Chapter 13: Wrong thought

369 5 0
                                    



Peypey's Pov

"Bes okay kapa ba?" Hindi ako mapakali. Hanggang ngayon, seryoso miss na miss ko na si ate aye. Ayaw sabihin ni ate michelle kung nasan si ate at kung kaylan sya uuwi. Ang lagi nya lang sagot wala syang alam.

"Sana nga okay ako bes"
Naglalakad kami ngayon ni nicole pauwi. Lutang parin ako hanggang ngayon. Dahil kay ate, mababaliw ako kakaalaga kay mama. Ang hirap nyang iwanan sa bahay ng walang kasama. Nagwawala kasi sya dahil lagi nyang hinahanap si ate. Ayoko namang ipagkatiwala si mama sa katulong na pinadala ni kuya gio sa amin. Pero wala akong magagawa dahil kaylangan kong pumasok at magaral.

"Aray/Ouch" ang sakit ng ulo ko. Nakasalampak ako ngayon sa kalsada. Parang umikot yung paningin ko.

"Ano ba!" Sinigawan ko yung lalaking nakayuko sa harapan ko at nakahawak din sya sa ulo nya.

Iniangat nya ang ulo nya at saka ako sinigawan. "Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?!" Nagtama ang paningin namin. Kilala ko to ah. Sya yung bumunggo kay kelly sa hospital.

"May lahing bumper ka ba ha?! Bunggo ka ng bunggo eh!" Nananadya ba yung tadhana. Of all people etong lalaking tanga pa na to ang makakabunggo sa akin.

"Ikaw may lahing iskandalosa ka no? Sigaw ka ng sigaw eh" aba't ang lakas naman ng loob nitong lalaki na to. Ha!

"Hoy lalaking pangit SLASH bulag. Hindi ako iskandalosa! Masyado ka lang tanga dahil hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo" pinulot ko ang bag ko at saka nagpatuloy sa paglalakad. Pagod ako ngayon. Hinabol nya ako at saka hinawakan sa braso.

"Pagkatapos mo akong sabihan ng kung ano ano tatalikuran mo ako. Hoy hindi pa tayo tapos!" May diin sa tonong wika nya. Ang kulit talaga nito. Hindi nalang ako hayaan. Nakakainis!

"Edi tapusin mo na oh ano!" Paghahamon ko sa kanya at inilapit ko ang mukha ko na parang nagyayabang. Nagulat nalang ako ng bigla nya akong...

Halikan

Ayesha's Pov

Pagkapatapos ng nakakakilig na eksena namin ni Gio sa labas inalalayan nya na akong sumakay dito sa private plane daw nilang tinatawag. First time ko to kaya sobrang excited at kaba ang nararamdaman ko. Nung pagkasakay ko ang bango ng loob at amoy chocolate nanaman. Siguro chocolate lover talaga si Gio, minsan nga pag napunta ako sa tindahan ibibili ko sya ng Cloud 9 hehe. Ibibigay ko sa kanya yun pambawi na din sa lahat ng itinulong nya sa amin ni mama.

Pinaupo nya ako sa isang upuan na parang maliit na kama. Pwede ka kasing humiga at may mini table sa kaliwa nun at bintana naman ang nasa kanan. Humiga ako para mas komportable at feel ko ang pagsakay sa eroplano. Itinuon ko muna ang atensyon ko sa labas ng bintana at saka pumikit. Ewan ko ba kung bakit ang takaw takaw ko sa tulog. Gigising nalang muna ako siguro kapag naramdaman ko nang aandar na tong sinasakyan ko.

"Psst Ms. Ayesha" hindi pa man ako nakakatulog pero may gumising na sa akin. Ayss! Badtrip

"B-bakit?" Tanong ko kay Gio. Naka black tuxedo nanaman sya ngayon. Mas lalo nanaman syang gumwapo.

"Dun tayo sa loob" turo nya sa may kurtina. Ibig nya bang sabihin may kwarto pa itong private plane? Hindi na ako sumagot at saka na tumayo. Bigla namang umandar ang sasakyan kaya naout of balance ako at medyo napayakap kay Gio.

"Ah eh s-sorry gio sorry" umayos ako ng pagkakatayo at medyo yumuko. Nakakahiya na talaga.

Bigla ko namang naalala na kaylangan ko palang magpasalamat sa kanya. Sa lahat ng itinulong nya sa akin, pati na rin kay mama.

"G-gio?" Tawag ko sa pangalan nya. Naiilang ako, ang weird talaga ng feeling pag magkaharap kami. Hindi lang siguro ako sanay.

"Hmm?" Sagot nya.

"Salamat pala ha?" Medyo nagulat naman sya sa sinabe ko dahil napatingin sya sakin.

"Para saan naman?" Naglakad sya ng bahagya malapit sa kurtina. Hindi naman ako makagalaw dahil sobrang kapit ko sa bangko na nasa gilid ko. Ayokong masubsob.

"Sa... Sa mga tulong mo" medyo naglakad ako ng konti pero nakakapit padin ako sa mga bagay na pwede kong kapitan. Sana kasi hinayaan nya nalang akong nakahiga kanina.

"Wag sakin Ms. Ayesha" napahinto naman ako sa sinabe nya. Bakit ba nagpapakahumble pa sya. Bakit hindi nya nalang tanggapin yung pasasalamat ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Hinawi nya ang kurtina. May isang lalaki naman na nakaupo sa may parang sofa na nakatalikod sa pwesto namin.

"Sa kanya Ms. Ayesha. Sa kanya ka magpasalamat" inabot naman nya ang kamay ko at saka inalalayang maglakad papalapit sa lalaking sinasabe nya. Bakit parang kinabahan ako? Ang dilim ng awra nya, ang bigat Nang presensya nya para sakin.

"Sir" wika ni gio. Dahan dahan namang lumingon ang lalaking nasa harapan ko.

"Mr. Almonte?" Bulong ko sa sarili ko. Sya? Sa kanya ako dapat magpasalamat? Sya ang may gawa ng mga bagay na yun?

"Yeah"

_______________________

Grabe yung dalawang magkapatid. Qotang qota. Winner hahaha!!

          VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon