Chapter 15: Picture

362 8 0
                                    



Ayesha's Pov

"Touchdown Japan!!!" Sobrang saya! Excited akong gumala. Buong buhay ko pinangarap kong makapunta sa ibang bansa para magtrabaho pero ngayon nandito ako para mamasyal. Hindi ako makapaniwala. Sobrang ganda pala dito sa personal.

"Easy haha!" Saway sakin ni Gio. Nagtatatalon kasi ako dahil sa tuwa. Hindi ko akalain na makakarating ako dito. Kanina nya lang kasi sinabe sakin na dito pala kami pupunta, akala ko nagbibiro sya pero totoo pala.

"Picture tayo!" Sigaw ko. Ayokong palagpasin yung bawat segundo na nandito ako sa Japan. Kinapa ko yung bulsa ko, wala pala akong dalang cellphone. Dumikit ako kay gio para manghiram ng cellphone, inabot nya naman sakin yun at saka kaming dalawa nagpicture. Iba't ibang anggulo, para kaming umiikot. Nagvideo pa ako ng sarili ko

"Hiiii! Nandito kami ngayon sa japan. Kasama ko si Gio" itinapat ko sa kanya ang camera. "Ayan, Hi ka dali" utos ko sa kanya. Nag Hi naman sya sa camera at saka nagsmile. Ang cute cute nya. Ibinalik ko naman sa mukha ko ang camera "at saka yung isang masungit dun na nakasimangot" turo ko kay Jd at saka ko itinapat ang camera sa kanya. "Ayaw mamansin"

"Ms. Ayesha gusto mo magpicture tayo dun?" Pagaalok sakin ni Gio at saka itinuro ang isang istatwas ng aso. K-kilala ko to eh, napanuod ko sya sa tv. Hindi ko lang talaga matandaan ang title ng movie kung saan ko sya nakita. Pero kilala ko talaga sya.

Inistop ko na ang video at saka lumapit kay Gio. Nakatayo na sya ngayon malapit sa istatwa ng aso. Ang ganda ganda dito sa japan. Ang linis ng paligid at ang puputi ng mga tao. Ang ganda ng mga puno at hindi masyadong mausok. Siguro ang sarap sarap tumira sa lugar na to.

"Say cheese!" Sigaw ni Gio at saka sya ngumiti. Nag peace sign naman ako at ngumiti ng napakalapad. Nang pindutin nya ang click button nagtataka kaming dalawa kung bakit may nagbibilang na number sa gilid ng screen. "Hahaha! Nakavideo!" Sigaw ni Gio.

"Ay ano ba yan!" Pinaghahampas ko sya sa braso at saka tumawa. Ang saya saya nya kasama, hindi tulad nung isang pogi na masungit. Hindi man lang namamansin. Hindi ba sya masaya na nandito sya sa japan pero sa bagay baka sanay na syang magpabalik balik dito. Imposible nga namang first time nya, sa dami nyang pera na yan. Ay nako tss tss tss.

"Ms. Ayesha, pagnagpupunta kami dito ni Sir Jd ang una naming ginagawa ay magrelax. The best kasi ang hot spring dito, kaya kapag gustong magrelax ni Sir Jd dito ang punta nya sa japan" ah so ilang beses na silang nakapunta dito. Parang ginagawa lang nilang QC to Makati ang Japan to Philippines grabe. "Gusto mo bang itry?" Alok nya sa akin. Naexcite naman ako bigla sa sinabe nya. Hindi ko pa nararanasang maglublob sa ganun.

"Sige! Sige! Exited na ako!" Nagtatatalon nanaman ako dahil sa tuwa. Ito na siguro ang pinakamasayang araw na nangyare sa buhay ko. Natupad na ang pangarap ko at sobra sobra pa ang nangyayare ngayon kesa sa inaasahan ko.

"Pero.." Bigla naman akong natigilan sa pagtalon.

"Pero ano?" Tanong ko

"Kayo naman ni Sir Jd ang magpicture" sagot nya at saka ngumiti ng napaka lapad.

"Seryoso ka?" Tanong ko. Sa lagay ngayon ng masungit na to papayag kaya tong makipagpicture sa akin? Sus baka sipain lang ako nito pauwi sa pilipinas eh.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Turo nya sa mukha nya. Oo nga mukha syang seryoso pero medyo tumatawa padin sya. Magulo talaga tong si Gio.

Hindi na ako sumagot at saka lumapit kay Jd. Hindi ko alam kung paano ko mapapapayag na magpicture ang isang to. Busy kasi sa pagtatype ng kung ano sa cellphone nya. Kumapit ako sa braso nya at saka tumingala para makita ang mukha nya.

"What?" Tanong nya. Mukha naman syang seryoso sa ginagawa nya dahil hindi nya man lang ako magawang tignan.

"Picture tayo?" Masigla kong tanong. Tumingin naman sya sa akin saglit at saka ibinaling ang atensyon nya sa ginagawa nya. Aish! Ano ba yan

"Please?" Inalog alog ko yung braso nya. Tumingin nanaman sya sakin pero ngayon makikita mong parang inis na sya sa ginagawa ko.

"Sige na five captured lang!" Pagmamakaawa ko. Nagpapapadyak na ako sa harap nya pero nakakapit padin ako sa mga braso nya.

"No" tipid na sagot nya. Ang sungit sungit naman nakakainis!

"Three?" Alok ko at saka pinakita sa kanya ang tatlo kong daliri. Sige na pumayag ka na. Tumingin naman sya sa akin.

"Still a NO" madiin nyang tugon. Urgh! Pano ba to. Ayaw nya kase! Hindi ko naman alam kung paano sya mapapaYes.

"Two captured?" Binaba ko ang isang daliri na nakatapat sa mukha nya. Pero ang natanggap ko lang na sagot ay isang irap at iling. Pero syempre hindi pa din ako susuko.

"Please darling?" Pagmamakaawa ko. Nagpuppy eyes ako sa kanya. Ginamit ko na ang isa sa nga deadly weapon ko. Umubra ka umubra ka!!!

Nagpakawala sya ng isang buntong hininga. At saka nagsalita. "Fine!" Yeeey!! Sabi ko na eh papayag din ang isang to. Nagpapakipot lang talaga. Akala mo babae ang arte arte kaylangan pang tawagin ng darling para pumayag. Akala ko ba ayaw nya sa mga endearments na yan.

__________________________

Busy na ako. Eto na ang umpisa ng yugto ng pagkastress ko. Gabayan nyo po ako huhu!

May nagmessage sa akin kanina, nagpapaspoil. Sorry hindi ako magreresponse sa tanong mo gusto ko ikaw mismo mo ang sumagot dyan sa nakakaloka mong tanong. Basahin mo yung story hanggang dulo mas okay yun. Exciting diba?

Loveyou padin! Thankyou sa pagbabasa :*

VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon