Chapter 21: Papa

350 6 0
                                    


Jd's Pov

"Jd where are you?" Hindi talaga ako titigilan ni carmela. She's a desperate girl.

"It's none of your business" i look at ayesha. She's in a deep sleep. Sobrang napagod ata sya. Ang tagal kasi ng byahe namin sa Palawan dahil Puerto Prinsesa daw ang gusto nyang unang puntahan dahil may hahanapin daw sya dun. She didn't even said what's that thing or baka tao ang hahanapin nya. I don't know

"Im already missing you" no you're not carmela. I know it's one of your goddamn plan to use me again.

"I don't care" and then I ended up the phone.

Gio Young is calling...

"Sir!" The heck?! Bakit kaylangan nya pang sumigaw? Ipinanganak talagang may mike na kakambal to. Ang lakas ng boses

"What?!" Inis na tanong ko.

"Nandito po si Ms. Carmela nagwawala hinahanap po kayo" kaylan ba talaga titigil ang babae na yun. Hindi naman sya ganyan dati nung mga panahon na kami pa. No, nung mga panahon na niloloko nya pa ako.

I lean on the car and let a heavy sighed. Si ayesha? Nandio sa tabi ko tulog parin, ewan ko ba. She really loves to sleep. Buntis nga talaga siguro sya and if that's happen by any chance I'll make her life like a hell. Dahil ngayon ginagawa ko syang prinsesa at lahat ng yun ay dahil lang sa kasal namin.

"Fuck! Call the guards! Send her out! Do some fucking moves to stop her. And please don't you ever tell to her where i am okay?" Napalakas ata ang sigaw ko dahil nagising ko si ayesha.

"But..." Hindi na naituloy ni young ang sasabihin nya ng bigla akong magsalita.

"No buts!" Sigaw ko ulit.

"Ms. Carmella is really messing up with the whole company building. Im sorry to tell you this but she's being crazy as hell" the heck carmela?! What are you doing with your life?

"I don't care. She's crazy naman talaga. Basta make her stop. Ayokong masira ang kumpanya ko dahil sa kanya" sumandal din naman si ayesha at saka nagumpisa nanamang matulog.

"Areglado boss!" Sigaw ni young at saka agad na pinutol ang linya. Naramdaman ko naman na unti unting dumadaosdos ang ulo ni ayesha kaya nahulog ito sa balikat ko.

Kung hindi lang siguro madumi ang trabaho mo by any chance baka magustuhan pa kita kaso ayoko sa babaeng madumi.

Young knows how i really hate prostitutes. They're just having sex in exchange to money. Okay lang sa kanila na pagpasapasahan ng kahit na sinong lalaki.

Bahagya akong umurong para tumingin sa bintana ng sasakyan kaya medyo nahulog naman ang ulo ni ayesha dahilan para magising sya.

"Aray! Ay sorry" pinunasan nya pa ang gilid ng kanyang labi at saka parang tarantang tumingin sa kabuoan ng sasakyan.

"Tss. Stupid" bulong ko.

Ayesha's Pov

Bwisit talaga tong jd na to. Sya na nga tong malakas mangistorbo ng tulog sya pa tong may ganang manabi ng stupid. Nakakainis talaga ang ugali.

Nilibot ko ang paningin ko sa labas habang umaandar ang sasakyan. Sa tingin ko nandito na nga siguro kami. Ang sabi kasi ni nanay kapag may nadaanan kaming mga nagtitinda ng talaba sa gilid iyon na daw yun.

"Pwede ba kung wala kang magandang sasabihin tumahimik ka nalang o kaya kung hindi mo kayang tumahimik tumambling ka. At isa pa hindi ako stupid no!" Sumiksik pa ako sa pintuan ng sasakyan at saka nangalumbaba sa bintana habang nagmumuni sa mga bahay na nadadaanan namin.

Hindi naman talaga ako stupid no. Hindi naman ako magiging scholar ng bayan kung stupid ako. Hindi ako makakatungtong ng college kung stupid ako.

"Marcelo's Store"

"Kuya wait lang!" Iyun na yung tindahan na sinasabe ni mama. Oo nga pala nandito ako para hanapin si papa. Nung bata ako sinabe sa akin ni mama yung lugar kung saan nakatira yung mga kamag anak ni papa lahat ng detalye sinabe nya kaya hanggang ngayon natatandaan ko pa.

Ayaw ni mama na hanapin ko si papa pero gusto ko syang suwayin sa utos nya dahil ang dami kong gustong sabihin. Gusto kong itanong kung anong dahilan nya kung bakit nya kami iniwan. Gusto ko syang sisihin kung bakit naging misebrale ang buhay namin ngayon. Gusto kong magalit sa kanya kasi sinaktan nya si mama lalo na yung mga kapatid ko.

"Why?" Tanong ni jd pero hindi ko sya nililingon. Nakatingin parin ako sa tindahan. Hindi ako sure kung itong tindahan ba talaga yung sinasabe mama.

"Punta tayo dun" turo ko sa tindahan. Nilingon ko naman si jd at ngumisi pa sya.

"Why? May bibilhin ka?" Tanong nya. Lumapit naman sya sa akin at saka sumilip sa bintana para tignan ang tindahan na tinuturo ko. Lumingon ulit ako para tumingin din. May lalaking matanda na nagwawalis sa harap nun at nakatalikod sya.

"Hindi may titignan lang" bumaba ako ng sasakyan at saka lumapit sa matandang lalaki.

"Ah manong pwede pong magtanong? Dito po ba nakatira si Arlando Marcelo?" Unti unti namang umayos sa pagkakatayo si manong na nakahawak pa sa bewang nya. Lumingon sya sa akin at parang biglang tumigil ang paggalaw ng mga bagay sa paligid ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o iiyak sa harap nya ngayong nagkita na ulit kami. Ang laki ng pinagbago nya, ang dami nya nang puting buhok at parang bumilis ang pagtanda ng kanyang itsura pero ganun pa man kilalang kilala ko padin sya. Sya parin yung lalaking nagbigay ng buhay ko. Sya padin ang lalaking nagpalaki sa akin.

"Papa" pagkabanggit ko sa salitang iyun bigla nya akong niyakap. At sa pagkakataong ito, naramdaman ko ulit ang pakiramdam na ligtas ako sa mga bisig nya. Namiss kita papa

__________________________

Sabi na eh, first week palang ng senior high school life ko stress na agad. Siguro every sunday na ako makakapag update pero sa tingin ko ngayong tag ulan at panay na ang pag suspend ng klase mapapadalas na.

Keep safe guys lalo na ngayong wet season.

VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon