Chapter 36: Burn

182 5 0
                                    



Ayesha's Pov

"Saan ang punta mo anak at bakit bihis na bihis ka?" Bungad sa akin ni mama. Nagbihis kasi ako ng desente para magapply ng trabaho. Dadaan na din ako sa school para malaman kung ano naba ang kalagayan ng scholar ko. Naku! Siguradong wala na yun dahil mahigit isang buwan na din akng hindi nakakapasok. Paano ako makakapagtapos ng pagaaral nito

"Magaapply po ng trabaho ma" tugon ko rito habang sinusuot ko ang coat na binigay sa akin ni gio.

"Oh kumain ka muna bago ka umalis" lumapit ako sa lamesa at nagulat ako dahil sa dami nang pagkain na nakahain. Para bang ito na ang huli naming sandali dito sa mundo dahil sa sobrang dami at sobrang masasarap na pagkain ang bumungad sa harapan ko. Napanganga nalang ako dahil nakita ko si Gio na papalabas nang kusina habang dala dala ang isang malaking mangkok na puna nang mainit na sabaw.

"May Birthday ba?" Tanong ko sa kanila

"Goodmorning" bati naman sa akin ni Gio.

"Goodmorning!" Bati ko "Ang dami naman nito" umupo ako sa isa sa mga bangko at saka kumuha ng plato. Hindi nako nagpaligoy ligoy pa at kumuha na din ako ng pagkain dahil gutom na ako't kaylangan ko nang umalis ng maaga dahil baka wala akong mapagapplyan nang trabaho.

"You look beautiful today! Suot mo na rin pala ang coat na ibinigay ko. Bagay sayo" nginitian ko nalang sya bilang pasasalamat dahil puno ang bibig ko ng pagkain. Hehe ang sarap kasi "saan pala ang punta mo?" Nilunok ko muna ang pagkain na nasa loob ng bibig ko at saka uminom

"Magaapply ng trabaho" tinignan ko naman ang wrist watch ko at "teka alas otso na pala" dali dali akong nagayos at tumakbo papunta sa pintuan. Narinig ko pang may sinabe si gio pero hindi ko na iyon naintindihan dahil sa pagmamadali

Dinala ako ni manong driver sa isang job fair. Madaming hiring at ang dami ding applicant, kaso isang rèsumè lang ang nagawa ko kaya isang company lang ang mapagaapplyan ko ng trabaho.

Habang naglilibot ay may biglang pumukaw sa atensyon ko. "Hiring custodian, must be 18 years old and above. Atleast Highschool graduate" blah blah blah. "Sakto!" Nagpasa agad ako ng application form. Tatawagan nalang daw nila ako for interview. Okay naman sa akin ang custodian, sa maliit ka naman talaga dapat magumpisa dahil kaylangan mong makaranas ng hirap bago ka umangat.

Naniniwala kasi ako na hindi lahat ng umaangat sa buhay eh hindi nakaranas ng struggle. Alam mo yun, kasi diba bago ka maging successful kaylangan mo munang dumaan sa mga pagsubok at yun ang nagiging pondasyon mo para maging matatag.

Pagkatapos ko magapply ay dumeretyo na agad ako sa school. Hindi ko alam, sobrang kaba ang nararamdaman ko habang papalapit ako ng papalapit sa school na pinapasukan ko. Patay ako kay mama kung sakaling mawala ang scholarship ko!

Jd's Pov

It's been a while since nagpunta kami ni ayesha sa Zambales at pagkauwi ko wala na si laley sa bahay. Since then hindi ko na sya macontact until now at dahil dun nagalala ako ng sobra, baka kung anong mangyari sa kanila ng anak ko. Pinahanap ko na din sya sa iba kong tauhan at wala parin akong balita.

Alam ko ang takbo ng utak ni laley. If she wants it then she'll make it possible para lang mangyari at makuha nya ang gusto nya.

"Good morning sir! Katatawag lang po ni Ms. Santos. Ready for interview na daw po ang mga applicants natin" bati sa akin nang isa sa mga empleyado ko.

"When?" Tanong ko rito.

"Tomorrow sir. 9:30 am" tinanguan ko nalang sya bilang sagot at saka ko isinenyas ang kamay ko na parang naguutos na umalis na sya.

Bigla namang umilaw ang screen ng phone ko at saka ko nakita ang text message ni gio. Ano naman kayang kaylangan nang lalaking to? Binuksan ko ang inbox ko para basahin ang message nya.

Gio Young (0915-030-7224)
On my way there.

Bakit naman kaya? I thought wala na syang balak magtrabaho sa akin since tha day na umamin syang mahal nya si ayesha. So weird

"Im waiting" reply ko sa kanya. Naghintay pa ako ng ilang minuto at totoo nga. Andito na ang loko.

"So what's up?" Tanong ko rito na parang nakakaloko. Hindi naman sya sumasagot at saka nilapag ang mga papeles sa table ko.

"I quit" maawtoridad na sabi nito.

"Why it took you so long to do that shit?" Ngumisi sya nang bahagya at saka lumapit sa akin.

"We cut ties, now distance yourself" lumayo naman sya sa harap ko at saka tumalikod. "Get the hell out of ayesha's life" may kinuha naman syang kung anong papel sa bulsa nya at saka lighter. Humarap sya sa akin at sinunog ang papel na hawak nito. Binitawan nya ito dahilan para kumalat ang ibang upos at usok sa buong office ko. Mabilis naman itong umalis at saka padabog na isinara ang pinto.

Lumapit ako sa papel at wait what?! Ito yung contract ah? Nagmadali akong lumapit sa lagayan nang mga papel ko at hindi ko mahanap ang contract. How the hell did he got that? Fuck you gio!

__________________________

I'm speechless! Basta ang daming blessings na dumadating sakin sa mga panahon na to.

Salamat talaga sa inyo! I really love you aaaaaaaall!

         VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon