Chapter 12: Blushed

368 3 0
                                    


Ayesha's Pov

Pwede na daw akong makauwi mamaya pero sabi ni Gio hintayin ko daw yung susundo sakin. Sabi ko hindi na kaylangan kasi magcocommute nalang ako magisa pauwi pero ayaw nya pa din. Para daw safe ako.

One time nagpasalamat ako sa kanya pero ang sabi nya lang "hindi mo dapat sa akin sinasabe yan" nagtaka ako kung bakit ganun yung sagot nya eh sobra sobra na yung tinulong nya sa akin still ayaw nya pading magpasalamat ako sa kanya. Ewan ko ba magulo din ang isang yun.

"Mam tara na po" may isang lalaking pumasok sa pinto. Parehas sila ng suot ni Gio pero naka shades at may earphone naman ang isang to. Ang astig.

"Ikaw naba yung pinadala ni Gio dito?" Tumango lang sya bilang sagot at saka sya lumapit sakin para alalayan akong tumayo. Pilit nya akong isinasakay sa wheel chair pero pilit din naman akong tumatanggi. Hindi naman ako baldado no! Sa huli ako padin ang nasunod. Hehehe

Nang makalabas kami ng kwarto ko nadaanan namin yung kwarto ni Mr. Kamote. Kamusta na kaya sya? Gising na kaya sya ngayon?

"Uh wait lang. May sisilipin lang ako saglit" lumingon lang sakin yung lalaki. Hindi ko na sya hinintay sumagot dahil tinalikuran ko na sya. Hindi naman nya ako pinigilan eh.

Nang makarating ako sa harap ng kwarto ni Mr. Kamote kinatok ko iyon pero walang sumasagot o nagbubukas ng pinto kaya napagdesisyonan ko nang pasukin iyon. Binuksan ko ang pinto pero ulo ko lang ang idinungaw ko duon. Inilibot ko ang paningin ko pero ni isang tao ay wala akong nakita. Kaylan pa kaya sya nakalabas ng hospital?

Okay na din siguro na umalis sya ng hindi man lang ako dinadalaw sa kwarto ko. Sabagay wala naman syang puso ano pa nga ba ang aasahan ko sa lalaking iyon. Manyak at mayabang. Tsss.

Nagpatuloy lang ako sa pagsunod sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Curious lang talaga ako kung anong dahilan ni Gio bakit nya kami tinutulungan. Hindi ko naman sya kilala totally at walang nababanggit si mama tungkol sa lalaking yun.

Nang makarating kami sa parking lot pinasakay nya ako sa isang magarang sasakyan. Grabe ang bango ng loob amoy chocolate. Natatakam tuloy ako. Nakatabi lang sakin yung lalaking sumundo sa akin. Meron kasing driver. Tahimik sa loob ng sasakyan. Walang kumikibo sa amin ni isa. Nagpahinga nalang ako. Sobrang boring naman kasi ng byahe dahil wala akong makausap o mapaglibangan. Itutulog ko nalang muna.

Gio's Pov

"Don't you dare tell to carmela that im heading to Japan and SG this week. Alright?" Ewan ko ba kay sir jd kung bakit iniiwasan nya yung ex nyang mahal na mahal nya naman. Kahit anong iwas at kaila nya hindi nya padin maitatago sa akin at sa sarili nya ang katotohanang may nararamdaman padin sya kay Ms. Carmella.

Hindi ako sumasagot, i just nod and nod instead.

"Nasaan na ba si ayesha bakit hanggang ngayon wala pa din yung babaeng yun?!" I saw him tapped his legs. Galit na sya. Kanina pa kasi dapat nandito yun sa private plane ni sir jd. Mukhang pumalpak nanaman si Dondi sa pinagawa ko. Tss lagi naman.

"They're on their way na po" i just answered knowing that my answer is just a conclusion.

"Make sure that ayesha is with them" Ms. Ayesha is so lucky, though on the other side she's apparently not. I don't know. She's lucky maybe because sir jd is rich and she's unlucky because sir jd is bipolar? Lol the thought of being sir jd is a challenge.

"Y-yes sir!" Lumabas muna ako ng plane para matawagan si Dondi. Sir jd doesn't firing me even though I've done so many stupid things on my job. He treasure me a lot.

[Hello sir Gio?]

"Where are you?!" Medyo sumisigaw na ako. Ang ingay naman kasi dito sa labas. Halos mabingi na ako.

[S-sorry sir. I-i can't hear you po] nagmove ako ng konti para makalayo.

"Where's Ayesha?" I asked.

[Kasama na ho namin sir] i know i can trust dondi, sometimes. He's noob but he can do things very well, sometimes.

"Okay good" I ended up the line. Nagyosi muna ako saglit para mabawasan yung lamig na nararamdaman ko. Sobrang lakas kasi ng hangin dito.

Hanggang ngayon iniisip ko padin talaga yung naging trato ni Ms. Ayesha kay sir Jd nung una ko syang nakita sa hospital. Anong dahilan nya para sabihan nya ng mga ganung bagay si sir. Sa nakikita ko nga ngayon parang ang ganda pa ng pakikitungo ni sir sa kanya. Aish

Ayesha's Pov

Nagising ako sa sobrang ingay ng paligid ko. Sobrang lakas ng hangin. Bakit may eroplano dito? Tsaka nasaan ako? Akala ko ba ihahatid ako nito pauwi? 

"Ms. Ayesha nandito na po tayo" nandito? Teka hindi dito yung bahay namin. Wag nyong sabihin na sasakay pa ako dyan tapos ihuhulog nila ako mismo sa bahay namin. Jusko hindi pa po magaling yung naopera sakin.

Bumaba nalang ako. Medyo kinakabahan ako kasi parang ang weird bakit may eroplano. Baka display lang?
Nakita ko namang bumaba ng eroplano si Gio. Wow! Ang pogi nya ihh! Naka sweat shorts lang sya and plain vneck shirt tapos naka slipper lang. Ang kyuti nya tignan. Ang simple

"Gio!" Sigaw ko at saka ako lumapit sa kanya. Nagulat nalang ako at bigla nya akong yinakap. "A-aray" napangiwi ako dahil sa sakit ng likod ko. Natamaan kasi ni gio yung tahi dahil sa pagkakayakap nya sakin

"Sorry" kumalas sya sa pagkakayap sa akin at saka ako hinawakan sa magkabilang balikat. "How are you?" Tanong nya sa akin. "Oh namumula ka. Are you okay?" A-ako namumula? Mas lalo akong nagulat ng hawakan nya ang mga pisngi ko.

Oh god! Ang lakas lakas naman ng hangin dito pero bakit pinagpapawisan ako.

"Ah hehe wala" medyo yumuko ako para hindi nya makita yung lalong paginit ng mga pisngi ko. Bakit ako namumula? Bakit ako pinagpapawisan at Bakit ako kinikilig?

___________________________

I think malapit na ako sa kalagitnaan. Hahahaha idk. Siguro lol.

Paano kaya ako makaka survive dito? Malapit na ang pasukan. Oh god help me!!

          VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon