Chapter 41: Unfaithful

118 2 0
                                    

Ayesha's Pov

"Grabe namiss ko 'tong bahay!" Ibinaba ko ang mga bag na dala at saka na nagpaalam sa mga kasambahay namin, binilinan ko sila na huwag sabihin kay jd na lumipat na kami dito dahil ayaw syang makita ni mama at mas lalong gusto ko munang lumayo sa kanya.

"Ee maam paano po kung si sir gio ang magtanong?" Napaisip ako at saka inalala lahat nang nangyari noong gabing iyon.

"Wag mo rin sasabihin" tumango sya at saka na sila umalis. Gusto ko munang maging malaya sa problema. Ayoko munang magkaroon ng koneksyon sa mga mayayaman na yun kahit panandalian lang. Masaya na kami sa ganitong buhay, simple lang at walang gulo.

"Ate ayesha?" Bigla naman akong kinalabit ni kelly. Lumingon ako sa kanya at nakita kong nasa tabi nya si gio. Teka! Diba ayoko munang magkita kami?

"Sorry for coming here" iniabot nya sa akin ang dala nyang flowers at paper bags.

"Para san 'to?" Tanong ko at saka ko tinignan ang laman ng mga paper bags. Damit, wallet, shoes at bags ang laman.

"For making you cry that night. I promise to my self na hindi kita paiiyakin pero nagkamali ako" yumuko sya at kita ko ang sinseridad sa mga kilos nya. Haysss gio!

"Pero tears of joy yun" tumingin sya sa akin na parang nagtataka. Hindi ko mawari pero parang masaya na parang malungkot ang emosyon nya ngayon. Meron palang ganun hahahaha!

"T-talaga?" Tumango ako bilang sagot at nagulat nalang ako dahil bigla nya akong niyakap. Mabuti nalang at medyo nasa loob na kami ng bahay kaya hindi makikita ng mga tsismosang kapitbahay ang pangyayari ngayon.

"Ate! Ate si mama!!" Nabitawan ko lahat ng hawak kong paper bag dahil sa gulat. Dali dali akong pumunta kung saan naroroon sila peypey. Nakita kong nakahandusay si mama sa sahig at wala itong malay. Hindi ko nanaman alam ang gagawin ko!

Dali dali ding lumapit si gio at saka binuhat si mama upang isakay sa kotse nya. Kinuha ko ang wallet at cellphone ko at saka ko hinatak ang mga kapatid ko pasakay ng sasakyan. May ilan pang mga tao ang tumitingin tingin sa amin at nagtatanong kung ano daw ba ang nangyari pero ni isa sa kanila ay hindi ko binigyang pansin. Hindi ito ang tamang panahon para bigyan kayo ng balita. Mabilis na pinaandar ni gio ang sasakyan papuntang hospital, pero napansin kong mali ang dereksyong tinatahak namin.

"Gio hindi ito ang daan" tumingin lang sya sa akin at saka ulit ibinaling ang atensyon sa dinaraanan namin. "Gio ano ba! Sa hospital natin dadalhin si mama!" Hindi sya kumikibo at lalo pang binilisan ang pagmamaneho. "Gio!" Nagulat sya dahil sa malakas kong sigaw, pati si peypey at kelly ay natigilan din sa pagiyak. Kumalma ang pagandar ng sasakyan at mararamdaman mo parin ang bahagyang bilis nito.

"Will you please calm yourself?" Mahinahon pero may diin nitong tugon sa akin. Nakita ko syang huminga ng malalim at saka na nagfocus sa pagmamaneho. Ilang minuto pa ay nakadating na din kami sa hospital, pero ibang hospital to at parang hindi kilala.

Isinugod agad si mama sa ER at naiwan nalang kaming nasa labas. Humanap ako ng canteen o tindahan para bumili ng inumin upang mapakalma ang mga kapatid ko. Hanggang ngayon kasi ay iyak parin sila ng iyak at pilit pinapatahan ni gio ang dalawa.

"Ate apat na mineral water po" tumalikod ang babae at kumuha na agad ng tubig. Pagkaharap nya sa akin ay bigla akong nagulat dahil pamilyar sa akin ang itsura nya.

"Maam ito na po yung tubig" inaalala ko kung saan kami nagkita at kung kaylan dahil hindi ako nagkakamali na sya talaga yun. "Ah hello po" kumaway pa sya sa harap ng mukha ko na para bang inaagaw ang atensyon ko.

Oo sya nga, sya yung babaeng kasama ni papa sa palawan. Pero bakit sya nandito.

"M-ms. Pwede po b-ba akong magtanong?" Hindi ko alam kung itutuloy ko pa o mananahimik nalang. May kung anong bagay na nagsasabi sa akin para alamin yun.

"Yes maam, ano po iyon?" Nakangiting tugon nito. Mukha syang mabait, maamo din ang mukha nya, sa nakikita ko ngayon at sa tingin ko hindi nagkakalayo ang edad naming dalawa.

"Ano pong relasyon nyong dalawa ni Arlando Marcelo?" Derederetyo kong tanong rito, pansin ko naman na parang nagulat sya at bahagyang namula ang kanyang mga pisngi. Ngumiti sya sa akin ng malapad at hindi mo maipinta ang saya na nararamdaman nya ng marinig nya ang pangalan na iyon

"Asawa ko sya" biglang tumibok ng mabilis ang puso ko, nasaktan ako sa sinabi nya. Asawa? Si mama lang ang nagiisang asawa ni papa.

"K-kasal po kayo?" Yumuko sya at mariin na lumunok. Tumingin sya sa akin ng nakangiti pero may bahid na lungkot ang mga mata nya.

"Hindi, pero may anak kami" hindi na napigilan ng mga luha ko at tuluyan na itong bumagsak. Mabilis akong umalis at saka na naglakad palayo, ngayon may mga ilang tanong na ang nasagot sa isip ko pero si papa ang gusto kong makausap, gusto ko parin malaman ang dahilan nya kung bakit nya kami iniwan.

Wala na nga sigurong lalaki ang magmamahal ng iisang babae lang. They're all gone, at kung meron man, bilang nalang sila sa daliri. Nakakalungkot isipin.

__________________________

Sorry for the late update.
Vote, comment, follow nyo ako para magnotif sa akin at mas ganahan akong magupdate. Hihi!

VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon