Chapter 19: Feelings

332 6 0
                                    



Gio's Pov

Kanina pa ako pagulong gulong sa kama ko at hindi padin ako makatulog. Kaya nagpasya nalang ako na magtingin ng mga pictures ni Ms. Ayesha sa cellphone ko.

Habang tinitignan ko ang picture nya na kuha sa isang park bigla nalang akong napangiti. Ang ganda nya kasi talaga lalo na kapag nakasmile sya. I don't know. It's just that Ms. Ayesha is one of a kind.

She's charming and gorgeous. Kaya I don't wonder kung bakit si Ms. Ayesha ang napili ni Mr. Chan para kay Sir jd. Pero tungkol sa bagay na yun, alam na kaya ni sir jd ang totoong pagkatao ni Ms. Ayesha.

Iniscroll ko pa ng iniscroll ang ibang mga picture ni Ms. Ayesha at hindi parin maalis ang ngiti sa mga labi ko. Hindi ko maitanggi na kahit sa napakaikling panahon nagkaron na agad ako ng nararamdaman para sa kanya.

Yung personality nya. Yung ugali nya at yung paraan nya ng pakikitungo sa mga tao. Bonus nalang ang kagandahan nya at ang talent na meron sya na hindi ko pa nakikita.

Kung naging ako siguro si Sir jd papakasalan ko na talaga si Ms. Ayesha hindi para makaganti sa ex ko. Kundi dahil sa nararamdaman ko para sa kanya.

Damn Ms. Ayesha you're driving me crazy and i love being crazy.

Ayesha's Pov

Alasdos na ng madaling araw pero hindi pa din ako makatulog. Nagugutom kasi talaga ako, nagkalkal na ako sa mga dala naming gamit pero wala talagang pagkain. Hindi ko naman magising gising si Jd dahil ang himbing na ng tulog. Si Gio naman nasa kabilang kwarto at sigurado akong nasa kalagitnaan na din sya ng tulog nya.

"Ang likot mo" nagulat ako ng biglang magsalita si jd. Nakatalikod sya sa akin at nakayakap sa unan nya. Ni hindi din sya nagkukumot. Ang lamig lamig pa naman dahil naka todo ang aircon.

"Sorry" tumalikod na din ako sa kanya at saka nagtalukbong ng kumot.

Ah kumukulo na yung tyan ko. Konti lang kasi ang nakain kong hapunan kanina dahil nagpumilit si Jd sa japanese restaurant kaya wala kaming nagawa ni Gio kundi ang kumain na lang din.

Humarap ako kay jd na mahimbing nanamang natutulog. Gigisingin ko na sya dahil hindi ko na talaga kayang tiisin ang gutom ko.

"Jd" umupo ako at saka umurong papalapit sa kanya. Yinugyog ko pa ang balikat nya.

"Hmm" ungol lang ang sagot nya. Nakakakonsensya naman dahil kaylangan ko pang mangabala ng tao para lang makakain.

"Uy jd" unti unti nyang minulat ang mata nya at saka parang inis na tumingin sa akin.

"Why?" Tanong nya. Pinalo nya pa ang unan na yakap yakap nya kanina at saka iyon inipit sa pagitan ng kanyang mga binti.

"Nagugutom kasi ako" hinawakan ko pa ang tyan ko na kanina pa nagmamarakulyo.

"Seriously ayesha? Gigisingin mo ako para lang dyan sa gutom mo?" Tumalikod sya ulit sa akin at saka nagumpisa nanamang matulog.

"Sige na jd" pangungulit ko. Gutom na gutom lang talaga ako. Kung hindi lang talaga ako nakakaranas ng gutom ngayon hindi ko sya pipilitin.

Hindi padin sya sumasagot. Nagtalukbong pa sya ng unan sa ulo. Hay nako Mr. Jake David Almonte wala ka talagang puso.

"Please darling?" Nakita ko pa syang gumalaw at unti unting binaba ang unan sa ulo nya. "Sige na gutom lang talaga ako darling" humarap sya sa akin at saka sya nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

"Fine" tumayo sya at saka naglakad papasok ng cr. Nuon ko lang napagtanto na nakaboxer short lang sya at naka statement shirt na may nakalagay na "Anti Social" tss. Bagay sa kanya yung nakasulat sa damit nya. Kj nya eh

"Pumapayag na sya?" Bulong ko sa sarili ko. Oo nga fine nga daw eh syempre pumayag sya.

Napapansin ko sa tuwing tatawagin kong darling si Jd pumapayag sya sa hinihingi ko. Ngayon Mr. Jake David Almonte, alam ko na ang kahinaan mo. Wahahaha

"Come on" pagaaya sa akin ni jd. Naka sweat pants lang sya at ganun padin ang shirt. Naka pajama naman ako at naka tshirt din na stitch. Hahanap lang naman kami ng pagkain sa baba kaya okay lang naman siguro kung ganito nalang ako.

"Tara" umalis na ako sa pagkakaupo ko sa kama at saka sumunod sa kanya.

Nang makasakay kami sa elevator ay bigla syang humarap sa akin na para bang sinusuri ang kabuoan ko. Ano bang problema nito?

"B-bakit?" Tanong ko at saka bahagyang yumuko. Nakaka pressure naman kasi yung mga tingin nya sa akin.

"Are you pregnant?" Bigla akong napatingin sa kanya dahil sa gulat. Seryoso ba sya sa tanong nya?

"Ano bang klaseng tanong yan?" Medyo natatawa kong tugon. Grabe naman kasing magtanong to. Ang layo sa katotohanan.

"I have this feeling that you are pregnant" hindi ko na napigilan ang tawa ko at hinahayaan ko nalang iyong lumabas. Nakakatawa naman kasi talaga yung mga sinasabe nya. Saan nya ba napupulot ang mga pinagsasasabi nya?

"What?" Iritadong tanong nya pero hindi parin talaga ako makaget over sa pagtawa.

"Hindi ko kasi alam kung saan mo nakuha ang tanong na yun" natatawa ko paring sagot.

"Look I'm serious. Ganitong oras manggigising ka ng ibang tao para lang makakain. No doubt you're pregnant" nagcross arm pa sya at saka sumandal.

"Look din. Hindi porke naghahanap ako ng pagkain ng ganitong oras eh buntis na ako. Hindi ba pwedeng hindi ako nakakain ng maayos kaninang hapunan dahil ayokong kumain ng japanese food pero wala akong nagawa dahil ikaw parin naman ang masusunod kaya hindi ako nakakain ng marami." Inirapan ko sya at saka tumingin nalang sa number sa taas. Tagal naman kasi makababa nito nasa 5th floor palang kami.

_______________________

Ang pangit na ata ng mga scene. Ewan feel ko lang pero sana suportahan nyo padin 'tong story na to. Promise this year matatapos na to.

Ayan nanaman ako sa promise eh hahaha letse! Pero seryoso yun ah.

          VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon