Chapter 32: Confession

250 10 6
                                    


Ayesha's Pov

"Jd kaylan ba tayo uuwi?" Tanging ungol lang ang sinagot nya sakin at saka sya tumalikod. "Nako, tulog mantika" sambit ko sa sarili ko. Bigla naman anong nakaisip ng paraan, sasamantalahin ko na ang pagkakataon habang tulog pa si jd.

Bumaba ako sa lobby nitong hotel. Medyo naligaw pa nga ako dahil hindi ko naman alam ang pasikot sikot dito. Hindi ko rin mahanap ang elevator kaya napilitan akong maghagdan, ang aga ng exercise ko. Nang makarating ako sa lobby ay agad akong nagtanong.

"Miss pwede makitawag?" Iniabot naman sa akin nung babae yung telepono. Agad kong dinial yung telephone number sa bahay, walang sumasagot. Tumanaw ako sa labas at medyo madilim pa, tulog pa siguro sila. Nakailang dial din ako pero wala talagang sumasagot.

"Ah miss, anong oras naba?" Tanong ko sa babae habang busy syang nagaayos ng mga papel. Tinignan nya ang wrist watch nya at saka sumagot "5:02 am po maam" ang aga pa nga talaga. Iniabot ko nalang sa kanya ang telepono at saka nagpasalamat. Magpapahangin nalang ako sa labas.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi isipin yung mga bagay na nangyare sa buhay ko simula ng makilala ko si jd. Oo dati hindi ko naranasang makapunta sa ganitong klase ng resort dahil hindi naman kami mayaman para makapasok sa ganitong uri ng lugar. Marami nang nagbago simula ng makilala ko si jd. May mga ups and downs, may mga pangarap akong natutupad dahil sa kanya pero may mga bagay din naman akong hindi ginusto dahil sa din sa kanya. Siguro kung hindi lang ako sumama kay michelle para magkaroon ng trabaho, hindi ko makikilala ang isang antipatikong katulad ni jd.

Nakilala ko naman si gio sa isang sitwasyon kung saan feeling ko hindi ko na kakayanin lahat ng bagay. Nandyan sya palagi sa tabi ko para alalayan ako kapag pakiramdam ko kaaway ko na ang mundo. Dahil sa mga pinapakita nya sakin naiisip ko nalang na may gusto sya sakin. Hindi naman sa pagaassume pero feeling ko talaga meron syang nararamdaman at hindi nya lang yun masabi sabi. Oo aaminin ko minsan nadadala ako ng mga kilos nya pero hindi ibig sabihin nun meron na din akong nararamdaman para sa kanya. Hinahangaan ko sya sa pagiging mabait, pogi, mayaman at pagiging matalino nya pero hanggang dun lang yun.

Pero teka, pano nga naman nya ako magugustuhan kung hindi ko naman kayang tapatan yung mga katangian nya. Di hamak naman na mas maraming babae ang babagay sa kanya eh. Naaawa lang siguro talaga sya sa akin kaya ganun ang mga pinapakita nya. Ang isang katulad ko ay bagay sa mga desperadong lalaki na katulad ni jd.

Huminto ako saglit sa tabi ng dagat at saka umupo. Pinagmamasdan ko ang ganda ng pagsikat ng araw. "Sana araw nalang din ako, para walang problemang nararanasan, walang pagsubok na pinagdadanaan at walang sakit na nararamdaman. Sana lang talaga, sana.."

"Even though you're not a sun, even though you always feel hurting, sacrificing and have a lot of reason to surrender, just always think that you are a sunshine of someone else's sky"

Bigla akong napalingon sa likuran ko. Nakita ko si jd na nakatayo at deretyong nakatingin sa araw. Kitang kita ko ang pagtama ng sinag nito sa kanyang mga mukha, dahilan para mas makita ang gwapo nyang mukha. Kung hindi ka lang sana manyak siguro may gusto nako sayo ngayon.

"Jd" mahina kong bati sa kanya. Hindi naman sya sumagot at agad nalang na umupo sa tabi ko. Sabay naming pinagmamasdan ang ganda ng pagsikat ng araw mula sa kanluran. Sobrang ganda talaga..

"Mmm ayesha?" Napalingon naman ako kay jd ng bigla nyang tawagin ang pangalan ko. Hindi nalang ako sumagot at tumingin nalang sa kanya ng deretyo.

"What would you feel if your partner have a child with another woman?" Derederetyong tanong nito. Bigla naman akong nagulat sa sinabe niya dahil bigla nalang kaming napunta sa topic na yun.

"Hindi ko alam" kusa itong lumabas sa bibig ko at saka ako napayuko. Ano nga bang mararamdaman ko? Masasaktan? Magagalit? Hindi ko alam dahil kahit minsan hindi ko naman naranasan ang ganung bagay.

"What if meron akong anak sa ibang babae, magagalit kaba sakin?" Napangiti nalang ako at saka tumitig sa kawalan.

"Hindi naman siguro mangyayari yun hahaha" pagbibiro ko sa kanya. Nakatitig lang sya sa akin, hindi ko mabasa ang iniisip nya. Ang cold kasi ng mga mata nya.

"Punch me here" turo nito sa dibdib nya kung saan malapit sa puso nito. Ano bang pinagsasasabi nito. Saan nya nakukuha lahat ng lumalabas sa bibig nya. Nananaginip pa ata to eh.

"Kulang ka pa sa tulog" seryosong tugon ko habang nakatigtig sa kanyang mga mata. Sinusubukan kong basahin yung iniisip nya pero hindi ko talaga magawa. Ano nanaman bang trip to jd?

"No im not, just punch me here" pagmamatigas nito at saka ulit tinuro ang dibdib nya. Umiling nalang ako sa kanya at saka tinago ang dalawa kong mga kamay sa aking likuran. "Don't be stubborn, just punch me instead! Will you?" Kinuha nito ang kanan kong kamay at saka itinapik sa dibdib nya.

"Sure ka ba talaga?" Tumango lang sya bilang sagot. Hindi nako nagdalawang isip at saka ko sinuntok yung dibdib nya. Napalakas din siguro ako ng pwersa dahil nakita kong umawang ang labi nya dahil sa sakit. Nakaramdam nalang ako ng pagkaguilty at saka ko hinimas ang dibdib nya na tinamaan ng suntok ko. Napalakas nga siguro ako. Ipinatong nya din ang kanang kamay nya sa kamay kong nakahawak sa dibdib nya. Nakatitig parin sya sa akin at this time, ang lungkot na ng mga mata nya.

"Alam kong kulang pa ang suntok na iyon para mabawasan lahat ng sakit na naibigay ko sayo" yumuko sya at nakita ko naman ang mariin nyang pagpikit "im sorry for what I've done to you, you did not deserve all of that" huminga naman sya ng malalim at saka deretyo nanaman tumingin sa akin. "Totoo lahat ng iyon ayesha, nakabuntis ako ng ibang babae" bigla namang may tumulong kung anong maiinit na tubig galing sa mata ko.

Ewan ko, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Hindi ako makangiti, hindi ako makatawa at mas lalong hindi ako makagalaw. Parang namanhid ang buong pagkatao ko, parang huminto ang pagdaloy ng dugo ko sa buong katawan ko. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko lahat ng ito. Parang hindi nagpafunction ng maayos ang utak ko. Ilang segundo na ang nakakalipas pero hindi parin tumitigil ang mga luha sa pag-agos nito. Please, pakipaliwanag naman sakin kung saan nanggagaling lahat ng to. Hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko.

Ano ba 'tong nararamdaman ko?

___________________________

"For with God, nothing shall be imposible" Luce 1:37

Dito ko nalang talaga naeexpress lahat ng sakit na nararamdaman ko. Sorry guys, sobrang busy talaga!

VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon