Chapter 28: Starve and Crave

344 4 2
                                    


Jd's Pov

"Darling can you get me some ube halaya please? Im craving kasi eh" laley said. I don't know kung bakit hindi ko magawang magalit sa kanya kahit ginagawa nya na akong slave nya. Alam naming dalawa na para sa bata lang ang lahat ng to pero sa tingin ko sumusobra na. The hell? Hindi ako mahilig magstock ng kung ano ano sa ref ko dahil lagi akong may dinner appointment sa mga client ko at lagi akong naglalunch sa office kaya anong sense ng paglalagay ko ng pagkain sa ref.

Gabing gabi na at saan ako kukuha ng ube halaya? Anak ng ulaga naman laley! "It's already late" mahinahon kong sagot. Bigla naman syang tumayo sa sofa at saka pumunta sa kusina. Hinayaan ko nalang sya dahil baka naghahanap sya duon ng pwede nyang kainin.

10 minutes na ang nakakalipas pero hindi parin sya bumabalik dito, usually kapag kumakain sya gusto nya nanunuod sya ng tv kaya ang dumi dumi ng sofa. Ang tahimik ng kusina.

Sinilip ko sya duon at nakita ko syang nakadukdok sa mini table ko. Nakatulog ata sya, lumapit ako sa kanya para sana gisingin sya at papuntahin sya sa kwarto pero nakita kong parang gumagalaw ang mga balikat nya at para syang sumisinghot singhot.

"Laley" I whispered her name. She look straight to my eyes and gave me a horrifying look. Pakshet!

"I hate you huhu" she said in a childish voice. Nakatingin parin sya sakin ng masama. She's like a child when she's getting upset. Urgh! Bakit ngayon ganyan parin sya magalit at magtampo. Its been 15 years and she's still acting like we're 8 years old.

"Why?" Tanong ko sa kanya. Umayos sya ng pagkakaupo at saka hinampas ang ibabaw ng mini table.

"I want ube halaya! I want it! I waaaant!!!" Sigaw nito at saka umiyak nanaman nang umiyak. Bigla naman akong nataranta dahil this time nagpapapadyak na sya.

"Calm down laley. Please calm your self" pagaamo ko sa kanya. Pero wala paring talab. Paano ko ba papakalmahin to. Mas lalo pang lumakas ang iyak nya. Shit

"No! I won't calm down. Don't you see im pregnant and you still don't manage to give what i want? You're such an irresponsible father for my baby!" Biglang nagpantig ang tenga ko sa sinabi nya.

"Of course im not!" Sigaw ko. Hindi nya pwedeng husgahan ang pagiging ama ko sa magiging anak namin. Binibigay ko lahat ng gusto nya pati ang oras at atensyon na kaylangan nya, hindi ko na naaasikaso ang kumpanya dahil lang sa pagaalaga ko sa kanila ng anak ko, but still nasabi nya parin ang bagay na yun.

Bigla naman syang nagulat at napatulala sa akin. Maya maya pa ay niyakap nya ako ng napakahigpit at saka nagsorry ng nagsorry. I don't get it why she's acting like this.

"Im so sorry honey. I didn't meant to hik* to to make you mad hik* it's just that hik* that i want ube halaya right now! Waaah!" Hays laley! In 5 years of our friendship I didn't knew that you're like that. Kilala ko lang kasi ang laley na kababata ko. Hindi ang laley na naka one night stand ko sa isang bar.

"Okay! Fine" pagpapatalo ko. Nagtatatalon naman ito at saka ako mas niyakap ng mahigpit. I think I should send her to a psychiatrist.

Gio's Pov

"Gio ikaw ba yan?" Narinig ko ang boses ni ayesha mula sa madilim na parte ng sala. Sa tingin ko pababa sya ng hagdan dahil rinig na rinig ko ang pagbagsak ng tsinelas sya sa bawat baitang ng hagdan. Isinara ko ang pinto ng ref at paglingon ko nasa harap ko na sya.

"Ay gaga!" Bulalas ko. Napatakip naman ng bibig si ayesha habang nagpipigil ng tawa.

"A-anong sinabe mo?" Natatawa nyang tanong. Bakit ano nga bang sinabi ko? Dahil sa gulat ko kung ano nalang ang lumabas sa bibig ko. Ni hindi ko na alam kung ano iyon. Nagkibit balikat nalang ako sa kanya.

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon