Chapter 30: Darling

295 4 0
                                    


Ayesha's Pov

Hindi parin talaga ako makapaniwala, wala na yung pinakaiingat ingatan kong cellphone. Halos hindi ko na makilala dahil sa sobrang pagkabasag. Sorry papa, hindi ko natupad yung pangako ko sayo na iingatan ko to. Nakakainis talaga tong jd na to, namumuro na sakin eh. Wala ka talagang pusong mayabang, manyak at masungit ka.

"Ano? Oorder ka ba o tititigan mo nalang yan?" Biglang singit ni jd sa pagmomoment ko. Pero hindi ko parin sya pinansin dahil nga naiinis ako sa kanya.

Tinitigan ko parin yung cellphone na nasa harapan ko. Ang laki talaga ng panghihinayang ko, biruin mo ang dami naming paghihirap na pinagdaanan yung dumating kami sa sitwasyon na halos itong cellphone nalang na 'to ang natitirang kayamanan ko, ni hindi ko magawang ibenta dahil napakahalaga sakin tapos mawawala lang ng ganun ganun lang. Hinding hindi ko matatanggap ang bagay na to.

Napaka unreasonable nya. Bakit nya pa kaylangan mandamay ng ibang tao dahil lang sa mood swing nya. May lakad pa naman kami ni gio ngayon at may sasabihin daw syang importane sa akin.

Bigla nalang tumayo si jd sa kinuupuan nya at saka naglakad papunta sa dereksyon ko at bigla akong hinablot patayo. Ano nanaman kayang problema nito? Wala ba syang sawa sa kakahablot ng braso ko? Nagkakapasa na ako oh! Hila hila nya ako palabas hanggang sa makarating kami sa sasakyan.

"Will you please talk to me?" Sigaw nya sa akin. Tinignan ko lang sya pero hindi parin ako sumasagot. Buti nalang at walang gaanong tao dito sa harap ng kainan na pinuntahan namin dahil kung hindi, malamang kanina pa kami pinagtitinginan.

"Okay, fine! Don't talk to me, I won't talk to you." Mahinahon nyang tugon at saka magisang pumasok sa loob ng kainan. Naiwan naman ako dito sa labas at hawak hawak parin ang cellphone kong sira sira. Ano ng gagawin ko dito ngayon? Haysss.

Naglakad ako papunta sa basurahan at saka ko itinapon ang cellphone ko. "Sorry papa" bulong ko sa sarili ko at saka ako naupo sa gilid. Nakakapagod din pala ang bumyahe ng bumyahe. Halos pagabi na din at padami na ng padami ang mga taong naglalakad sa paligid.

"Pasensya kana miss ito lang nakayanan ko" rinig kong sabi ng isang lalaki sa harapan ko habang inaabot ang bente pesos.

"Ha?" Yan lang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko. Anong gagawin ko sa bente pesos nito?

"Oh kunin mo na. Nawawala kaba? Gusto mo tulungan kitang mahanap yung mga kasama mo?" Sagot nya at saka umupo sa harapan ko. Hindi ko maintindihan ang isang to. Bigla bigla nalang nakikipagusap sa akin. Feeling close lang? "Sige na wag kanang mahiya. Kahit man lang sa maliit na bagay matulungan ko ang isang magandang binibining katulad mo"

"T-teka nga teka nga. Ano bang sinasabi mo? Anong nawawala?" Takhang tanong ko sa kanya.

"Ikaw? Diba't nawawala ka? Kaya ka nga nakaupo dyan sa gilid ng basurahan eh. Mukha ka kayang kawawa at parang hindi mo alam kung nasaan ka" napaface palm nalang ako sa sinabe nya. Haysss. Pagkamalan ba naman akong nawawala. Kahit naman hindi ko alam ang lugar na to hindi ako shushunga shunga para mawala.

Tumayo ako at saka nagpagpag ng pwetan. Ganun din naman ang ginawa nya. "Ah hindi ako nawawala. Nagpapahangin lang ako. Sa totoo nga nyan nandun sa loob ang kasama ko, at ayun yung sasakyan namin eh" tinignan naman nya ako mula ulo hanggang paa at saka ngumisi ng napakalapad.

"Hehe miss. Okay lang naman sa akin na tulungan kita. Wag kanang magsinungaling na nandun sa mamahaling restaurant na yun ang kasama mo at sa inyo ang mamahaling sasakyan na nakapark duon. Sasabihin mo lang naman kung anong pangalan mo at saan ka nakatira para masabi natin sa mga pulis at makauwi kana" natatawa pang sambit nito at saka ako tinapik tapik sa balikat.

"Sabi na nga kasing hindi ako nawawala kuya eh. Kasama ko nga yung ano, yung aish! Basta yung lalaking yun oh" Turo ko kay jd na may dalang supot habang papalapit sa dereksyon namin. Tumingin naman ang lalaking makulit na to kay jd.

"Talaga ba?" Seryosong tanong nito

"Oo nga ang kulit mo eh" inirapan ko pa ito at saka ko ibinuka ang dalawa kong kamay para salubungin ng yakap si jd at para din tumigil na sa pangungulit ang lalaking to.

Naglakad pa ng naglakad si jd habang seryosong nakatingin sa dereksyon namin. Sobra naman sa lapad ang ngiti ko dahil finally titigil na ang lalaking to sa pangungulit sa akin. Derederetyo ang lakad ni jd hanggang sa nilagpasan nya ako, tumigil sya sa basurahan at saka itinapon duon ang supot nyang dala.

"HAHAHAHAHAH!!" Rinig kong tawa ng lalaking nasa harapan ko. "Kasama mo? HAHAHAHA!! Patawa!" Nagpatuloy lang sa pagtawa yung lalaki habang ako nakabuka parin ang mga kamay ko na para akong tanga dito sa kinatatayuan ko ngayon.

Pero mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa mga sumunod na nangyare.

Yinakap ako ni jd, parang biglang tumigil ang kalawakan sa pagikot nito, paunti unting naglalaho ang tawa ng lalaki, ang mga ingay ng tao at busina ng mga sasakyan. Parang kaming dalawa ang nasa mundo, yung bang akala mo sayo nakatutok ang spotlight sa MOA, ilaw ng mga sasakyan, liwanag ng buwan, bituwin at lahat na nang liwanag na pwedeng itapat sa'yo.

Bigla naman akong bumalik sa ulirat ng biglang itong magsalita.

"Tara na darling, uwi na tayo" sambit nito sa tenga ko at mayron na ring sapat na lakas upang marinig din iyon ng lalaking nasa gilid ko.

Naramdam ko nalang na hila-hila ako ni jd patungong sasakyan hanggang sa namalayan ko nalang na nakasakay na kaming dalawa.

"Hoy babae, will you please close your mouth? Your expression is annoying" sambit nito at saka ako binatukan. Aba, at kaylan ka pa nagkaron ng permisyon para batukan ang isang tulad ko aber? Kaylan?

Inirapan ko lang sya at saka ako nagmake face habang nakatingin sya para lalo syang mabwisit. Nang paandarin nya na ang sasakyan tumagilid nalang ako ng pwesto at tumingin sa labasan ng sasakyan. Bigla nalang akong napangiti ng makita ko ang pwesto ng basurahan kung saan niyakap ako ni jd at tinawag nya akong darling. Letse ka talagang almonte ka, may kasweetang taglay ka rin pala sa katawan.

Pero nabubwisit padin ako sayo.. Hehe

___________________________

AFTER 2,9182,716,000 mooooonths!! Nakapag update diiiiin.

Sorry guys! Nasira kasi phone ko and sobrang busy.

           VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon