Ending

97 1 0
                                    

Gio's Pov

"No! Shit! Please wake up!" Sinasampal sampal ko ang pisngi nya pero hindi parin sya gumigising. Tell me guys, this isn't happening, right?

Malakas ang pagputok ng baril, bumulagta si carmela mula sa kanyang pwesto. Si jd ang tumapos ng buhay nya.

"Aaargh wake up!!" Tuloy tuloy na ang pagagos ng luha ko. Hindi ko na napigilan ang pagiyak, hindi ito pwedeng mangyari. Hindi pwedeng mawala ang mahal ko..

"Hindi ka pwedeng mamatay, please yesang ko. Lumaban ka!" Para na syang lantang gulay dahil sa tuloy tuloy na pagagos ng dugo sa dibdib nya.

I can't believe this is happening!

"Come on! Dalhin na natin sya sa hospital" binuhat ko sya at saka mabilis na isinakay sa sasakyan. Si jd ang nagdrive at nasa likod ako para alalayan si ayesha. Patuloy parin ang pagtapik ko sa pisngi nya at umaasang didilat pa ang kanyang mga mata.

Ng makarating kami sa hospital ay dali dali syang idinala sa operating room. Kung pwede lang na ako na mismo ang tumanggal sa bala sa katawan nya, ako na ang gagawa nun dahi ayokong nahihirapan sya.

"Ayesha will be fine soon" hinagod ni ate ang likod ko. Ako ang may kasalanan ng lahat ng 'to. The party, yung away namin ni carmela.

"Ako dapat ang tatamaan pero sinalo nya yun, she save my life. Ako dapat ang nakahiga duon at nagaagaw buhay. Ako dapat ang nahihirapan." I can't stop my self from crying. Hindi ako makapaniwala na nangyayari to.

Lumabas ang doctor mula sa emergency room. Tinanggal nito ang mask nya at saka lumapit sa amin.

"The patient is critical. Iinform ko lang kayo na maliit ang possibility na mabuhay sya dahil sa dibdib sya tinamaan, isa iyon sa pinakadelikadong parte ng ating katawan" halos manghina ako sa mga narinig ko.

"Gawin mo ang lahat, magbabayad ako kahit magkano pa yan. Iligtas nyo si ayesha, iligtas nyo ang mahal ko" hindi ako makahinga ng normal dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Hindi pwedeng mawala si ayesha, marami pa akong pangarap para sa aming dalawa. Marami akong bagay na gustong gawin kasama sya at ayokong matapos yun ng ganun lang. Ayokong mawala sya dahil lang kay carmela.

"Calm your self kuya"

"Paano ako kakalma kung nandun yung taong mahal ko at nagaagaw buhay? This is all my fault! Ang dami ko ng what ifs sa utak ko pero tinuloy ko parin yung surprise. Hindi ko akalain na ganito ang magiging resulta" napasuntok ako sa pader. Naalala ko yung sinabe ni jd na nagbanta si carmela sa kanya pero hindi nya sinabi sakin. Lumapit ako kay jd at saka sya hinawakan sa kwelyo..

"Kasalanan mo 'to! Kung sinabi mo sakin nung una palang na may balak na masama si carmela kay ayesha edi sana wala si ayesha ngayon dun! Hindi sana sya nakahiga duon at nagaagaw buhay! Kasalanan mo 'to! Ikaw dapat ang nakahiga dun! Ikaw dapat ang mamamatay!" Sinuntok ko sya sa mukha pero hindi sya lumalaban. Hinawakan ako ni ate riya sa braso para pigilan

"Stop it gio! Walang dapat sisihin dito ngayon. Kung sino man ang may kasalanan, si carmela yun at hindi si jd!" Hawak hawak parin ni ate riya ang braso ko, tama sya si carmela ang dapat sisihin dito, sya ang dahilan kung bakit nandun si ayesha sa operating room.

"Sana nga ako nalang ang nakahiga duon para hindi na nahihirapan si ayesha. Kasalanan ko 'to diba? Kung sana nga sinabi ko na sayo yung pagbabanta ni carmela, hindi na sana tayo aabot sa ganito! Sagad sa buto ang konsensyang nararamdaman ko ngayon. Hindi mo lang alam pero pinagdadasal ko ngayon na sana ako nalang ang tinamaan ng bala na yun. Ako nalang nga sana ang namatay! Ako nalang sana gio! Putangina!" Binatawan ko sya at saka ako napaupo dahil sa mga narinig ko. Lahat kami dito ay umiiyak, napasabunot ako dahil sa frustration.

Nananaginip lang ako, hindi ito totoo!

"Let's just pray na sana maligtas si ayesha" i hug ate riya, i hug her tight. Gusto kong magwala, gusto kong sumigaw.

Hindi ko parin mapigilan ang sarili ko sa paghagulgol, si jd ay nakayuko lang at tuloy parin sa pagiyak, si giyan naman ay nakaupo lang at nakatulala.

Lahat kami ay wala sa tamang pagiisip.

"Dapat alam 'to ng family nya" bigla akong nabalisa dahil sa sinabi ni ate riya. Naalala ko ang pangako ko kay nanay elissa na mahahanap ko ayesha, iuuwi ko sya ng ligtas.

Sunod sunod na pumatak ang luha ko dahil alam kong magagalit sakin si nanay elissa, pati na rin ang mga kapatid nya. Pero hindi naman pwedeng hindi nila malaman kung anong nangyayari..

"I'll tell them but not this time" kaylangan ko munang malaman kung ano nabang kalagayan ni ayesha ngayon.. ayoko silang magalala lalo na ngayong may sakit din si nanay elissa.

"Mr. Young" napalingon ako sa doctor na nagsalita. Sya yung nagopera kay ayesha

"How's ayesha?" Malungkot ang ekspresyon ng mukha ng doctor, lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Wala na sya" suddenly, parang tumigil ang paghinga ko. Nablangko ang utak ko at paulit ulit kong naririnig ang sinabi ng doctor.

No, nagkakamali lang sya..

"Im so sorry, ginawa na namin ang lahat pero hindi talaga nya kinaya" nananaginip lang ako. Hindi ito totoo

"Gio.." naramdaman ko ang paghagod ng kamay ni jd sa likuran ko habang yakap yakap ako ni ate riya.

"Doc, this is not the right time para sa mga biro nyo" pinilit kong ngumiti, tumawa ako kahit may mga luhang pumapatak galing sa mata ko.

"I wish I am Mr. Young. You can check her inside. Excuse me" nagmadali akong pumasok sa loob ng OR, pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang isang bangkay na nakatalukbong ng puting kumot. Halos hindi ko maigalaw ang mga binti ko para malapitan sya.

"Ayesha" bulong ko..

Pinilit kong maglakad papunta sa direksyon nya. Dahan dahan kong ibinaba ang kumot. Halos manlambot ako sa nakita ko

"Yesang ko" tuloy parin ang pagagos ng luha ko. Ang sakit, sobrang sakit

"Gising kana, papakasalan pa kita eh" kinuha ko ang singsing na nakalagay sa bulsa ko. Ibibigay ko sana 'to sa kanya kanina, ito sana ang pinaka surprise ko sa kanya.

Isinuot ko sa malamig nyang daliri ang singsing.

"Kahit hindi ko marinig ang sagot mo, alam kong papayag kang magpakasal sakin dahil nararamdaman ko yun dito.." itinuro ko ang puso ko "Mahal na mahal kita yesang ko" hinawi ko ang buhok nya. Sinuri ko ang kabuoan ng kanyang mukha. Napakaganda mo talaga..

Hinalikan ko sya sa labi, naramdaman ko ang init ng paghinga nya. Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa naramdaman ko.

"Doc! Doc!" Nagmadali akong lumabas para tawagin ang doctor. Isa isa ding pumasok sila ate riya sa loob ng kwarto dahil sa pagtataka.

Shit! Shit!! 

___________________________________________

Sorry, hanggang dito nalang talaga tayooo

Maraming salamat sa inyong suporta! Mahal na mahal ko kayoooooo!!!

                VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon