Chapter 11: First Love

407 6 0
                                    


Ayesha's Pov

Isang araw na ang nakakalipas simula nang maoperahan ako. Buhay na buhay pa ako. Sinabe na sakin nang doctor na inayos daw nila yung pumaling kong buto sa likod kaya pala masakit yung likod ko nun.

Wala nang ibang dumadalaw sa akin kundi yung lalaking naka black tuxedo. Chinecheck nya lagi kung okay ako. Minsan nga tinry kong tanungin sya kung anong pangalan nya at bakit nya ginagawa yung bagay na yun pero ang sagot nya, utos lang daw sa kanya lahat. Hindi ko naman maintindihan yung 'lahat' na sinasabe nya kasi wala naman syang ibang ginagawa kundi puntahan ako dito at tanungin kung kamusta ako. Pwede na din daw akong makalabas ng hospital bukas after icheck kung okay na yung tahi ko sa likod. Feeling ko magpepeklat to.

At ngayon iniisip ko padin yung mga napanaginipan ko nung araw na inoperahan ako. Namimiss ko na si papa. Isa't kalahating taon na din nung iniwan nya kami at hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang dahilan kasi ayaw naman sabihin sakin ni mama, oo nga pala speaking of mama. Kamusta na kaya sila?

Si mama, peypey at kelly. Tatlong araw ko na silang hindi nakikita. Gusto ko na silang mayakap at makita. Pagnakalabas ako dito sa hospital uuwi talaga ako. Hindi pwedeng hindi mangyari yun. Feeling ko hindi ako magiging okay kapag hindi ko nakikita ang mga lakas at mga kahinaan ko at sila yun.

"Okay ka na?" Tanong nanaman nung lalaki. Bigla bigla nalang kasing pumapasok tong kumag na to. Nawiweirduhan na nga ako sa ginagawa nya eh. Ewan ko ba nakakatakot lang kasi, tignan mo ha hindi ko sya kilala, pero ewan ko lang tapos halos oras oras tatanungin nya kung kamusta ako.

"Nangangalay ako" dumaing na ako this time kasi naman ayoko nang sabihin na okay ako kahit sa totoo lang ang hirap hirap humiga ng may tahi sa likod. Konting maling galaw mo lang pwede nang bumuka yung tahi kaya mukha akong istatwa dito.

"Okay then" tipid nyang sagot at saka lumabas. Wow lang talaga ha! Ganun sya kaconcern. Basta malaman nya ang sagot ko umaalis na agad sya. Ang creepy talaga.

Bigla namang may pumasok na lalaking nurse. Ang pogi nya. Medyo namula yung pisngi ko. Ang harot ko lang talaga pag nakakakita ako ng cute na lalaki. Ang sarap nilang titigan, hindi nakakasawa.

"Kamusta na po pakiramdam nyo mam, gusto nyo po bang maglakad lakad muna sa labas?" Alok nya sa akin. Bigla naman akong napangiti kasi halos buong araw kahapon akong nakahiga at walang kausap. Hindi kasi ako dinadalaw ni michelle. Bakit kaya?

"O-oo naman!" Naeexcite ako na parang batang first time na maglalakad. Grabe talaga feeling ko hindi na nagfufunction yung paa ko kasi nastock sya ng buong araw.

Lumapit sakin yung nurse at inalalayan nya akong tumayo. Napaaray naman ako kasi biglang kumirot yung tahi sa likod ko, pero hindi ko masyadong pinahalata kasi baka hindi nya na ako samahan lumabas at pahigain nanaman ako dito buong araw. Nakakaboring.

"Uh nurse" tawag ko sa kanya. Naglalakad kami dito ngayon sa hallway sa labas ng hospital. Ang sarap ng simoy nang hangin, puro halaman ang madadaanan mo. Tahimik ang paligid at huni ng ibon at agos ng tubig sa fountain lang ang maririnig mo. May ganito pala dito. Nakapwesto kasi sya sa likod ng hospital, yung harap kasi maingay tapos mausok dahil sa mga sasakyan.

"Yes po mam?" Tanong nya. Ang sexy ng boses nya. Nakakawindang, nabulabog ang pagkababae ko charot!

"Kilala mo ba yung lalaking laging bumibisita sa kwarto ko?" Nacucurious talaga ko. Yung mysterious guy na yun masyado nang nakakatakot. Baka mamaya nagkukunwari lang syang concern sakin pero ang totoo may gagawin pala syang masama na hindi ko alam.

"Ah si Mr. Gio po. Hindi nyo po sya kilala?" Gio? Narinig ko na yan eh. Parang teka...

"As in Gio Young?" Oo nga si Gio Young. Baka sya yung tumulong kay mama. Naka black tuxedo din daw yun.

"Opo mam" sabi na nga ba eh! Pero bakit nya ginagawa yun? Tinutulungan nya kami. Anong dahilan nya?

"Weh?" Nagfeeling unconvince ako. Pero totoo nga talaga? For real? Gio Young?

"Ah mam may boyfriend na po ba kayo?" Bigla akong nagulat sa tanong nya. Bakit naman nya natanong yun. Ang uncommon naman para sa ganitong usapan. Nandun lang kami sa Gio Young thingy tapos ipapasok nya yung boyfriend topic. Anyareh?

"NBSB to tol!" Sagot ko habang natatawa pa. Proud ako no! Kahit sa iba nakakahiya yun kasi iisipin ng iba walang nanliligaw pero para sa akin nakakaproud. Basta proud lang ako.

"T-talaga mam? First love?" Bigla ko naalala si patrick. Yung first love ko huhu! Pero move on na ako sa kanya kasi halos ilang years na din ang nakakalipas. First year high school ako nung nainlove ako sa kanya at ngayon 2nd year college na ako na ikakasal na soon. Huhu sakit isipin.

"Meron kaso matagal na yun. Move on na ako" medyo natawa sya ng bahagya. Pero sumeryeso din yung mukha nya. Ang weird mo din po kuya.

"Nasan na po sya ngayon?" Alam ko naging bakla sya after namin ng 3rd year naglantad na sya ng totoo nyang anyo. Nung una ang sakit sa feelings pero tinaggap ko nalang at naging magbeshy kami tapos ngayong college hindi ko na sya nakikita at nakakasama. Nagtatrabaho na pala sa bar ang gaga.

"Bakla na sya eh" may halong disappointment kong sabi.

"H-ha?! Bakla? Hahahahaha!" Aba't tinawanan ako. Bwisit naman to!

"Kainis ka! Wag mo nga akong tawanan" hinampas ko sya sa braso. Syete tigas ng biceps beh! Nanlambot ako bigla

"By any chance po ba mam tatanggap kayo ng manliligaw nyo?" Manliligaw? Hindi ko ata alam ang word na yan. Hindi pa ako nakaexperience in my whole life.

"Hindi na pwede, ikakasal na kasi ako" nalungkot ako bigla. Ikakasal ako sa taong hindi man lang ako niligawan ang worst hindi ko mahal.

"H-ha?" Para namang syang nagulat sa sinabe ko. Oo ako din nagulat ako sa bango ng hininga mo. Grabe ka unti unti mo kong tinutunaw.

"Oo, at sa lalaking hindi ko naman gusto" bigla syang huminto. Ang tagal ng titig nya. Tunaw na tunaw na ako.

"P-pano nangyare yun?" Oo nga paano nga nangyare yun? Ewan ko din

"Set up? Dahil sa pera? Kasi binenta ako? Ewan basta alam ko lang ikakasal na ako ano mang oras gustuhin ng manyak na yun" this time hindi lang sya nakatitig nakahawak na sya ngayon sa kamay ko. Chansing kana ha!

Kinuwento ko sa kanya lahat nang nangyare. Feel ko lang talaga magopen up sa iba. Tapos dito pa sa gwapo, pakiramdam ko kahihiyan yung nagawa ko. Ang shunga lang talaga. Sinabe nya sa akin na may karapatan pa din daw akong tumanggi dahil buhay at reputasyon ko ang nakasalalay dun. Pero nasa sa akin pa din naman daw ang desisyon basta nandyan lang daw sya at magaalaga sa akin bilang nurse ko. Sweet haha

Hinatid nya na ako sa kwarto ko at saka binilinang magpahinga muna. Medyo gumaan naman ang pakiradam ko kasi nakalanghap ako ng totoong hangin, hindi nang puro sa tangke lang.  Natutuyo kasi utak ko dun. Nawawala ako sa sarili ko pero joke lang ayoko sa mental.

___________________________

Ano kayang magandang pangalan ng nurse na yun? Papasok na kasi sya sa kwento para manggulo. Hahaha!

Sayang si patrick gwapo pa naman. Baklushy wowow naman pala.

          VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon