Chapter 31: A Dream

289 8 1
                                    


Gio's Pov

"Sorry the number you have dialed is now unattended or out of coverage area, please try your call later... *toot toot toot*"

Magaanim na oras ko nang naririnig ang mga salitang yan and until now ayesha is out of reach and that damn is now making me uneasy. Sinubukan ko ding tawagan si nanay elissa pero ang sabi niya, hindi nya daw napansin na umalis si ayesha sa bahay nila.

Bawat pag dial ko sya namang bilis ng pagtibok ng puso ko at lalong pagaalala sa kanya. Hindi ko na matiis to at dali dali akong umalis para puntahan ang bahay nila.

Nang makarating ako ay dali dali kong tinanong si fatima na sya namang una kong nakita sa garden nila.

"Fatima, nakita mo ba si ayesha?" Pinilit kong kalmahin ang sarili ko dahil ayoko silang magalala sa nangyayari.

"Kanina pa pong umaga umalis sir. Sinundo po sya ni sir jd" what? Jd? Wala namang sinabe sakin si ayesha na may lakad sila ng mokong na yun.

"San daw sila pupunta?" Nagpipigil nako ng inis dahil may nabubuo ng hindi magandang pangyayari sa likuran ng utak ko.

"Sorry sir hindi ko po alam eh, basta nakita ko po sila kaninang tanghali. Hatak hatak po ni sir jd si maam ayesha at pinipilit po ni sir jd na papasukin si maam ayesha sa kotse nya tapos mabilis po silang umalis." Naknang putcha naman talaga. I knew it! Sana lang mapanindigan ni jd ang ginawa nyang pagtakas kay ayesha dahil oras na may mangyaring masama kay ayesha o matunton ko sila kung nasan sila hindi nako magdadalawang isip na ilayo si ayesha sa kanya.

Hindi nako sumagot kay fatima at agad na din akong lumabas ng gate at sumakay sa sasakyan ko. Ngayon hindi ko alam kung saan ko sila hahanapin. Pakshet talaga! Magdidilim na din. Sinubukan ko pang i-dial ulit ang phone ni ayesha pero wala talaga. Yun at yun lang din ang naririnig ko. Sana lang talaga hindi mapahamak si ayesha sa tarantadong jd na yun.

Jd's Pov

Until now hindi ko parin alam kung saan at kaylan ko ihihinto ang sasakyan na to. Hindi ako makahanap ng magandang lugar kung saan pwede kami magstay ni ayesha. Hanggang ngayon kasi frustrated parin ako sa nangyayari, laley is pushing me to runaway with her company. Hindi ko na talaga maintindihan kung bakit nagkakaganon na sya.

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na isama si ayesha sa mga ganitong pangyayari, pati tuloy sya nadamay sa pagiging frustrated ko. Naguilty din naman ako sa nagawa ko sa kanya kanina, alam ko naman kung gaano kahalaga sa kanya ang cellphone na yun pero hindi ko parin napigilan ang sarili ko dahil na din siguro sa bigat ng nararamdaman ko kanina.

Sorry ayesha, If I have the ability to settle all the things that are broken the first thing that I will fix is your heart. I knew how broke you are and I don't know how to ease all that pain and sadness that you are feeling right now. Ang masama pa don ay isa pako sa mga taong nagpapabigat ng nararamdaman mo. I'm such a coward guy.

Ang himbing ng tulog nya ngayon, ramdam ko sa mga bawat paghinga nya ang hirap, sakit at puot na nararamdaman nya.

Inihinto ko ang sasakyan sa isang resort. Nakaramdam na din kasi ako ng antok. Halos alas nuwebe na ng gabi, nakakapagod din ang bumyahe ng bumyahe ng buong araw. Kumuha ako ng isang room na may king size bed room. Hindi ko na din sya ginising at binuhat ko nalang sya at ipinasan sa likuran ko. Ang bigat din pala ng babaeng to, kahit ang payat nya kung titignan mo pero tumitimbang din pala ng ilang kilo.

"Room 224 po sir, here's the key. Enjoy staying..." Masiglang bati nito. Iniabot ko nalang ang susi at saka ako umalis sa harapan nya. Nagmadali na din akong umakyat ng kwarto habang buhat parin si ayesha. Ang sarap padin ng tulog nya.

Nang makarating kami sa kwarto ay dahan dahan ko siyang inihiga sa kama. Narinig ko naman ang mahina nyang pagungol at saka sya nagiba ng pwesto ng paghiga gamit ang sarili nyang lakas. Tulog mantika talaga.

Hinubad ko nalang ang jacket, sapatos at pantalon ko at saka naghilamos sa cr. This is a very tiring day. Pagkatapos ko ay saka ko pabatong ibinagsak ang sarili ko sa kama at hinayaan nalang ang sarili na mawalan ng malay dahil sa antok

~~~

You're the most unforgettable rain that fell to me but you've gave me the most beautiful rainbow. Ang dami mong itinurong aral sa akin na kaylanman hinding hindi ko malilimutan.

Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko, after so many years of waiting, finally sa ganitong pangyayari din kami hahantong.

We've been through a lot of struggle, sadness, pain and suffer. Akala ko nga hindi na mangyayare ang lahat ng 'to dahil sa mga problema at pagsubok na hinarap natin ng magkasama.

... And now you're walking to the aisle wearing the most lovely dress you've dreaming every single night.

Masaya ako dahil parte ako ng pagdiriwang nang araw na kahit kaylan hinding hindi mo malilimutan.

"She looks beautiful ..." Bulong ko kay young. Tumawa lang sya ng bahagya at saka ako tinapik sa balikat "... please, be good to her. Wag mo syang pababayaan. Mahalin mo sya ng higit pa sa pagmamahal na binibigay nya sayo" dugtong ko at saka ko din tinapik ang kamay nya na nakapatong sa balikat ko. Binigyan naman ako ni young ng isang ngiti kasabay nito ang kanyang pagtango bilang sagot.

Congratulations to both of you, I hope y'all get the true happiness in life.

Masaya ako para sa'yo ..... Ayesha

~~~

Nagising ako dahil sa sikip ng dibdib na aking nararamdaman. Basa din ang gilid ng aking mga mata. Muli kong inalala ang mga pangyayaring iyon.

"... A dream"

________________________

Happy New year!! Luv y'all

VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon