Chapter 24: Life is too short

356 5 1
                                    



Gio's Pov

"Gio sumunod ka dito" padalos dalos nanaman si sir. Nung nakaraan lang ayaw nya akong isama tapos ngayon gusto nyang sumunod ako. Ano nanaman kaya ang nangyayare?

"Can't make it today sir, it's my ate riya's birthday. Pwede ho bang bukas nalang?" Baka kasi magtampo nanaman si ate riya sa akin. Last year kasi hindi ako nakaattend dahil yun din ang araw ng anniversary nila Sir Jd at Ms. Carmella.

"Let's drink. Remember? It's September 29" kasama naman nya si Dondi bakit hindi nalang sya duon magpasama.

"Yeah i know, it's your anniversary" rinig ko pang tumawa sya ng bahagya. I know that laugh has a pain on it.

"It's my dad's death anniversary too" oo nga pala. 2nd death anniversary ni Tito Jack. Shit how did I forget about that?

"S-sir. Sorry but.." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla syang magsalita

"Si ayesha, nandito kami sa hospital ngayon" bigla kong napindot ang end button dahil sa gulat ko. Oh crap! Dead bat!

Anong nangyare kay ayesha? Natataranta ako kapag may nangyayareng hindi maganda sa kanya. Ano nanaman ba kasing ginawa mo Sir Jd?

Hinanap ko agad si ate riya para magpaalam nakita ko sya sa pool na kausap ang boyfriend nya. Alam kong magtatampo nanaman sya sakin pero wala na akong pakielam. Si ayesha na ang dahilan at hindi na 'to basta basta

Sumakay na ako sa kotse ko at saka mabilis iyong pinaandar. Pupunta ako ng palawan, kaylangan kong makita si ayesha, kaylangan kong malaman kung ayos lang ba sya. Nagaalala ako, nagaalala ako para sa taong mahal ko.

Ayesha's Pov

"2 years ago my dad passed away because of car accident. Sobrang sakit sa amin ng mom ko pero hindi ako umiyak, ayokong umiyak dahil kaylangan ako ng mom ko. Akala ko maaalagaan ko si mommy pero 2 months after ng burol ni dad sumunod na din sya. Sobrang sakit para sa akin nun ayesha. Duon na ako umiyak, sinisi ko ang sarili ko sa mga nangyare. Pinanghinaan ako ng loob pero kinaya ko kahit wala na akong magulang na mayayakap kapag meron akong problema. Maswerte ka pa dahil nandyan pa sila lalo na ang tatay mo, dahil ang mga taong katulad ko na nawalan na nang magulang ay sobrang nananabik sa pagmamahal at pagkalinga ng isang ina lalo na't ang ama. Swerte ka pa ayesha"

Hindi mawala sa isip ko lahat ng mga salitang binitawan ni jd kanina. Nakaramdam ako ng awa, hindi ko alam na sa likod pala ng malamig nyang pagkatao meron syang pighating tinatago.

Habang sinasabi nya lahat ng yan kitang kita ko kung pano nya pigilan ang mga luha na gustong gustong lumabas sa mga mata nya. Kitang kita ko ang sakit nang nakaraan. Hindi ko maitatanggi na nagkaroon ako ng paghanga sa kanya dahil sa likod nang mga nangyare mas pinili nya pading maging matatag. Mas pinili nyang mabuhay kahit wala na ang mga magulang nya.

Siguro kung ako ang nasa sitwasyon nya hindi ko kakayanin, ang mawalan ng magulang ay ang isa sa mga pinakamahirap na dagok na haharapin mo sa buhay. Higit pa sa pinagsakluban ng langit at lupa ang pakiramdam nang ganung sitwasyon. Ngayon pa nga lang na hindi ko nakakasama si mama at hindi ako kilala ni papa sobrang sakit na para sa akin, paano pa kaya ang mawala sila?

Napatingin ako sa pinto ng biglang may kumatok duon, iniluwa nito ang isang nurse na may dalang kung ano ano. Lumapit sya sa akin at saka may isinulat sa papel na hawak nya.

"Kamusta na po ang pakiramdam nyo mam?" Masigla nitong tanong. Napatingin ako sa mga mata nya, halata mo na parang kagagaling nya lang sa iyak.

"Anong nangyare?" Tanong ko sa kanya. Para naman syang nagtatakang tumingin sa akin

"A-ano po yun mam?" Medyo yumuko pa ito na parang nagiiwas ng tingin.

"Umiyak ka ba?" Hinawakan ko sya sa kamay.

"Ah haha naku wala po ito mam" pagkukumbinsi nya sa akin kahit na alam nyang hindi ako maniniwala.

"Sige na, magkwento ka muna sa akin" tumingin sya sa akin nang may malungkot na mga mata na kanina nya pa tinatago sa akin. Umupo sya sa tabi ko at saka nagpakawala ng isang malalim ng buntong hininga.

"Yung matandang pasyente po kasi na si lola nenita na inaalagaan ko sa 3rd floor.." Yumuko pa ito at saka nilaro ang mga kuko nya "patay na" malungkot na wika nito.

"Dalawang buwan ko rin po kasing binabalik balikan si lola sa room nya para icheck sya. Naging malapit na din po si lola sa akin simula nuong madala siya dito sa hospital. Parang apo na din po kasi ang turing nya sa akin at parang kamag anak na din po ang turing sa akin ng pamilya nya kaya po masakit din sa akin na wala na sya" halata mo na garalgal na ang boses nya pero patuloy padin sya sa pagkukwento

"Alam ko po iisipin nyo na ang OA ko naman na isa lang naman yan sa mga pasyente dito bakit iniiyakan ko pa. Ganun po talaga kaming mga nurse lalo na kapag mahina ang loob mo sa ganyang bagay. Ilang beses na din po kasi akong namatayan ng pasyente at isa na po si lola nenita sa mga pasyenteng matuturing kong pamilya" pinunasan pa nito ang mga nagkalat na luha sa kaniyang pisngi at saka tumayo at ngumiti sa akin.

"Tagilid na po kayo mam ichecheck ko lang po saglit ang tahi nyo" masiglang wika nito na animoy parang walang nangyare.

Isa din sya sa mga taong masasabi kong matapang. Naiintindihan ko na sa trabaho nya hindi lang naman galing sa paggagamot ng sugat o pagpapagaling ng sakit ka dapat magaling. Nakikita ko din na naging malapit nga talaga sya sa matanda kaya ganun nalang ang sakit sa kanya nang mawala ito.

Ang buhay talaga hindi mo masasabi kung kaylan matatapos. Hindi mo alam kung kaylan babawiin ng diyos ang pinahiram nya sayong pagkakataon kaya dapat habang nabubuhay pa ang mga mahal mo sa buhay papahalagahan mo sila hanggang sa huling sandali ng kanilang mga hininga kasi hindi naman natin masasabi kung kaylan sila mawawala sa mundo.

Hindi mo naman pwedeng sabihin na 'uy mamamatay na ako next week, mahalin mo na ako habang nabubuhay pa ako' kung sana ganun lang ang buhay. Kung sana ganun lang kadali na sabihin ang katapusan mo. Kaso walang sino man ang makapagsasabi, walang sino man ang nakakaalam at walang sino man ang makapipigil.

__________________________

Sorry for the madramang eksena. Nacarried away lang talaga ako.

By the way guys, thankyou for reading my story. Ang daming bumabati sa akin na congrats daw dahil ang ganda nung story. Wag po kayong magsasawang suportahan ako hanggang sa huli. Sama sama po tayong subaybayan ang istroya ni Ayesha.

           VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon