Chapter 50: Help me

72 1 0
                                    

Gio' s Pov

"Nanay elissa kumalma po kayo, hahanapin ko si ayesha" hindi ko na alam kung paano ako maguumpisa para mahanap si ayesha. They kidnapped her, they kidnapped my girl!

I tried searching her, off ang phone nya. Pati ang mga cctv ay hindi gumagana nung time na yun. Sinabutahe nila ang surprise ko para kay ayesha, pinagplanuhan nila.

"Kuya gio, natatakot po ako. Nasan po si ate ayesha?" Niyakap ko si kelly para pakalmahin, lahat ng tao ay nagpapanik. Lahat sila ay walang alam sa nangyayari

"Calm down kelly, I'll find your ate ayesha. Mahahanap ko sya agad" tinawag ko ang isa sa mga driver namin at saka sila pinahatid sa bahay. I want them to be safe too habang hinahanap ko si ayesha.

"Gio! What happened?" Nagpapanic na tanong ni ate riya. I don't know what just happened, i don't know!!

"Please help me! Ayesha is missing!" Tumango si ate at saka na mabilis naglakad papunta sa parking lot sumunod na din ako sa kaniya at nasa likod ko naman ang tatlong tauhan ni daddy para tumulong sa paghahanap.

"Where you two going?" Nasa parking lot na din si giyan at naghihintay doon. I didn't answer him, mabilis akong sumakay sa sasakyan ko at agad iyon pinaandar pero humarang sya sa harap ng dadaanan ko. Bumusina ako ng ilang ulit pero hindi parin sya umaalis sa kinatatayuan nya.

"What?!" Inis na tanong ko?

"Open that damn door kuya" turo nya sa pintuan na nasa front seat, binuksan ko iyon at saka na sya pumasok. Hindi ko na alam kung ano pa ang nasa isip nya ngayon.

"Hindi ako ang maghahatid sayo pauwi" mahinahon pero halata parin sa boses ko ang pagiging uncomfortable. Shit! I need to find ayesha real soon!

"No kuya, i will help you.." tinitigan ko sya ng masama "i will help you find ate ayesha" hindi ko na sya sinagot at saka na mabilis na pinatakbo ang sasakyan. Hindi ko alam kung saan ko sya mahahanap. Hindi ko alam kung saan ako maguumpisang hanapin sya basta ang alam ko hahanapin ko sya.

Tumawag si ate riya sa akin pero nakabuntot lang ang sasakyan nya sa amin.

"Gio! Ayesha is with carmela. I told you, she's going to be crazy as hell!" Nagpantig ang tenga ko, what the freaking shit?!

"How did you know?"

"It doesn't matter!"

"Where is she?"

"Sa calayan coast. Sa property nila sa bataan"

Agad kong tinrace sa gps ko ang lugar na yun. Hindi ko pa iyon napupuntahan pero  nababanggit na sya sakin ni jd.

Yeah, jd!

"Where do we going? Akala ko ba sa bataan? Bakit ibang daan 'to?"

"Just shut your mouth" mabilis kong pinaandar ang sasakyan. Hindi ko na alam, I'm anxious. This is crazy!

"Kuya jd's house?" Tanong ni giyan. Yes I know this is going to be a stupid move but damn this is the only way to find ayesha.

Bumaba ako ng saksakyan at saka patakbong pumunta sa gate nila. Nakailang doorbell ako at agad namang lumabas ang kasambahay nya.

"Where's jd?"

"S-sir gio"

"Nasan si jd? Jd!" Pumasok ako sa loob, nakita kong nakaupo sila ni hailey sa sofa at masayang nagkukwentuhan. Parehas silang napalingon sakin at nabigla dahil sa pagdating ko.

"This is a miracle, young" seryosong usal ni jd. I don't have time to make sarcastic conversation with him.

"I need you" nilunok ko lahat ng pride ko bago sabihin ang salitang yun. Wala na akong ibang paraan kundi puntahan sya at humingi ng tulong. Sya lang ang kilala kong nakakaalam ng lugar ni carmela and i don't have the rights to prioritize my pride. This is about ayesha.

"Haha is this a joke?" Nagtitimpi ako, hindi ako pwedeng magpatalo sa inis ko dahil nakasalalay dito ang kaligtasan ng babaeng mahal ko.

"Please, dinukot ni carmela si ayesha. Dinala nya sa calayan coast, yung property nya sa bataan. Ikaw lang ang nakakaalam ng lugar na yun. Help me jd. This is a matter of life. Help me" I swallow all my pride, i step on my ego. I almost kneel to him.

"Come on" kinuha ni jd ang susi at wallet nya sa ibabaw ng lamesa at saka na nagmadaling umalis. Tinawag pa sya ni hailey pero hindi nya na ito nilingon.

Mabilis na kaming umalis at saka binaybay ang daan patungong bataan.

"My god gio! I swear, kapag may nangyaring masama sa sister in law ko makakalbo ko yang si carmela!" Usal ni ate riya sa kabilang linya.

"This is going to be crazy" singit ni giyan. I swear to god, kapag may nangyari talagang masama kay ayesha hindi ko alam kung anong magagawa ko kay carmela.

"Malapit na tayo" sabi ni jd. Sinundan ko lang ang sasakyan nya hanggang sa makarating kami sa isang rest house malapit sa dagat.

Kanya kanya kaming bumaba sa mga sarili naming sasakyan.

"Kuya wait, are you sure? Susugod tayo dyan ng wala lang? Look at them, ang daming lalaki sa labas lahat sila armado. Is this a suicide?" Nagtago kami sa bakuran ng bahay. Oo, tama si giyan.

"What are we going to do?" Nababalisang tanong ni ate riya. I don't know, walang pumapasok sa isip kong solusyon dahil ang nasa utak ko lang ngayon ay makuha si ayesha kay carmela.

"I bought guns and knifes. Inaasahan ko na ang ganitong bagay dahil nagbanta na si carmela sakin. I ignored it dahil alam kong hindi nya yun magagawa dahil alam kong hindi mo hahayaan si ayesha, gio.." natigilan ako dahil sa sinabi nyang yun. All this time alam nya na pala ang bagay na 'to? Bakit hindi nya sinabi sakin?

"Come on we don't have time to make chikas! Sigurado akong pinapahirapan na ni carmela si ayesha" bumalik kami sa sasakyan ni jd. Yeah he was right, ang dami nyang dalang baril at mga kutsilyo. Isa isa kaming kumuha nun para na din sa aming protection.

"Gio, giyan! I don't know if we're going to survive but i want you two to know that I love you so much" niyakap kami ni ate riya. This is my fault, kapag may nangyaring masama sa kanila masisi ko ang sarili ko. Ako ang nagdala sa kanila sa ganitong sitwasyon.

Nilingon ko si jd at saka ko sya tinanguan, tumango naman sya bilang sagot at saka na pumwesto para sa aming pagpasok..

_________________________________________

Bumabawi palang ako hahaha! May on going din akong story.. yung immortality. Maganda din yun, kwela!

                VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon