Chapter 44: Drunk

105 2 0
                                    

Ayesha's Pov

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta, basta ang sabi ko lang sa driver ng taxi na sinakyan ko eh dalhin ako sa lugar kung saan pwede kong ilabas lahat ng sama ng loob ko.

Ayokong paniwalaan lahat ng sinabe ni gio, ayokong isipin na plano lang lahat ng 'yon. Alam kong nagbibiro lang sya dahil sa nakikita ko parang nasasaktan din sya sa mga sinasabi nya. Bakit ba ang unfair ng mundo? Kung kaylan nagmahal nako doon naman magiging komplikado ang lahat. Pano na ngayon?

"Ma'am nandito na po tayo" nilibot ko ang paningin ko at puro bar na magkakahelera ang natatanaw ko.

"Ha? Kuya anong gagawin ko dito?" Ngumisi lang si manong driver at saka humarap sakin.

"Diba po gusto nyong makapaglabas ng sama ng loob?" Tumango ako bilang sagot "Dito po ang tamang lugar para sa lahat ng problema nyo"

"Hindi naman po ako marunong uminom ng alak kuya" totoo naman kasi, never pa akong nakatikim ng alak at wala akong balak tumikim ng alak.

"Try nyo maam, malay nyo makatulong" nagdadalawang isip nako kung tutuloy paba ako o hindi nalang. Pero nandito nako eh at tsaka gusto ko talagang makalimot.

"Sige po kuya, itatry ko" nagabot nako ng bayad kay manong driver at saka na ako bumaba ng sasakyan. Ang daming taong naglalakad sa daan, may mga babaeng halos kita na ang kaluluwa dahil sa suot nila. Ano bang klaseng lugar to?

"Razz Bar, Edg Refreshment, Star KTV" bulong ko sa sarili ko habang binabasa isa isa ang mga pangalan ng mga establisyamento dito. Mukhang masaya dito, nakakaengganyong pumasok dahil puro ilaw at tugtugan katulad nuong bar ni Mr. Chan.

Pumasok ako sa isang bar at agad na nagtungo sa bilihan ng alak. Ang ingay, ang daming tao. May mga lasing na at meron na ding naghahalikan, pero ang mga tao wala silang pake dahil kasiyahan lang ang tanging nasa isip nila. Ganito ba ang paraan ng paglimot nila dito?

"Kuya bigyan mo ako ng alak" medyo pasigaw kong sabi sa lalaki. Ang ingay kasi talaga dahil halos hindi na kami magkarinigan dahil sa lakas ng tugtog na siguradong mapapaindak ka talaga.

"Anong klaseng alak po?" May mga klase paba ng alak? May alak bang nakakagaling ng sakit? Kasi ang alam ko lang na alak ay yung nakakalasing.

"Yung alak na sure na makakalimot ako" sagot ko dito. Tumango lang ito at saka na nagpaikot ikot ng bote sa harap ko. Nakakamangha dahil hindi natatapon ang laman nito at hindi din nababasag. Sa tingin ko ay propesyonal na sya sa gawain nya.

"Here's your drink maam. Enjoy!" Iniabot nito ang isang baso ng kulay blue na alak. Maliit lang ang baso pero amoy na amoy talaga ang tapang ng alkohol. Grabe kayanin ko kaya 'to?

Dere-deretyo kong ininom ang alak at napasigaw nalang ako dahil sa tapang na taglay nito. Gumuhit sa lalamunan ko ang pait at lamig. Grabe! Ang saraaaap!!

"Kuya bigyan mo pa ako" sigaw ko sa bartender. Tumango lang sya at saka ulit nagpalipad ng mga bote. Ang galing nya, ang sarap nyang panuorin

"Hey!" Bigla namang may sumulpot na lalaki sa gilid ko. Gwapo sya, maganda ang hubog ng katawan at mapupula ang mga labi. Pero hindi nya parin mapapantayan ang kagwapuhang taglay ni gio.

"Gio" bigla nalang itong lumabas sa bibig ko habang nakatitig ako sa lalaki. Tumawa lang ito at saka nagtatakang nagtanong sa akin.

"Who's Gio?" Tanong nito pero umiling nalang ako bilang sagot at saka na ininom ang alak na inilapag ng bartender sa harapan ko. Napasigaw nanaman ako dahil sa tapang nito. Ah! Nakakadalawang tagay palang ako pero nahihilo nako. "Two more" sabi ng lalaki sa bartender.

"Hi, Im angelo" iniabot nya ang kamay nya pero hindi ko iyon kinuha. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa at saka ko na ulit ibinaling ang atensyon ko sa bartender. "Sorry for disturbing you miss masungit. I guess nagiisa ka lang" hindi ko parin sya pinapansin. Hindi naman kasi kami close.

"What's your name?" Tanong nito sakin. Ang kulit nya, ganito ba talaga mga tao dito? Habang hindi mo pinapansin mas lalong nagpapapansin?

"Ano bang pake mo?" Sagot ko dito. Sorry ha kung nagsusungit ako pero hindi ko talaga gusto yung presensya nya. Nakakairita talaga.

"Nothing, i just find you interesting. You're beautiful" inirapan ko sya at saka ulit ininom ang alak na nasa harapan ko.

"Thankyou!" Sarkastiko kong sagot. Tumawa lang sya ng bahagya at saka lumapit sa akin. Yung mas malapit sa malapit.

"Ang sungit mo naman" hindi ko na sya pinansin pa at uminom nako ng uminom ng alak. Medyo nahihilo na din ako at umiikot na ang paningin ko.

Gio's Pov

"One more shot bro, tataob na 'to" sabi ng kausap ko sa kabilang linya.

"Okay, you know what your next move?" Mahina lang ang pagkakabanggit ko nuon dahil katabi ko si penny, ayoko syang magising dahil ayokong makita nyang aalis ako.

"Of course, may kapalit to ha?" rinig ko ang ingay at sigawan sa kabilang linya. Sigurado akong nageenjoy na 'tong mokong na to.

"Hahaha! Aba syempre! Ano bang gusto mo? Yung may batik o pure breed?" sagot ko.

"Hahaha gago! Babae ang hinihingi ko hindi aso" natawa naman ako dahil sa kalokohan naming dalawa. Wala talagang pinagbago.

"Okay hahaha" at saka ko na pinutol ang linya.

Yes pinasundan ko si ayesha, ayoko syang mapahamak. At yung paguusap namin kanina sa rooftop? Lahat ng yun kasinungalingan lang. Alam nyo naman kung gaano ko kamahal si ayesha diba? Gagawin ko lahat para sa kanya, but i have a reason kung bakit ko iyon nagawa.

Kinausap ni jd si dad. Napakautak talaga ng lalaki na yun, binantaan nya ang daddy ko na pababagsakin nya ang kumpanya namin kung hindi ko lalayuan si ayesha. Ayokong mangyari yun syempre at ayoko din namang layuan si ayesha, hell no! Why would I? Kung sigurado naman na akong mahal na din ako ni ayesha.

Sinadya kong saktan si ayesha, ipapamukha ko sa kanya na hindi ko sya mahal kahit na sa totoo lang mahal na mahal ko talaga sya. I ask ate riya to help me. Nagkasundo kami sa ganung bagay. At humingi na din ako ng tulong kay angelo.  Walang alam si dad na may plano kaming ganito dahil alam ko namang hindi sya sasangayon.

Now I'm just waiting for ayesha to fell asleep. Para sa last move ko.

__________________________________________

More chaps to goo!! Enjoy reading and don't forget to..

               VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon