Chapter 34: Brothers Move

168 4 0
                                    

Ayesha's Pov

"Good morning ayesha. Are you okay?" Tanong ni gio sakin. Gabi na nang makauwi kami ni jd at sobrang nakakapagod talagang bumyahe kaya dumeretyo agad ako sa kwarto para matulog na at magpahinga.

Bigla namang pumasok sa utak ko ang nangyari samin ni jd kahapon. Hindi talaga sya nagbabago. Ganun at ganun parin ang tingin nya sakin. Akala ko after all magbabago na sya dahil iba na ang pakikitungo nya sa akin pero ganun parin pala.

"Hey ayesha" pinatunog pa nito ang kanyang dalawang daliri at saka itinapat sa mukha ko "How's your sleep?" Tanong nito at saka inilapag ang dala nyang pritong mga hotdog.

"O-okay lang" tugon ko at saka nagpakawala nang pilit na ngiti. Sa totoo lang ang sakit ng ulo ko at hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil iniisip ko yung mga sinabe sakin ni jd kahapon. Simula nang sabihin nya sa akin na nakabuntis sya hanggang sa kung paano nya ako akusahan na isang babaeng bayaran.

"Great! Tara upo ka, nagluto ako ng breakfast mo" hinugot nya ang upuan sa harapan ko at saka nito inalok sa akin. Inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay at napansin kong parang walang tao.

"Nasan sila?" Tanong ko rito

"Ah, nagmall sila. Nagaya kasing gumala si kelly since wala naman silang pasok. Pinasama ko na din sila manang para naman makapag enjoy din sila" sinalinan naman nya nang kanin yung platong nakalagay sa harapan ko, sinuklian ko nalang sya ng ngiti bilang pasasalamat na din "Oo nga pala, sabi ni nanay elissa inumin mo daw 'tong gamot" dinukot nya ang isang maliit na kulay asul na tableta sa bulsa nya at saka nya ito iniabot sa akin.

"Para saan to?" Tanong ko, pero isang kibit balikat lang ang sagot nya.

"Inumin mo nalang, para sayo din naman yan eh" umupo sya sa harapan ko at saka nagsimula nang kumain. Ginaya ko nalang sya dahil nagugutom din naman na ako.

"Wow ang sarap ah" totoo talagang napakasarap ng luto nya, sinangag palang parang sapat na kahit hindi na magulam.

"Talaga ba?" Tanong nito at saka ngiting ngiti na tumingin sa akin. Tumango nalang ako ng ilang ulit bilang tugon dahil punong puno ang bibig ko. "Easy, mabulunan ka nyan hahaha"

"Ong shorop koshi tologo" tumawa nalang sya ng tumawa to the point na nabulunan na sya at dahil dun sya naman ang tinawanan ko. Nagtawanan nalang kami hanggang sa makatapos sa pagkain, ewan ko! Isipin nyo nalang baliw na kaming dalawa.

Peypey's Pov

"Ma, uwi na tayo" ang sakit na din kasi ng mga binti at kamay ko dahil sa pagiikot dito sa mall. Ang dami na din naman naming napamili at siguro aabot na 'to sa isang buwang supply ng damit ko.

"Nako anak, hindi pa tayo pwedeng umuwi. Hindi pa nauubos ang perang ibinigay ni kuya gio mo sa atin" pinakita sa akin ni mama ang pouch na hawak nya. Hindi pa nga nauubos at talagang marami pa.

"Ma, dun tayo oh! Daming laruan" tinuro ni kelly ang isang toy store. Agad naman nila iyong pinuntahan, wala naman akong nagawa at saka sumunod nalang.

Nakakita ako ng isang lamesang maliit sa gitna ng store. May laruan itong nakakalat sa sahig at meron din naman sa lamesa. Nagpaalam ako saglit kay mama para umupo dun at para malibang na din habang nagpapahinga at naghihinatay sa kanila. Umupo ako ng parang naka Indian seat at saka nilaro ang ibang laruan na nakakalat sa sahig. Napukaw agad ang atensyon ko ng bloke blokeng maliliit na kahoy na nakatayo na parang gusali. Akma ko sanang kukunin ang isa sa gilid nito ng biglang may magsalita sa likuran ko.

"Tataob yan kapag dyang part ka kumuha" tumingila ako para makita ang nagsalita. Isang lalaking maputi na may maamong mukha. Ow shet! Ang pogi nya te!!!

"Ah hehe" yan nalamang ang salitang lumabas sa bibig ko. Umupo sya sa harapan ko at saka nag indian seat din.

"Hindi kaba marunong maglaro ng jenga?" Tanong nito at saka hinawi ang ibang laruan na nakakalat sa table.

"Hi-hindi eh" nahihiyang tugon ko rito. Ngitian nya naman ako ng napakalapad at saka umayos ng upo. Hinawi nya ang makikintab nyang buhok na humaharang sa kanyang mga singkit na mata at saka deretyong tumingin sa akin.

"Jenga is a game of skill and strategy. In the game, you build a tower, move the pieces and hope that you aren't the one who makes it fall. Dahil kapag natalo ka may consequences yun" napalunok naman ako ng madiin ng bigla syang ngumisi sa akin. God bakit ganun pinagpapawisan ako ng malagkit, ang lakas lakas naman ng aircon dito. "Let's try it?"

"Sige! Madali lang naman pala eh" tumawa naman sya ng malakas at saka tumingin sa akin nang nakakaloko.

"Let's see" nagkibikit balikat sya at saka seryosong tumitig sa akin. Okaaaay! Bigla akong kinabahan dun ah

Lumipas ang ilang minuto at ako ang laging natatalo. Since may consequences nga daw yun kung ano ano ang ipinagawa nya sa akin. Ako na din ang kusang umayaw dahil ang unfair na nang laban dahil ako nalang lagi ang natatalo. Parang nadadaya na ata ako.

"Tama na, ayoko na! Lagi nalang akong talo eh. Ang unfair kaya" tumayo ako at saka nagpagpag ng pantalon. Hahanapin ko na sila mama at aayain ko na silang umuwi.

"Wait Ms. Laging talo. I do not know your name yet" dali dali syang tumayo at saka lumapit sa harapan ko.

"Kaylangan paba?" Tanong ko rito. Tumango naman sya at saka inalok ang kaliwa nyang kamay.

"Im Giyan Young, you are?"

"Faye, Amisha Faye Marcelo" tugon ko rito at saka ako nakaipagshake hands. Gosh! Ang lambot ng kamay, parang babae.

________________________

Beginning of pagbawi sa lahat ng araw na hindi ako nakapag update on time!

Enjoy reading!

VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon