Chapter 47: Masakit

111 4 0
                                    

Ang chapter na ito ay rated spg! Uulitin ko. SPG!

Ayesha' Pov

Nagising ako dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko, ang sakit ng ulo ko at parang hindi ako makagalaw ng maayos. Inalala ko lahat ng nangyari kagabi, grabe nakakahiya pala yung ginawa ko. Naalala ko pa yung pagiyak ko, pagsigaw ko at pagtawa ko ng malakas. Pati yung pagsayaw ko kasama si angelo.

Oo nga pala nasan na yung angelo na yun? Hindi man lang ako nakapag pasalamat sa kanya dahil sa pagalalay nya sakin kagabi. Pero teka, paano ako nakauwi?

Inilibot ko ang paningin ko sa kisame, hindi ito ang bahay namin. Hindi din ito ang kwarto ko. Nasan bako?

"G-gio? Aaaaaah!!" Bigla akong napatayo dahil sa gulat. Wait? Ohmygod! Bakit ako nakahubad, bakit kami nakahubad?

Dinampot ko lahat ng bagay na pwede kong mahawakan para maitakip sa katawan ko.

"Ayesha" tinatry nya akong pakalmahin at paunti unti nya akong nilalapitan pero bawat paglapit nya naman ay sya namang paglayo ko.

"Wag kang lalapit!" Ibinaba ko ang tingin ko sa katawan nya at nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko. Napalunok ako ng mariin dahil mas lalong bumaba ang tingin ko sa..

"Ayesha" tawag nya sa pangalan ko. Napatingin ako sa kanya at para syang natatawa dahil sa reaksyon ko.

"Anong ginawa mo sakin? B-bakit ako.. Pano?" Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil may nabubuo ng konklusyon sa isip ko. Putek! Hindi pwede, hindi maaari!

"Will you please calm down?" Maawtoridad nyang sabi sa akin. Huminga ako ng malalim at saka umupo sa kama. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kumot na nakabalot sakin.

"Wag mo akong hahawakan, pag lumapit ka sakin sisigaw ako ng rape" itinaas ko ang isang kamay ko para ipang harang sa kanya na para bang nagsesenyas ng stop.

"Okay" nakangiti pa ang loko.

"M-may nangyari ba s-satin kagabi?" Halos hindi ako makahinga ng banggitin ko iyon. Hindi ko alam ang nararamdaman ko dahil hindi ito ang bagay na pinangarap ko para sa amin ni gio. Hindi ngayon, hindi pa sa ngayon.

Tumango sya bilang sagot, napatakip naman ako sa bibig ko dahil sa gulat. Aaargh! Bakit ba kasi ako nagpakalasing.

"Ang kapal ng mukha mo! Matapos mo akong saktan at gamitin? Ngayon.. aaaargh!!! Giooooo!" Hinampas hampas ko ang dibdib nya. Sinasangga nya ito at sinusubukan nya akong pigilan.

Dahil sa pagkakalakas ng pwersa ko sa paghampas sa kanya bigla syang umilag dahilan para tumumba ako at tuluyan ng mapahiga sa kama. Tumambad sa kanya ang katawan kong wala na ngayong saplot na kahit ano.

Bigla kaming nagkagtitigan ni gio. Napahinto kami saglit at parang biglang tumigil ang oras. Shete! Sobrang kaba ang nararamdaman ko parang hindi ko magawang igalaw ang mga braso at binti ko dahil sa nakakatunaw na titig ni gio sa mga mata ko.

"Hindi ko nakita, wala akong nakita. Takpan mo na yan habang nakatingin pa ako sa mga mata mo" dali dali akong napabalikwas at saka nagkumot ng katawan.

"Aiish! Manyak!" Sigaw ko, seryoso lang sya at saka dahan dahang umupo sa tabi ko. Tatayo na sana ako pero bigla nya akong pinigilan at hinawakan sa braso

"Ayesha.." Napaupo ako sa tabi nya at wala nakong nagawa kundi umupo nalang. "Ayesha sor..." Hindi nya naituloy ang sasabihin nya ng bigla ko syang sampalin.

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon