attack or stroke. Prevent or delay the need for a stent or percutaneous coronary intervention or surgery, such as coronary artery bypass grafting. Reduce her heart's workload and relieve coronary heart disease symptoms. Sasabihin ko nalang sa nurse na ihatid sa room nyo ang mga gamot na dapat inuman ng mom mo. Excuse me"

Napasandal nalang ako sa pader dahil sa pagluwag ng dibdib ko. Hayss! Buti nalang at ganun lang ang nangyari. Naglakad nako para magpunta sa room ni mama. Nakita ko sya na nakahiga at mahimbing na natutulog habang si peypey at kelly naman ay naghaharutan sa sofa.

"Huy wag nga kayong maingay dalawa! Nagpapahinga na si mama oh!" Bulyaw ko sa kanila. Agad naman silang umayos at nagsorry. "Teka, may pasok pa kayo bukas diba? Magpahinga na din kayo" dugtong ko.

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon