Chapter 14: Endearments

373 6 0
                                    



Ayesha's Pov

Nakaupo kaming tatlo sa isang sofa dito sa private plane. Pinaliwanag na din sakin ni Gio na utos ni Mr. Almonte lahat ng bagay na itinulong nya sa amin ni mama. Sinabe din ni Gio na safe naman na daw yung pamilya ko sa bago nilang tinitirahan ngayon at tuloy tuloy na din ang paginom ni mama ng gamot para tuluyan nang mawala ang sakit nya. Binigyan din ni Mr. Almonte ng sariling nurse at katulong si mama para may nagaalaga sa kanya. Akala ko hindi na magtatagpo ulit ang landas namin nitong manyak na 'to. Mali pala ako. Maling mali!

Pero nagpapasalamat padin ako kay Mr. Almonte dahil sa mga ginawa nyang tulong sa akin at sa pamilya ko. Ayokong tignan yun bilang utang na loob dahil kapalit naman yun sa mga bagay ginawa nya sa akin.

"Uh Mr. Almonte.." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla syang magsalita.

"Don't call me that way. Your not my client or employee. Your my wife, uh no your my fiancé and soon to be wife" medyo napatungo naman ako dahil sa hiyang nararamdaman ko. Hindi komportable yung feeling. Tumingin naman ako kay Gio at nakatingin din sya sa akin. Mas lalo akong nahiya. Nakakahiya

"Eh ano palang itatawag ko sayo?" Tinignan ko sya at saka sya ngumisi.

"Anything. Im your SOON to be husband naman" anong anything naman ang itatawag ko? Tsaka soon to be husband ibig sabihin ba nun yung mga sweet na tawagan ng mga magasawa? Tulad ng..

"Honey? Babe? Darling? Baby?" Ano ba tong sinasabe ko? Kahihiyan na tong ginagawa ko.

"I hate endearments" eeh. Ano bang itatawag ko. Jake David Almonte lang naman pangalan nya wala ng iba at isa pa ayaw nyang tinatawag ko sya sa ganung pangalan.

"Antipatiks?" Medyo nahihiya kong tanong. Tinignan nya naman ako ng masama. Nakita ko si Gio na para bang nagpipigil ng tawa.

"Manyakis?" Pabulong kong tanong. Ee kung iyan nalang kaya ang isuggest ko papayag kaya sya? Tutal manyak naman sya ih hihi!

"What the hell?!" H-hala! Narinig nya ba yung sinabe ko? Ang hina hina na nun.

"N-narinig mo?" Napapahiya kong tanong. Oh lord! Wag naman. Joke lang naman kasi yun eh!

"Of course! Im not deaf!" Narinig nya nga talaga.

"S-sorry" yumuko ako ng bahagya. Tumingin naman ako kay gio na hanggang ngayon nagpipigil padin ng tawa nya. Napapahiya na nga ako dito nagagawa nya pading tumawa. Akala ko ba mabait sya?

Natahimik kami saglit habang ako nagiisip padin ng itatawag sa kanya. Pigang piga na ang utak ko, wala na akong maisip dahil hindi pa naman ako nagkakaroon ng boyfriend.

"Hindi pa naman kasi ako nagkakaroon ng boyfriend. Hindi ko pa nararanasan ang matawag o tumawag ng endearments na yan. Aishh" bulong ko sa sarili ko. Bakit ba kasi ayaw nya ng Mr. Almonte? Ayaw nya ba nun? Ginagalang ko sya.

"Fine! Call me darling" bigla naman akong napatingin sa kanya.

"Ha?" Hindi ko nagets. Hindi ko magets. Ano bang ibig nyang sabihin na tawagin ko syang Darling.

"Noob" grabe naman to. Alam ko ang ibig sabihin ng noob at hindi ako noob. Oo hindi ako marunong magenglish pero nakakaintindi ako ng english.

Tumayo naman si Gio at saka nagpaalam na kukuha lang sya ng inumin. Ang tagal naman ng byahe namin. Saan ba kasi kami pupunta. Nakakainip kaya.

Gio's Pov

I love seeing Sir Jd with Ms. Ayesha. Hindi man nila nakikita yung future nila together i know that they're perfectly fine as a couple. Bagay silang dalawa.

And about the endearments. Sir Jd and Ms. Carmela use to call each other as what their names are. The darling thingy is such a corni shit. Seriously i was shock. Si Ms. Carmela kasi kahit anong kulit nya kay Sir Jd ayaw na ayaw ni Sir Jd ng mga ganyang tawagan. Siguro nga gusto nya na talagang magmove on at ginagawa nya yun sa kabaliktaran ng mga nagawa nila ni Ms. Carmela.

Nagsalin ako ng wine sa tatlong baso. Mga ilang minuto pa ang hihintayin namin bago kami makarating ng Japan. Ako lang naman ang isinama ni sir sa mga empleyado nya, sabagay executive assistant nga eh.

Nang pabalik nako sa loob nakita ko si Sir JD na tahimik na nakatingin kay Ms. Ayesha na nahimbing na natutulog. Gusto kong itanong sa kanya kung ano yung tungkol dun sa sinabe ni Ms. Ayesha nung time na nakaconfine sya pero wala ako sa lugar para itanong ang bagay na yun.

Nilabas ko muna ang cellphone ko at saka sila pinicturean. Ewan ko ba gusto ko lang icaptured yung moment na ganyan si Sir Jd sa isang babae. Nang matapos ako sa pagkuha ng litrato lumapit ako kay sir.

"Matunaw" pagbibiro ko. Medyo tumawa naman si sir at nagiwas ng tingin. Me and Sir Jd have a great relationship, from being his employee I'm also his friend din. We can talk and act like we're bestbuddys pero kapag oras ng trabaho alam ko kung saan ako dapat lumugar. We're having a good times sometimes. Kapag wala masyadong work.

"Im just securing, baka tumakas eh. Haha" i gave him his glass of wine. Ibinaba ko naman ang isa sa table. Para sana yun kay Ms. Ayesha pero sa tingin ko hindi pa sya pwedeng uminom. Hindi iyun makabubuti sa kanya.

"Ms. Ayesha won't  leave you after all" Sir Jd did so many things to them especially to her mother. Siguro mahihiya na syang iwan si Sir Jd dahil sa mga natanggap nito.

"Is that so?" Yeah i guess. Sa tingin ko gagamitin ni Sir Jd si Ms. Ayesha para makaganti kay Ms. Carmela. Alam ko ang hirap na pinagdaanan ni Sir Jd nung mga araw na down na down sya dahil sa nangyare sa kanila ni Ms. Carmela.

Ang sabi sakin ni Sir Jd kaylanman ay hinding hindi sya mahuhulog sa isang babaeng bayaran, dahil kaylanman hindi nya ginusto ang babaeng madumi ang reputasyon.

Pero sa tingin ko sa huli si Sir Jd mismo ang kakain ng sarili nyang salita.

__________________________

Okay na siguro to sa ngayon, ang mahalaga makakabawi ako. Sunod sunod nanaman kasi eh! Sabagay deserve nyo naman yun dahil sa pagsuporta nyo!

Maraming maraming thankyouu!!!

          VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon