Chapter 27: Happiness

321 3 1
                                    



Ayesha's Pov

"Hijo salamat sa pagaalaga sa akin lalo na sa anak ko. Magiingat ka sa byahe mo" salamat talaga kay gio at napagpasyahan nyang iuwi na ako. Sobrang miss ko na kasi sila mama lalo na ang mga kapatid ko. Ilang araw din akong nawala sa tabi nila, ang dami nang nagbago. Yung bahay namin, yung lugar ng tinitirahan namin. Naging mas maganda narin sila kung manamit kesa nuon.

Ang laki talaga ng tulong na binigay sa amin ni jd. Pero hindi parin ako kumbinsido sa mga pinakikita nya ngayon. Dahil sa kanya na dropped out ako sa school ko. Pano ba naman kasi ilang araw na akong hindi pumapasok at scholar pa ako. Tinext ako ng dean nang school nagsabay sabay na lahat ng problema ko. Simula talaga ng dumating yang Jd na yan naging magulo na ang buhay ko. Malas!

Kumalat pa sa brgy. namin na nagkaron na daw ako ng asawang mayaman kaya lumipat kami ng bahay. Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang balita na yan. Tao nga naman, ang gagaling gumawa ng kwento at ang bibilis maniwala sa mga sabi sabi.

"Ms. Ayesha una na po ako" nagmano pa si gio kay mama bago ito tuluyang magpasya na umalis pero hindi pa 'man sya nakakalabas ay bumuhos na ang isang malakas na ulan.

"Aish malas" bulong nito. Akma na sana syang tatakbo ng bigla ko syang pigilan

"Whoooops! Gusto mo bang magkasakit?" wika ko. Umiling naman ito at pabagsak na bumalik sa pagkakaupo sa sofa. Nakakatawa ang itsura nya dahil mukha syang nababalisa

"Kaylangan kong umuwi Ms. Ayesha" pangugulit nito sa akin. Umiling nalang ulit ako at saka sya nginitian pero hindi parin nawawala ang pagkabalisa sa itsura nya.

"Yung aso kong si Penny mababasa, baka hindi maisilong ni manang. Sakitin pa naman yun aish!" Bulong nito sa sarili pero sapat na para marinig ko. Tumawa nalang ako ng mahina. Hindi ko alam na may side pala si Gio na mapagmahal sa mga hayop. Kung titignan mo si Gio parang isa na sya sa mga lalaking masasabi mong 'ideal guy'. No wonder kung bakit madaming tumitingin sa kanya nuong magkasama kami.

"Hijo dito ka na muna magpalipas ng gabi" singit ni mama. Nagkamot naman ng ulo si Gio at saka nagbigay ng isang ngiting mahahalata mong pilit.

"S-sige po tita" sagot nito. "Wait lang po may tatawagan lang ho ako" tumayo na ito at saka naglakad papunta sa veranda ng bahay.

"Ate aye, sundan mo si kuya gio baka tumakas yun" pabirong wika ni peypey nang makita nyang medyo malayo na sa amin si gio.

"Hindi naman po bad si kuya gio. Diba po mama?" Tanong ni kelly

"Oo nga naman pey hindi naman bad ang kuya gio nyo. Diba ayesha?" Tumingin si mama sa akin at ngumiti ng nakakaloko. At yung ngiti na yun ay parang may kung anong sinasabe. Si mama talaga

"Oo naman. M-mabait" tuliro kong sagot. Bigla naman silang nagtilian at si peypey pinaghahampas ako ng unan. Si kelly naman talon ng talon habang pumapalakpak dahil sa tuwa habang si mama naman nakangiti sa akin ng malapad. Ano nanaman kayang trip ng mga to?

Masaya ako ng nakikita silang masaya. Yung makikita mong parang walang bahid ng lungkot at problema sa mga mata nila. Pakiramdam ko ayoko nang matapos ang moment na 'to dahil nagkaroon kami ng masayang pagsasama sama. Natatakot ako dahil baka bukas paggising ko bigla nalang akong kuhanin ni jd at pilitin ulit na magpakasal sa kanya at ilayo nako sa pamilya ko. Ayoko na nang lungkot, ng sakit at ng problema

Bigla kong naalala si papa. Gugustuhin pa kaya nilang makita si papa ngayong alam ko na kung nasan na ito. Matutuwa kaya si mama kapag sinabe kong nagkita at nagkausap ulit kami ni papa. Sasaya kaya sila kapag sinabe kong may iba na syang pamilya. Ayoko, ayoko silang malunod sa saya ng kalungkutan.

Gio's Pov

"Manang pakisilong naman si Penny. Baka magkasakit yung aso ko. Wag mo muna syang dalhin sa kwarto ko baka malungkot sya dahil hindi ako makakauwi ngayong gabi. Pakisabi na rin kay mommy yun. Opo manang. Yung hindi ako makakauwi yung sasabihin mo kay mommy. Tsaka dalhin mo si penny kay ate riya itabi nya muna kamo sa aso nya. Salamat manang" inilagay ko na sa bulsa ko ang cellphone ko at saka naglakad pabalik sa loob.

Napahinto nalang ako sa paglalakad at napasandal sa pader ng makita ko silang nagsasaya. Nakakatuwa silang tignan, if you'll see them right away mapapangiti ka nalang dahil sa dala nilang good vibes. Nakakahawa ang saya nila kasi alam mong totoo at galing sa puso.

"Tama na nga yan" awat ni ayesha mula sa malayo. Sakto naman ang distansya ko sa kanila para marinig sila eh. "Oo nga pala may pasalubong pala ako sa inyo" inilabas ni ayesha ang maleta nya at duon makikita mo ang mga damit, pagkain at souvenir na galing sa japan. Hindi ko akalain na ganyan pala kadami ang nabili nya gamit ang credit card ko. Napangiti nalang ako. Ayos lang naman siguro sa akin dahil para sa kanila naman iyon.

Pinicturan ko sila habang masayang nagkukulitan. Hindi parin naaalis ang ngiti sa mga labi ko.

Haysss ayesha. Dahil sa mga pinapakita mo sa akin mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko sayo. Kung makukuha ko lang ang kontrata kay jd susunugin ko iyon at sisiguraduhin kong ako ang pakakasalan mo.

______________________________

Waaaah!!! So much pressure, nakakainggit kasi yung nababasa kong story na iba kasi ang ganda tapos yung akin feeling ko habang tumatagal mas lalong bumabaduy ;(

Pero support parin guys!! Love ko kayo

      VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon