Chapter 45: The plan

94 3 0
                                    


Ayesha's Pov

"Woooh! One more!" Sobrang lasing nako at hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa paginom at pasayaw. Ang sarap pala ng ganitong pakiramdam, masaya ka, malaya at walang iniisip na problema.

"Come on! You got this!" Sigaw ni angelo at saka iniabot sakin ang isang bote ng alak. Habang tumatagal papait ng papait ang iniinom ko pero wala nakong pakealam dahil ang sarap ng ganito. Iniabot ko ang bote at saka ko iyon ininom ng straight! Woooh! Grabe!

"Gioooooo! Akala mo hindi ko kaya ng wala kaaaaa?! Pweeees! Kaya koooo" dahil sa sobrang lakas ng music at ingay ng mga tao halos hindi ko na marinig pati ang sarili kong sigaw. "Malakas akong babae! Kayang kaya kong magisaaaa!" Tumagay pako ng isa, at ng isa at ng isa pa.

"Tama na yan! Lasing kana" pigil sakin ni angelo. Pero hindi ko sya sinunod, ano bang pakealam nya? Buhay ko 'to. Gusto kong magsaya, gusto kong makalimot.

"Sino ka ba ha? Si gio ka ba para pakealaman ako sa mga ginagawa ko?" Tinulak ko sya at saka ako nanghingi pa ng isang baso ng alak. Aaah, umiikot na ang paningin ko.

"Pero kaylangan mo ng umuwi, lasing kana. Tara ihahatid na kita" hindi ko sya pinansin at tuloy lang ako sa paginom. "Friend ako ni gio" napalingon ako dahil sa sinabi nyang iyon. Medyo may katamtaman lang na lakas ang boses nya pero talagang narinig ko iyon ng malinaw.

"Gago?!" Hindi ko alam pero bigla nalang iyong lumabas sa bibig ko. Hindi ako palamurang tao at mas lalong hindi ako masamang tao.

"Seriously, Gio is my friend. My bestfriend" sinamaan ko sya ng tingin at parang pati sa kanya galit nadin ako. Galit ako sa lahat ng tao, galit ako sa mga taong malapit kay gio.

"Pakisabi dyan sa kaybigan mong manloloko. Gago sya! Napakagago nya!" Hindi na napigilan ng luha ko sa pagpatak nito. Naaalala ko nanaman sya, naaalala ko nanaman lahat.

"He has his own reason. May dahilan sya kung bakit nya nagawa yun" nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa umiyak na talaga ako ng tuluyan.

"Anong dahilan ha? Bakit hindi nya sinabi sakin! Sana pinaliwanag nya. Iintindihin ko sya, alam nya yun dahil mahal ko sya. Minahal ko sya at mahal na mahal ko sya." Napayuko ako dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Akala ko ba kapag uminom ka ng alak makakalimot ka? Bakit naaalala ko lahat.

"Mahal ka nya. Maniwala ka sakin" paano pa ako maniniwala kung sya na mismo nagsabi sakin na plano lang lahat ng pinakita nya sakin? Paano pa? Ngayong nasisira na ang buhay ko, paano pa ko tatayo?

"Ayaw ko syang mawala..." Bulong ko sa sarili ko at tuluyan nakong nawalan ng malay..

Angelo's Pov

Tinawagan ko agad si gio ng makita kong nakatulog na si ayesha dahil sa kalasingan. Dinala ko sya sa sasakyan ko at bumyahe na kami papuntang hotel dahil duon ang usapan namin ni gio.

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay ayesha. Nakita ko na sya dati, pero ni minsan hindi kami nagkausap. Naikwento na sya sa akin ni gio pero hindi ko akalaing ganito pala sya kawild at kasungit hahaha!

Mahal na mahal talaga nila ang isa't isa. Naaawa ako kay jd dahil hindi nya makuha ang bagay na iyon sa ibang babae dahil alam kong niloloko lang sya at ginagamit ng mga iyon. Hindi siguro talaga sya kamahal mahal hahaha!

Ng makarating kami sa hotel ay agad ko syang idineretyo sa kwarto at hindi ako nagkakamali. Nandito na agad si gio at nagaabang. Hahaha! Bilis talaga kapag sa babae. Inilapag ko si ayesha ng dahan dahan sa kama dahil baka magising sya. Naghihilik pa amp.

"Salamat bro!" At saka ako tinapik ni gio sa balikat

"Kung hindi lang kita bestfriend baka sa ibang hotel ko na dinala 'to" pagbibiro ko. Pero sinamaan nya naman ako ng tingin. Hala joke lang eh! Masyadong seryoso tong bakla na to. "Joke lang baliw hahaha!"

" Basta salamat ha! Papadala ko nalang sa inyo yung reward mo" bigla naman akong hindi mapakali dahil sa sinabi nyang iyon. Yari naman talaga ako kay dad kapag nalaman nyang naguuwi ako ng babae sa bahay.

"Siraulo! Hahahah!" Nagtawanan kaming dalawa hanggang sa marinig naming nagsalita si ayesha. Tinawag nya ata yung pangalan ni gio. Naks! Patay na patay

"Sure kana ba dyan sa gagawin mo?" Tanong ko kay gio, tumango lang ito bilang sagot at hindi parin nito inaalis ang tingin nya kay ayesha. Naiinggit tuloy ako naknamputa! Wala ba talaga akong true love?

"Desidido nako bro" natawa nalang ako dahil finally. Hindi ko na sya pagiisipang bakla. Wahahaha! Naiinggit nanaman tuloy ako, babalik nga ulit ako ng bar para humanap ng pwede kong makatabi ngayong gabi. Rawr!

"Basta dahan dahan lang ha! Wag mong masyadong panggigilan para lalaki agad" pagbibiro ko at agad naman nya akong binatukan. Mapanakit talaga tong koreanong to.

"Siraulo! Hahahah! Sige na nga lumabas kana" tinulak tulak nya pa ako palabas ng kwarto at hindi nako nakasagot dahil tawang tawa talaga ako sa reaksyon nya. Hahaha! Pulang pula ba naman yung mukha.

Haysss gio! Grabe ka magmahal, ibang klase!

__________________________________________

Nakakaexcite hahahaha!! Gusto nyo ba gawan ko na din ng story si angelo. Feeling ko maganda yung story nya eh! Hahaha

Comment nyo lang kung agree kayo!

              VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon