Chapter 25: Its HOT

353 6 0
                                    


Gio's Pov

"Nasan si ayesha?! Anong ginawa mo kay ayesha?!" Hinawakan ko ng dalawang kamay ko ang kwelyo ni jd. Alam kong may kinalaman nanaman sya kung bakit nasa hospital ngayon si ayesha. Silang dalawa lang naman ang magkasama

"What the hell is wrong with you?" Pilit nyang tinatanggal ang mga kamay ko pero hindi nya iyun magawa dahil sa higpit ng pagkakahawak ko. Tinulak ko sya dahilan para mapasalampak sya sa sahig.

"You coward! Sa tuwing magkasama kayong dalawa lagi nalang napapahamak si ayesha" ngumisi naman sya at saka dahan dahang tumayo. Lumalabas nanaman ang pagkagago side nya. Bakit ba kasi napatiisan ko ang isang tulad nyang may sapak sa ulo? Hindi man literal pero parang ganun na nga

"Ayesha is mine" tumalikod sya at akma na sanang maglalakad paalis ng bigla ko syang hablutin at idikit sa pader.

"We both know that ayesha is not yours. Ginagamit mo lang sya para gumanti kay carmella diba? Hindi laruan si ayesha hindi mo sya pwedeng kontrolin dahil tao sya, may sarili syang puso at isip. Tandaan mo yan!" Tumitig sya sa akin na parang nagtataka. Pilit syang kumakawala sa mga braso ko pero hindi nya iyun magawa.

"May gusto ka ba sa kanya?" Mahinahon nyang tanong. Binitawan ko sya sa pagkakahawak at hindi ako sumagot. Kaya nagkaroon sya ng pagkakataon para gantihan ako ng suntok. Sinubukan pa kaming pigilan ni dondi pero hindi nya kami maawat.

Bawat pagdapo ng kamao nya sa katawan ko ay sya ding pagaasam na makuha si ayesha sa kanya. Hindi sya karapatdapat para sa babaeng mahal ko.

"Ano sumagot ka!" Sigaw nya habang matalim na nakatitig sa akin na ngayo'y nakasalampak sa sahig. "Mahal mo ba si ayesha?" Dugtong pa nito

"Kaya ko syang itrato sa paraan na hindi mo magawa" tumayo ako sa pagkakaupo at saka lumapit sa kanya. "Pagsisisihan mo kung bakit si ayesha pa"

In life there is always one person to make you feel complete. They will fulfill everything. And i think the person i am pertaining to is ayesha. Hindi ko alam, isang araw gumising ako mahal ko na sya. Masyadong mabilis kasi sobrang lakas ng impact. You know that feeling na one day mararamdaman mo nalang na sobrang saya mo kapag nakikita mo sya, malulungkot ka kapag hindi mo sya kasama and sobrang worried mo kapag nasa maling tao sya. It's just that your concern and that's more than being concern.

Hindi na rin siguro ako magtataka kung bakit ang bilis kong nahulog sa kanya dahil kakaiba yung personality nya among others and she has that charisma.

Jd's Pov

"Dondi. Sunduin mo na si ayesha. We'll go back to Manila" i said with a clenched fists. Gio is such a traitor, pag dating talaga sa babae hindi sya mapagkakatiwalaan at totoo nga na may gusto sya kay ayesha. From then i know it was the truth dahil halata sa mga kilos at tingin nya. Kahit talaga matagal na ang pinagsamahan nyo ng isang tao, magagawa at magagawa ka parin nyang lokohin. Magagawa ka parin nyang traydorin para lang sa isang bagay.

"But sir, paano po si Sir Gio?" What the hell? After that scenario earlier, he even care for gio instead of me?

"Do you want me to fire you?" I saw the shock and terrified in his face.

"Sir may asawa po akong buntis at may anak po akong nagaaral. Kaylangan ko po ang trabaho na to"

"Then do your job responsibly" at tinalikuran ko sya at saka naglakad papunta ng parking lot.

Iniisip ko parin ang reaksyon ni gio kanina. How did he do that too fast? From manila to palawan in just 30 minutes? He gotta be kidding me. Hindi naman nya gagawin ang bagay na yun dahil lang sa nasa hospital si ayesha i know he's concern pero hindi ganun ka over acting unless may gusto sya kay ayesha. And one more thing, the way he look at me when i ask him kung may gusto ba sya kay ayesha eh kakaiba. I know that look has a something to tell on it and i know too that was a "yes im in love with your fiance" look.

While walking, someone caught my attention. A lady standing in front of my car, she's wearing a black fitted dress and silver high heels pero ang pinaka nakaagaw ng atensyon ko ay ang tiyan nyang maumbok.

"Excuse me?" Tanong ko. Umayos naman ito ng pagkakatayo at saka nito ipinitik sa gilid ang hawak nyang sigarilyo

"Jd" Tawag nito sa pangalan ko. How did he knew my name? At saka nandito kami sa Palawan, how come someone like her would knew me, as if sobrang sikat ko naman para umabot sa lugar na to ang pagkatao ko. No, not literally my personality but my name is a part of my identity. Oo nga pala ako nga pala ang may ari ng Almonte's Corp. ang isa sa pinakamalaking pagawaan ng alak sa pilipinas.

"Do i know you?" Tanong ko sa kanya. Unti unti syang lumapit sa akin at saka biglang pumalupot sa braso ko

"I'm hailey remember?" Inalis ko sya sa pagkakahawak sa braso ko at saka ako dumistansya ng bahagya sa kanya. Sinuri ko ang kabuoan nya at saka inalala kung may hailey ba talaga akong kilala...

"Hailey Obrey Tianco?" Tanong ko.

"HOT for short and yes im that girl you had a one night stand" hinawakan nito ang tiyan nito at saka ngumiti sa akin nang nakakaloko.

"Don't tell me im the fa.." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla syang magsalita.


"Obviously! Your the father" masigla nitong sagot. No, this isn't happening. That was a big joke right?

"No haha! Your just fooling around right? Haha" she look at me with a serious face and gave me a creepy smile. Oh shit

"Hi husband" he said and kiss me on my lips.

__________________________

Ang tagal ko din di nakapag update. Nagagalit ako sa sarili ko dahil ang busy ko. Huhu lack of time c acqoue!!!!

Im so happy kasi nakikita ko sa notif ko yung mga nagaadd ng story na to sa library nila. Sobrang thankyou sa pagbabasa kahit ang tagal ko bago magupdate. Sobrang thankyouuuuu talaga!!! Pero hihingi ako ng isa pang favor, pavote na din para sulit hahaha! Lovey'all guys

           VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon