Chapter 40: The Problem

232 7 2
                                    


Ayesha's Pov

"Ma sorry, sorry po talaga" nakaupo kami ni mama ngayon sa kama ko at kaming dalawa lang dito ngayon sa kwarto. Ayokong marinig ng mga kapatid ko ang nagawa ko, ayokong malaman nila ang lahat.

"Sana sinabi mo na sa akin agad anak para hindi na natin tinggap ang pagtira sa bahay na 'to" kitang kita ko sa mga mata ni mama ang lungkot, galit at pagkadismaya.

"Wala na po kasi akong choice ma, ayoko nang nakikita kayong nahihirapan kaya wala na akong nagawa kundi tanggapin nalang lahat ng 'to kahit na alam kong magagalit kayo sakin kapag nalaman nyo" hanggang ngayon iyak parin ako ng iyak at inaalala ko parin ang lahat nang nangyari kagabi.

Simula mag 'I do' ako sa harap ng maraming tao hanggang sa malaman ni mama ang lahat. Hindi na halos kinaya ng katawan ko ang lahat nang nangyarj dahil sabay sabay talaga as in, isang bugsuang problema at bigat ng nararamdaman ang pinaranas sakin. Totoo nga talagang may nabuntis na babae si jd, naamin ko na din kay gio ang nararamdaman ko at nalaman na din ni mama lahat ng totoo.

"Hindi mo kaylangan ng pagmamahal na kapalit lang ay kayamanan. Ayokong maranasan mo ang sakit na dinanas ko dati. Ayokong masaktan ka ng wala ka man lang karapatan. Anak, h'wag mong pilitin ang sariling mahalin si jd kung si gio naman ang laman ng puso mo" niyakap ko si mama dahil tumagos talaga sa puso ko ang lahat ng sinabi nya. Nanay talaga kita, alam na alam mo ang nararamdaman ko.

"Sorry po talaga ma" hinigpitan nya ang pagkakayakap sa akin at saka hinimas ang likod ko. Ang sarap lang talaga sa pakiramdam na may mga taong nandyan para paglabasan ko ng mga hinanakit ko sa buhay. Kahit papano gumagaan ang pakiramdam ko dahil nandyan lang sila lagi para sakin.

"Sige na, magayos kana at lilipat na tayo sa dati nating bahay" sinangayunan ko nalang si mama dahil alam kong ganito naman talaga ang magiging desisyon nya.

Gio's Pov

"Please stop making yourself look like a fool! Imbes na uminom ka ng uminom at umiyak ng umiyak dyan bakit hindi ka nalang gumawa ng paraan para makuha si ayesha kay jake david" nakakaubos nako ng dalawang bote ng alak pero parang hindi ako tinatamaan. Namamaga na din ang mga mata ko pero hindi maubos ubos ang mga luha na pumapatak galing dito. "That ayesha girl is so lucky. I want to meet her, i want to know her" napatingin ako kay ate riya na parang nagtataka.

"Why?" Tanong ko.

"Of course, para naman makilala ko ang babaeng nagpapatibok sa puso ng kapatid ko. Kilalang kilala kita gi, wala kang hilig sa babae. Kaya nga nung nalaman ko kay mommy na patay na patay ka sa isang babae hindi ako makapaniwala eh, kung hindi si mommy ang nagsabi nun. Nako! Hindi talaga ako maniniwala" tumawa sya at saka tumabi sakin. Nagpakuha sya ng baso at saka ako sinamahan sa paginom.

"What the heck?! Pano naman nalaman ni mommy yun?" All i know ay hindi pako nagsasabi kay mommy, hindi ko pa nababanggit si ayesha sa kanya kaya pano nya malalaman yun?

"Sinabe ni daddy sa kanya" whaaat?! Si daddy? How? Binigyan ko si ate riya ng confusing look at tinawanan nya lang ako. Ininom nya ang alak na nasa baso nya at saka tumingin sakin "Hala akala ko alam mo na"

"Alam ang alin?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko parin magets kung paano nya nalaman yun.

"Ay nako gi, matalino ka! Gwapo! Malakas ang sense of humor pero ubod ka ng tanga" sa mismong mukha ko pa talaga sinabi yun.

"What the hell ate?!"  Tumawa sya at saka ulit ininom ang alak na nakalagay sa baso nya. Lakas talaga uminom, mukhang mauuna pa 'tong malasing sakin eh.

"That's the truth baby boy. Pinapasundan ka ni daddy, anytime! Anywhere! Pati nga yung pagaaway nyo ni jake david alam na alam namin nila mama at  ang pagalis mo sa kumpanya nila. Where up to date bro. Ikaw lang talaga ang hindi dahil panay ang suyo mo dyan kay ayesha. Taray ha! Kaya pala ang aga mong umaalis dito sa bahay dahil may pabreakfast surprise ka lagi sa kanya. Ako kaya kaylan ko mararanasan kay charles yan?" After nya dumaldal lumagok sya ng dalawang baso straight. Hinayaan ko nalang syang uminom dahil feeling ko may problema din sya. Kilalang kilala ko ang ate ko, nagiinom lang yan kapag may problema at okasyon.

"Nagaway kayo?" Tanong ko sa kanya out of nowhere. Tumango nalang sya at saka tumingin sakin, nakasibi pa ang loko na parang nagpapaawa hahaha!

"Nagsasawa na sya sakin?" Nakita ko nang tuluyan na pumatak ang luha nya. I can see na parang nagiinarte nalang 'to hahaha! "Am i not enough? Am i boring? Sabi nya kasi dati ang childish ko daw so i changed and turn myself to be matured one then he said na nagiba na daw ako at nagsasawa na daw sya sakin. Of course magiiba ako dahil he want me to be like that. So saan ako lulugar diba? Ang abnormal ng lalaki na yun" pinaikot ikot nya ang yelo na nasa baso nya. Natatawa nalang talaga ako dahil ngayon sya na yung namamaga ang mata. "Pero kahit ganun yun, mahal na mahal ko yun"

"Sounds stupid tssk!" Singit ng feeling boss naming bunso.

"You stop giyan! You don't know what I'm feeling right now" muntikan nang batuhin ni ate si giyan ng baso pero pinigilan ko lang. Sayang yung baso at lalong mas sayang yung alak.

Nagpatuloy ang pagkukwentuhan naming tatlo hanggang sa si ate riya na ang tuluyang nalasing at bandang huli ako na ang nagcomfort sa kanya. Sa pagkakaalam ko ako yung may problema eh, bakit ang dating ako pa taga suyo? Mga babae nga naman!

___________________________

Sorry kung napatagal update ko. Relate ako sa chapter na to eh, dami ko din problema. Send hugs please?

VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon