Chapter 42: Get back

100 2 0
                                    


Jd's Pov

"Kasal na kami! We exchange vows in front of many people, sabihin nyo sakin ngayon kung wala parin ba akong karapatan kay ayesha!" Nagwawala nako sa harap ng mga abogado ko ngayon dahil sinasabi nilang hindi pwedeng palitan ang apelyido ni ayesha unless nagkaron kami ng pirmahan.

"But sir, kahit kinasal na kayo at nagsumpaan na kayo sa harap ng diyos. A contract is still a contract! Hindi nyo po iyon mababago, it also stated there na once na mawala ang kontrata mawawala nadin ang koneksyon nyong dalawa ni Ms. Marcelo" napasabunot nalang ako dahil sa sobrang frustration! I don't know what to do. This is bullshit!

"We're married!!!" That pathetic gio! It was all his fault. Magbabayad sya sa lahat ng 'to, makikita nya!

"There's nothing we can do sir. Lahat kami may copy ng kontrata" napatingin ako sa isa sa nga abogado ko na nagsabi nun. Parang gumaan ang loob ko dahil sa sinabi nyang iyon.

"Iyon naman pala! Pwede nyo naman ibigay sa akin ang isa sa mga iyan para gawing proof" nagsalin ako ng alak sa baso ko.

"But sir, this is just only a copy. Ang kontrata lang po na nasa inyo ang may pirma ni Mr. Chan. This one is not legit" naibato ko ang basong hawak ko dahil sa inis!

"Edi papirmahin nyo ulit sya" sigaw ko rito. Limang abogado ngayon ang kaharap ko at kahit isa rito ay hindi iyon magawan ng paraan.

"Hindi ninyo po ba alam na nagsara na ang bar na pagmamay-ari ni Mr. Chan and he flew to China earlier this morning" ginagago naba ako ng mga 'to?!

"Go away! Y'all are fucking useless! I don't want to see all of you! Mga wala kayong kwenta!" Isa isa silang lumabas, parang sasabog ang puso ko dahil sa galit. Hindi ko maikalma ang sarili ko at wala akong ibang maisip kundi ang sisihin si gio. Sya ang may kasalanan ng lahat ng 'to!

Ilang minuto pa pagkatapos lumabas ng mga abogado ko ay sya namang pagpasok ni laley. Urgh! This hell life! Kaylan ba ako magkakaron ng buhay na katulad dati, walang iniintindi kundi ang trabaho lang.

"Hey hubby!" Agad syang pumalupot sa braso ko at nagpacute na parang bata.

"Get out" mahinahon kong tugon dito. Hindi ko sya masigawan dahil maselan ang pagbubuntis nya.

"But jakie kapapasok ko lang" hinigpitan nya ang pagkakalingkis sa braso ko at parang ayaw ng kumawala nito.

"Will you just please give me 5 minutes, kahit 5 minuto lang. Hayaan nyo muna akong mapagisa" tumingin sya sa akin na parang maiiyak na. Isip bata talaga ang isang 'to.

"Are you still finding ways to make that ayesha girl get back to you?" Tinitigan ko lang sya, hindi ako nagsasalita, ayoko ng humaba ang diskusyon namin na 'to. "Am i not enough to you?" Tuluyan ng tumulo ang mga luha nya. Tsss!

Tumayo ako at naglakad na palabas, ako nalang ang lalayo para makapag isip ng maayos kung paano ulit babalik sakin si ayesha. I want her back.

Gio's Pov

"What happened to you?" Tanong ko kay ayesha na parang wala sa sarili nya at namamaga ang mata pagkabalik dito. Nakatingin lang sya sa kawalan at yakap yakap nya ang mga bote ng tubig na binili nya. "Hey, yesang ko" nilapitan ko sya at hinawakan sa braso. Nagulat naman sya at saka mabilis na inayos ang sarili.

"W-wala, wala" ibinigay nya sa amin isa isa ang mga binili nyang tubig at saka sya umupo.

"Are you sure na okay ka lang?" Tumango sya bilang sagot at saka ako nginitian.

"Kamusta daw si mama?" Nagkibit balikat nalang ako bilang sagot dahil hindi pa naman lumalabas mula kanina ang doctor na tumingin kay nanay elissa.

"You know, I'm always here para samahan ka sa lahat ng pagsubok mo. Gagaling din si nanay elissa, magiging okay din ang lahat. Mawawala din lahat ng bigat ng nararamdaman mo ngayon. Trust me, i will never let you walk alone" niyakap ko sya ng sobrang higpit at naramdaman ko na parang humagulgol na sya sa pagiyak. I cares her back and let her cry and cry hanggang sa mawala lahat ng sakit na nararamdaman nya. "I love you" bulong ko rito.

"I love you more" mahinang sagot nito pero sapat na para kumawala nanaman ang puso ko. Shit this feeling. I like this feeling! I want this!

__________________________

Huhu lapit na matapos :(

         VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon