Chapter 10: Kasal

400 6 0
                                    



Peypey's Pov

"Ms. Marcelo" namimiss ko na si ate. Hindi pa sya umuuwi simula nung isang araw. Sya nalang ang laging bukang bibig ni mama. Sabi ni ate michelle ikakasal na daw si ate.

"Miss Amisha" pero pano sya ikakasal eh wala naman syang boyfriend tsaka nangako sya sa amin nila mama na pag napagtapos nya kami ni kelly ng pagaaral dun lang sya magaasawa. Bakit nya kami iniwan nila kelly ng bigla bigla. Ni hindi nya man lang inisip si mama.

"Amisha Faye Marcelo!" Nagulat nalang ako bigla sa sigaw ng teacher ko at sa pagpalo nya sa lamesa nya. Hala! Terror pa naman ang isang to.

"Y-yes mam?" Napapahiya kong tanong.

"Are you with us?" Tumingin ako sa mga kaklase ko, halos lahat sila nakatingin sakin. Binalik ko ang tingin sa teacher ko.

"S-sorry po Mam Santos" yan nalang ang nasabi ko. Siguro kanina pa 'ko lutang. Haysss

"Okay saan na nga ulit ako?" Tanong ng teacher ko habang inihahampas hampas ang pamaypay sa palad nya. Nagpatuloy ang klase ng walang pumapasok sa utak ko. Sobrang namimiss ko na talaga si ate and at the same time nagaalala din.

Naglalakad kami ngayon ng bestfriend ko dito sa initan. Pupunta kasi kami ng cafeteria para bumili ng makakain. Pero hindi parin talaga maalis sa isip ko yung desisyong ginawa ni ate aye. Hayss.

"Besh" ano kayang itsura ng asawa ni ate?

"Pey" ano kayang magiging itsura ng pamangkin ko sakaling magkaanak sila.

"Huy pey!" Aaargh! Nakakarindi naman tong babae na to. Aish!

"Ano ba nicole! Bakit ka ba sumisigaw? Ang sakit mo kaya sa tenga"

"Eh ikaw naman kasing loka-loka ka! Kanina kapa wala sa reyalidad ha? Naka drugs kaba? High na high ka eh" aba't ako pa nakadrugs eh sya nga tong sigaw ng sigaw.

"Eh kasi naman iniisip ko si ate aye" bigla nanaman akong nalungkot. Naalala ko yung sinabe ni ate michelle sa amin.

~flashback-

"Anak wala pa ba ang ate ayesha nyo" nagaalala na si mama kay ate aye kanina pa. Anong oras na kasi at hindi padin sya bumabalik dito sa hospital.

"Hindi pa po ma eh" sagot ko.

"Mama, ate pey gutom na ako" sambit ni kelly habang hinihimas himas pa ang tyan nyang malaki kaya hindi mo mapaghahalataang nagugutom nga ba talaga sya.

Bigla namang bumukas ang pinto kaya napatingin kami nila kelly at mama duon. Pero hindi si ate aye ang pumasok, kundi si ate michelle. Anong ginagawa nya dito?

"Magandang gabi po tita Elissa. Kamusta po pakiramdam nyo?" Tanong nya kay mama. Lumapit naman sya sakin at saka may inabot na supot ng lomi. "Pagkain nyo" napatingin akong bigla kay kelly. Nakita kong parang lumiwanag ang mata nya dahil sa mga narinig nya.

"Okay naman na ako hija. Salamat sa pagdalaw"

"Ay hindi po tita! Pumunta po ako dito kasi binilin po ni ayesha na dalhan ko kayo ng pakain eh baka daw po hindi pa kasi kayo naghahapunan eh" b-binilin? Bakit binilin nya?

"Nasan daw po si ate aye?" Agad na tanong ko.

"Ah eh kasi ikakasal na si ate mo beh. Siguro baka mamaya o bukas. Pumunta na sila sa malayong lugar kasama yung mapapangasawa nya"


"Ikakasal?!" Sabay sabay naming tanong. B-bakit ikakasal si ate?

"Hehe michelle ah. Ang galing mong magbiro" halata mong pilit ang tawa ni mama. Siguro nga nagbibiro lang si ate michelle. Hindi magagawa ni ate aye na magpakasal agad lalo na't sabi nya kami ang priority nya.

"Hindi po tita. Magpapakasal na po talaga si aye kaya hindi na po sya makakauwi. Tsaka mayaman naman po ang mapapangasawa ni aye kaya wag kayong magalala. Jackpot!"

"Jusmiyo mahabaging panginoon! Anong naisipan nang anak ko at nagpakasal sya ng ganung edad. Disiotso palang ang anak ko. Masyado pang maaga" wika ni mama habang nags-sign of the cross pa at umaaktong parang nagdadasal.

~end of flashback~

"Magpapakasal na si ate" bigla nalang yan lumabas sa bibig ko. Ang weird na nang mga nangyayare sakin ngayon. Grabe lang talaga.

"Huwat?!" Sigaw ni nicole. Ang hilig talagang sumigaw nito nakakainis. Akala mo ipinanganak ng may kakambal na microphone dahil sa lakas ng boses. Kainis!

"Ako din hindi makapaniwala"

___________________________

Parang ang ikli nito? Hihi sorry! Bawi ako next chap! Yung mahaba haba ~_*

          VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon