Chapter 35: Awkward

175 5 0
                                    


Gio's Pov

We're both watching movies. Ako nadin ang nagsuggest ng mga papanuorin at nagpadeliver ng mga snacks na pwede naming kainin while watching. Mahilig din pala sya sa mga movies dahil nakikita kong seryoso syang nanunuod at talagang nageenjoy sya.

I really love staring at her lovely face. She has the most adorable eyes, rosy cheeks, cute nose and kissable lips. "Fuck baby, you're so damn perfect" bigla nalang lumabas sa bibig ko. Napalingon naman agad sya sa akin at saka parang nagtataka na tumingin.

"May sinasabe kaba?" Takhang tanong nito.

"Ah wala hahaha! Ang ganda ng movie no?" Pagiiba ko sa usapan. Tumango nalang sya at saka ibinaling ang atensyon sa tv screen.

"Ah oo nga pala Gio, ano palang sasabihin mo sakin?" Nagtataka naman akong tumingin sa kanya dahil wala akong maalalang may sasabihin ako sa kanya

"What? I don't remember na may sasabihin ako sayo" pagtataka kong tugon sa kanya. Tumawa naman sya ng bahagya at saka umayos ng upo at humarap sa akin.

"Ang bata mo naman para maging ulyanin" ngumisi ito at saka pinisil ang ilong ko "Inaaya mo ako nung nakaraan na kumain sa labas dahil may sasabihin ka kamo sa akin. Diba?" Oh yeah. Oo nga pala, shit wala nakong lakas ng loob ngayon para umamin. Paano na 'to

"Ah oo hahahaha! Nakalimutan ko na yung sasabihin ko eh. Nuod nalang tayo." Pagpepeke ko ng ngiti at saka tumingin ng deretyo sa tv screen "Aw shit namatay yung bida" napalingon naman sya bigla sa tv at saka nagpapapadyak na parang bata.

"Gio naman eh! Buhay na buhay pa si spider man oh" tumawa nalang ako ng malakas at saka sya kiniliti.

"Huli ka! Hahaha" nagpupumiglas sya sa pagkakakiliti ko at saka tumakbo. Hinabol ko naman sya at tawa parin kami ng tawang dalawa. Iba talaga ang sayang nararamdaman ko kapag si ayesha ang kasama. It's so priceless and unforgettable. It feels like winning to a lottery

Nang maabutan ko sya ay bigla ko syang hinablot sa baywang dahilan para maout of balance kaming dalawa. Napahiga naman ako sa sahig at sya naman ay nakapatong sa akin. This is so awkward! Walang nagtatangkang kumilos sa aming dalawa. Nakatingin lang kami ng deretyo sa mata ng isa't isa..

Ayesha's Pov

Hindi ko magawang maigalaw ang mga kamay at paa ko para tumayo dahil parang sinasabe ng mga mata ni gio na huwag kong gagawin iyon. Ang awkward ng posisyon namin ngayon at shit talaga naaamoy ko yung mabango nyang hininga. Yung akin kaya? Mabango din? Baka naaamoy nya din yun.

"Ate/Ma'am/Anak" sabay sabay na salita ng mga boses na nanggaaling sa pinto. Bigla naman kaming napabalikwas ni Gio at saka agad agad na tumayo. Napayuko nalang kami parehas dahil sa hiya. Ayoko na talaga, parang gusto kong lumubog ngayon sa kinatatayuan ko.

"Ate, ano pong ginagawa nyo po ni kuya gio?" Tanong ni kelly sa akin habang hinahatak hatak ang laylayan ng damit ko.

"Nagbabahay bahay lang kami ng ate mo. Sya yung nanay, ako yung tatay. Sali kaba?" Pinandilatan ko nalang ng mata si gio dahil sa sinabi nyang iyon. Tumawa nalang sila mama at peypey at saka nagsipasok sa kani-kanilang nga kwarto. Napagod sila kakashopping.

"Opo kuya, gusto ko po" pinasingkit nalang ni gio ang mga mata nya at saka tumingin sa akin. Nakuha pang mangasar ang loko. Nilabas ni kelly ang nga bago nyang laruan na mukhang sa mall nga talaga nila binili. Nilapitan ko sila at saka ko tinignan isa isa ang nga laruan na binili nila

"Ang mahal nito ah. Bakit naman ganitong presyo ang binili niyo? Bakit hindi nalang kayo sa pelengke o tiyange bumili mas mura dun at parehas lang naman ang itsura. Nako ha! Hindi porket nakakatikim kayo ng karangyaan sa buhay ee aabusuhin nyo na. Matuto parin tayong magtipid" napatingin naman sa akin si gio at saka ngumiti ng parang may paghanga.

"Hayaan mo na, minsan lang naman eh" sinamaan ko naman sya ng tingin

"Baka kasi masanay sila ng ganiyan" umiling nalang si gio bilang sagot at saka itinuloy ang pakikipaglaro kay kelly. Ibang klase talaga ang lalaking to. Lagi nya nalang binibigay ang mga gusto namin, hindi ko alam kung anong rason nya kung bakit nya ginagawa ang lahat ng 'to.

Hindi ko na tuloy alam ngayon kung sa paanong paraan ako makakabawi sa kanya. Maghanap nalang ulit kaya ako ng trabaho? Tama maghahanap nga ako para wala naman silang masabi sa akin ni jd. Nakakahiya naman kung habang buhay nalang akong aasa diba? Tama! Kahit na maliitang trabaho muna.

_______________________
May progress naman eh. Okay lang naman siguro kung ganito muna diba? Atleast I tried para makabawi hihi.

VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon