Chapter 37: The Truth

201 11 2
                                    



Jd's Pov

Dali dali akong pumunta sa bahay nila ayesha at saka ko sya agad na hinanap. Wala daw sya sa bahay nila dahil nagapply sya ng trabaho. Tinawagan ko ito pero hindi nya iyon sinasagot. Oo nga pala, wala syang cellphone dahil binato ko nalang bigla sa daan. Tinawagan ko nalang ang isa sa mga empleyado ko para ipacancel ang lahat ng apointment ko ngayong araw.

"Sir jd?" Bigla akong napalingon dahil may babaeng tumawag ng pangalan ko. Nang paglingon ko ay si Tita Elissa pala ang nagsalita.

"Ah, magandang tanghali po" tinanguan ko ito at yun din naman ang ginawa nya bilang tugon.

"Ano palang ginagawa nyo dito sir? May kaylangan ho ba kayo?" Tanong nito. Bigla ko namang napansin na parang gulo gulo ang buhok nya at sabay sabay ang pagtulo ng mga pawis nya.

"Saan po kayo galing at ganyan ang itsura nyo?" Nakita ko naman na parang nahiya sya at dali dali nyang pinunasan ang nagkalat na pawis sa kanyang mukha.

"Naglinis lang ho ng bahay sir" nakakapagtaka naman. Ang dami kong katulong na pinadala sa bahay nato pero bakit naglilinis parin sya?

"Tita naman! Hindi po ba kumikilos ang mga katulong na kasama nyo dito sa bahay? Hayaan nyo at tatanggalin ko sila at magpapadala ulit ako ng bagong makakasama nyo rito at saka ilang beses ko po bang sasabihin sa inyo na don't call me sir. Hindi ko naman po kayo empleyado, kayo pa nga ho ang nanay nang future wife ko" napangiti naman sya ng malapad at saka parang kinilig. Hahaha! Ako rin naman ay hindi ko maipagkakailang nagustuhan ko din ang sinabe ko. Sounds weird and crazy but it makes my heart jump.

"Nako po! Napakaswerte talaga ng anak ko hihihi" kinikilig na wika nito. Napangiti naman ako ng mapait dahil naalala ko nanaman ang mga bagay na nagawa ko kay ayesha. Ang mga bagay na nagpaiyak sa kanya, ang mga bagay na nagpabigat ng nararamdaman nya, at ang mga bagay na nagbigay sakanya ng dahilan para kamuhian ako. Lahat yun ako ang may kasalanan. Kaya't parang nakaka konsensyang pakinggan na ang tingin nila kay ayesha ay swerte dahil sa akin. "Pasok ka muna sa loob hijo, hinihintay mo ba si ayesha?"

"Ah opo tita, may kaylangan lang po kaming pagusapan" inaya ako ni tita elissa papasok ng bahay at nagulat naman ako sa itsura ng loob nito. Parang may nagbago? Nilibot ko ang paningin ko at namangha ako sa mga nakita ko.

Nagbago na ang awra na bumabalot sa loob ng bahay. Kung dati ay parang wala itong buhay dahil sa wala itong kaano ano mang abubot at ngayon ay parang namangha ako sa nakita ko. Wow! This is so amazing!

Inilibot ko ang paningin ko at isa isa kong nilapitan ang bawat picture na nakasabit sa pader. Napahinto ako sa isang picture ng batang babaeng walang saplot. Tanging ang buhok lamang nitong mahaba ang nagtatakip sa kanyang ari. Nakaupo sya at parang gulat na gulat na nakatingin sa camera.

"Ang cute diba? Si ayesha yan noong anim na taong gulang pa lamang siya" napatingin nalang ako kay tita elissa at saka ngumiti ng malapad. Ayesha is so cute bata pa lamang ay pansin mo na agad ang taglay nyang ganda. But the truth that she is a bitch, hinding hindi na iyon mababago pa. Bayarang babae!

"Maganda sya noong bata palang, ang tawag nga sa kanya ng tao eh buchichay, dahil madaldal sya at sobrang bibo" nagpatuloy kami sa paglakad ni tita elissa hanggang sa makarating kami sa picture ng isang lalaki. Sya yung pinuntahan namin sa palawan ah?

"Sya po yung tatay nila?" Tanong ko rito. Napangiti naman ng mapait si tita Elissa, nakita ko ang pagkalungkot sa mukha nya.

"Oo hijo, sya ang tatay nila" napayuko si tita elissa at mariin na kumapit sa lamesang nasa gilid nya. "Pero iniwan din nya kami agad" tumingin ulit sya sa akin at saka ngumiti nanaman ng mapait. Biglang may kung anong kumirot sa puso ko dahil nakita ko sa mata nya ang mata ni ayesha.

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon